Chapter 40

683 10 0
                                    


Chapter 40

Alone


I thought I'm dead when I passed out. Puro puti kasi ang nakikita ako, akala ko nga ay nasa langit na ako. Sayang, hindi pa ako natuluyan, at sayang, I won't be accepted in heaven.

It's so unfair. I was fighting, I gave my best, I did what I thought was best for them. All this time, I blamed people I love for doing things that in fact were for me. Ginawa ni Mama ang mga 'yon para protektahan ako, Damon's life was dark because of me, and Donny chose not tell Audette what I did before to protect our friendship. I get things now, I am the root of these. I am the problem.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa hospital bed at tumingin sa kawalan. Mapakla akong napangiti habang inaalala ang lahat at hindi ko mapigilan ang umiyak. Naiinis din ako sa sarili ko dahil ibang tao lang ang pilit kong sinisisi para i-deny sa sarili ko na may kasalanan din ako. 

"Apo, tama na, huwag ka ng umiyak. Narito na si abuela," kaagad na tumayo si abuela at lumapit sa akin para aluhin ako.

"Abuela, this is my entire fault. I am a demon, I blamed them. Sa kanila ko lang ibinuhos ang sisi at galit para sa mga bagay na nagawa nila para sa ikabubuti ko. Kapakanan ko ang inaalala nila, habang ako, pawang galit ang namutawi," sabi ko habang nasa braso niya.

"Apo, wala kang kasalanan—"

"Stop it. Stop telling me na wala ho akong kasalanan. Kitang-kita na, abuela. Kasalanan ko naman lahat pero isinisisi ko lang sa iba."

"Apo, hindi mo kasalanan ang lahat dahil hindi mo naman ginusto ito. Isa pa, sila ang pumiling gawin—

"Nagawa nila kasi wala na silang pagpipilian," pagputol ko sa sinasabi ng aking lola.

"Kusa itong dumating sa buhay mo at kailangan mo ring maranasan ang mahirapan at masaktan dahil hindi lang naman umiikot sa katotohanan at katamaan ang buhay mo. Minsan ay nagkakamali rin tayo pero sana naman, imbes na sisihin mo ang sarili mo. Gumawa ka ng paraan para maitama ang lahat ng mga ito. Cayene, ang problema ay hindi masosolusyunan ng habang-buhay na paninisi, lalo lang itong lalaki," pangaral niya sa akin.

"Abuela—" nahinto ako sa aking sasabihin no'ng bumukas ang pintuan at pumasok sina Mama, Papa, at abuelo.

"Hija mia, how are you feeling?" Bungad ni abuelo.

"I'm fine, I want to go home," walang buhay kong sagot.

"Anak, you should stay here just for the meantime, you should rest and avert from stress," sabad ni Papa. 

"Ako ho ang stressor ko, Papa," sabi ko sa aking isip.

"Tama ang Papa mo, Cayene, mabuting dito ka muna," dagdag ni abuelo.

"Ayos lang po ako, lagnat lang naman ito. Kaya ko namang magpagaling sa bahay," pagdadahilan ko.

"Pero apo—"

"Kaya ko po. I can take care of myself. I just want to go home, please? That's all I need," pakiusap ko.

"Fine, I'll just fix up your papers and bills," talong napabuntong hininga si Papa at lumabas na. 

"Eat up, so you can drink your meds," utos ni Mama at inilagay sa lamesa iyong pagkain. Sinunod ko na lang siya at inubos ang inihain niya. Ilang saglit lang kaming naghintay at nakalabas na rin ako sa ospital.

"Dahan-dahan, kaya mo ba—"

"I am fine, Ma. Hindi ho ako baldado," sikmat ko pagkapasok sa loob ng sasakyan. 

Habang nasa sasakyan ako ay nakatingin lang ako sa labas. Hindi man lang ako pinuntahan ni Audette sa ospital para dalawin, alam kong lagnat lang naman ito, pero gawain niyang dumalaw sa ospital kapag malapit sa kaniya ang usapan. Siguro nga ay masama ang loob niya sa akin, hindi ko rin siya masisisi. 'Wag niya sanang kagalitan ang asawa niya, hindi makakaya ng konsensiya ko 'yon.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon