Chapter 2

853 15 4
                                    

A/N: Just to clear things out, iisang anak lang din si Eunice— Cayene's mom. Eunice and Liam's mom are second cousins, so Cayene and Liam are more likely third cousins or distant relatives.

Chapter 2

Cafeteria


A daisy? Really? I know who sent me this. I am really sure that it's him. I looked around to see if he's here, hiding somewhere but I found no one.

"Nasaan na kaya iyon?" Palinga-linga ako para makita siya pero wala pa rin akong makita.

"Baka gusto mong umusad diyan," Narinig kong sabi ng babae sa likuran. Nilingon ko siya at inirapan bago umusad at sinabi ang order ko.

"Two orders of chicken meal with mushroom soup please," sabi ko sa kahera. Inilabas ko ang wallet ko at binayaran iyon. Habang naglalakad ako ay may narinig akong bulong-bulungan.

"Grabe, iyong babae roon."

"Di ba transferee iyon?"

"Ang lakas naman ng loob niyang bastusin sila Donny."

"Hindi na nahiya, ang kapal ng mukha."

Bunga ng pagtataka ay agad kong hinanap kung nasaan si Audette. Tatawagin ko na sana siya nang makitang may mga lalaki na nakapalibot sa kaniya. I instantly rolled my eyes when I saw the "DC Brothers" with their friends.

"Ano naman kayang binabalak ng mga 'to?" Pagkukwestiyon ko sa aking sarili habang mariing tinitigan ang magkapatid na lalaki.

"Hindi mo naman sinabi na may kasama ka pa lang maganda," gusto kong humalakhak nang magsalita ang bunsong Chua. I raised my eyebrow at the eldest Chua and he just shrugged. I put myself altogether and came up with the plan to play with them. Iniisip ko pa lang nandidiri na ako, wala namang mawawala sa 'kin, so why not?

"Umalis na nga kayo," mataray na sabi ng kaibigan ko. Akmang magpoprotesta pa iyong lalaking nasa gitna na mukhang lider nila pero tinawag na siya ng mga kasama niya. Umalis na silang lima at mas lalong lumakas ang mga bulong-bulungan na hindi ko nagustuhan kaya nagsalita na ako.

"Grabe, pati pala palaka nagsasalita na. Mga chismosa, ehem," nilakasan ko talaga ang boses ko para marinig nilang lahat sabay irap.

"Sino iyon?" Tanong ko sa kaniya habang inilalapag ang tray. I know I am making my very best friend a fool by lying at her. I know them, but I can't say that I know them because she will ask infinite questions about them that I can't answer.

"Huwag mo akong kausapin. Beast mode ako," nanahimik na lang ako dahil kita ko na galit siya at mukhang uusok na ang tainga sa galit. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa mag-uwian na.

"Baks, sino ba iyon?" Pangungulit ko nang maramdamang humupa na kahit papaano ang galit niya.

"Voltes V," sagot niya.

"Huh?" Kunot-noong tanong ko.

"Voltes V! Basta iyon na 'yon," iritadong sabi niya.

"K. Kitakits, kwento mo bukas, ah," Sabi ko bago pumasok sa bahay.

"Kumusta ang araw mo?" Tanong ni Mama sa akin pagkapasok ko.

"Fine," maiksing sagot ko at nagmano. Niyaya ako ni Mama upang kumain ngunit sinabi ko na aakyat muna ako para makapagbihis.

"Bihis po muna ako," paalam ko sabay akyat sa kwarto. Bihis lang ang ginawa ko dahil baka mapasma ako kapag ginawa ko 'yon. Nang matapos akong magbihis ay tiningnan ko ang checklist ko para sa araw na 'to. Gusto ko na lang tumakas nang makita ang mga gagawin at mapagtantong marami-rami pa pala. Ganito ba talaga? Gusto ko na lang maging ipis na feeling butterfly.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon