Chapter 33

421 10 0
                                    


DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT. 

Song: Drowning by Backstreet Boys

Chapter 33 

Golf Court 


Hindi ko inakalang aabutin ako nang isang buong araw sa kapanonood ng laman ng CD na 'yon. Inabot pa ako ng gabi para lang tapusin ang lahat ng 'yon. Kung gaano katagal kong pinanood ang mga bidyo, ganoon din siguro ako katagal umiyak. 

Kinabukasan, maaga akong nagising kahit ayaw pa ng katawan ko. Para akong lantang gulay na tamad na tamad pang bumangon mula sa pagkakahiga. Namamaga pa ang mga mata ko kaya naman kumuha muna ako ng yelo at idinampi sa aking mga mata. Nang mapansing medyo humupa na ang pamamaga ng mga mata ko'y nagpasya akong pumunta sa kapehan.

Nagpalit lamang ako ng damit at nagsuot ng salamin para naman hindi na mahalata ng iba ang natitirang pamamaga ng mga mata ko. 

Hindi na ako nagpaalam pa kay abuelo. Kinuha ko na lamang ang susi ng kotse at minaneho iyon papunta sa napiling kapehan. 

"One Americano and one slice of mango pie," sabi ko sa babae na nagkakaha tsaka ko iyon binayaran. Naupo ako malapit sa bintana at pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar. Napakakomportable at napakapresko pa ng lugar na ito. 

"Sir Damon Chua!" I stilled. Did I hear it right? 

"Miss Cayene!" Tumingin ako sa harapan at wala pa naman siya kaya dali-dali akong tumayo para kuhanin ang mga inorder ko. Ngunit bago pa ako makalapit ay naglakad na rin siya papunta sa harapan. 

"Oh my God. Ano bang nangyayari sa akin," wika ko sa aking isipan at mas binilisan pa ang pagpunta sa may harapan. 

Sa sobrang pagmamadali ay kinuha ko na lang ang isa roon nang hindi tinitingnan kung kanino at kung anong flavor ng 'yon. 

"Calm down, Cayene. Kumalma ka, hindi mo kailangang maging ganito," bulong ko sa sarili. I was walking back to my seat when I heard a man calling me. 

"Miss Forbes," I heard his baritone voice calling me. 

I ignored it and acted like I heard nothing. I knew we would meet anytime, anywhere. But I was never informed that we would be meeting this early. 

Binuksan ko na ang kapeng dinampot ko at ininom iyon. 

"Bakit ganito ang lasa?" Nagtatakang tanong ko sa sarili nang mapansin na may iba sa lasa ng kape na binili ko. Mabilis ko 'yong napansin dahil iisang kape lang naman ang binibili ko kahit saang kapehan. 

Tiningnan ko ang nakasulat at nasapo ko ang noo ko. 

"Café Latte" 

-Damon Chua 

Gaga! Hindi pala sa akin 'to! Nakanamputcha! 

Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses na ngayon ay papalapit na nang papalapit sa kinaroroonan ko. Umayos ako ng upo at tumikhim. 

"What are you doing here?" Tanong ko kahit alam ko naman kung anong pinunta niya rito. Iyong kape niya! Malamang! 

"You got the wrong coffee, Miss Forbes," he said coldly. Hindi yata ako sanay sa ganito. 

"Oh, my bad. Don't worry, I'll buy you another one," ani ko pero kinuha niya ang kape na binili niya mula sa mga kamay ko. 

"Hey! Nainuman ko na 'yan," agap ko. 

"I know, but it is still my coffee. You'll just waste your money by buying the same coffee," he said seriously that made my eyes rolled. 

"Nalawayan ko na 'yan, iinuman mo pa rin?" Balik ko. 

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon