Chapter 20

383 7 0
                                    


Chapter 20

Brown creature


Nabalik ako sa huwisyo nang kalabitin ako ng aking katabi na mukhang napansin na lumilipad ang isip ko. Sinikap kong magpokus sa diskusyon hanggang sa huling asignatura para sa araw na ito.

"Class dismiss," halos tumalon ako nang mag-anunsyo ang huling propesor namin tapos na ang klase.

"Finally!" Sigaw ng ilang mga kaklase ko na parang nabunutan din ng mga tinik. Habang nagliligpit ako ng gamit ko ay nilapitan ako ng dalawang kaibigan ko.

"Baks, crush ka siguro ni Prof. Dorado, tingin nang tingin sa 'yo," pang-aasar ni CJ.

"Oo nga, bet ka 'ata," sabi ni Audette at humagikhik.

"Nakanamputcha! Tigilan niyo nga 'ko, kilabutan nga kayo sa sinasabi niyo," angil ko sa kanilang dalawa na patuloy pa rin sa pagtawa.

"Kain tayo," aya ni Audette.

"Saan?"

"Doon na lang sa may SM," sagot ni CJ. Tutal ay kakain naman kami sa labas ay sumakay na kami sa sasakyan niya para hindi na kami pa magcommute. Masyadong hassle kapag ganoon, pare-pareho lang naman kami ng pupuntahan.

"Sinong magbabayad?" Sabay naming tanong ni Audette 'saka tumingin kay CJ.

"Okay, fine," Napipilitang saad niya at nag-apir pa kami ni Audette. Sa isang fast food chain kami kumain at dumaan din sa mga bilihan ng damit bago umuwi.

"Ay nga pala, mauna na kayo. Susunduin ako ni Demyong," sabi ko sa kanila. Muntikan pang mawala sa utak ko na susunduin niya nga pala ako.

"O, sige, mag-iingat ka. Balitaan mo kami, ah," bumeso muna kami sa isa't isa bago ko sila pinanood na maglakad papalayo. Nang makalabas na sila ay kinuha ko naman ang telepono ko para tingnan kung may text o tawag ba siya ngunit wala naman.

Halos kalahating oras na akong narito pero wala pa ring dumadating na Damon. Paulit-ulit kong tinitingnan ang telepono ko at nagbabakasakaling may mensahe siya para sa akin. Isang oras na pero wala talagang darating. Mukha na akong tanga rito na kanina pa nakaupo.

Naiinis ako dahil hindi siya sumipot, sana sinabi niya sa akin kaagad. Nagpasya na lang akong umuwi mag-isa. Pagdating ko roon ay sinalubong ako nina Mama at ni Charles na ngiting-ngiti.

"Narito ka na pala," nagulat ako nang makita ko si Papa na naka-apron at may hawak-hawak na tray na mula pa sa microwave-oven.

"Pa!" Gulat na wika ko't yumakap sa kaniya.

"Hija, mangangamoy ulam ka na niyan," aniya at marahang natawa.

"Bakit hindi po kayo nagsabi? Ginulat mo naman ako, pa."

"E, 'di hindi na sorpresa 'yon," balak niya pala akong sorpresahin? Galing naman.

"Surprise?" Natatawang sabi nilang tatlo.

"Ang bango!" Sabi ko nang maamoy ang niluto niya.

"That's chicken parmigiana," sagot ni Mama at bigla akong natakam. Paborito ni Papa ang ganoong pagkain kaya siguro iyon ang niluto nila.

"Magbibihis lang po ako," paalam ko sa kanila at nagmamadali akong umakyat sa kwarto ko. Nagshower na rin ako para maging presentable naman ang hitsura ko sa harap nila. Naka-itim na jogging pants lang ako at T-shirt na malaki sa akin ang size nang bumaba ako.

"Halika na, hija. Narito na rin ang bisita mo," kumunot naman ang noo ko. Bisita? Wala naman akong inaasahang bisita. Wala rin naman akong inimbitahang bumisita rito. Sino naman kaya iyon?

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon