Chapter 13

341 8 4
                                    

DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Song used: Wonderful tonight by Eric Clapton

Chapter 13

Name


"Oh my God!" I exclaimed. Totoo nga ito! Ang limang unggoy ay pumwesto sa harapan ko at may kani-kaniyang pang hawak na mikropono. Pare-pareho sila na nakatuxedo at pare-pareho pa ng kulay.

Bakit ba hindi ko napansin ito kanina? Well, hindi ko talaga sila napansin kanina. Dapat nag-expect na ako na makukumpleto ang limang unggoy lalo pa't kasama sina Damon at Lucas. Imposible kasing hindi sumama ang iba, parang kambal-tuko itong mga 'to.

"Dahil diyan! Magkakaroon kayo ng chance na isayaw ang may birthday!" Dagdag pa ng emcee. Okay, this is getting crazier.

Una, narito sila, pangalawa, sasayaw at kakanta sila. Pangatlo, maisasayaw pa nila ako mamaya. How great! Like hell! I wish this is a better performance.

Nakayuko sila at sabay-sabay na nag-angat ng tingin nang tumugtog ang sasayawin nila. Gusto ko na lamang tumakbo't maglaho nang marinig ko ang tugtog na sasayawin nila. Fucking great! Tugtog pang-disco na nakaremix pa, iyong tipong sinasayaw ng mga lasing na tito't tita.

"Woah!" Naghiyawan ang mga nanonood lalo na ang mga babae.

  Damon --- Felix ---  Sean

Donny  Lucas


Pwesto nila iyan habang ako naman ay nasa harapan nila. Mas lalong nagtilian ang mga babae nang magsexy dance sila at magtanggal ng butones ng mga suot nila.

Nasapo ko na lang ang noo ko, kegaganda ng suot tapos sasayaw sa harapan ko ng budots?! Serysoso ba 'to? Wala bang halong kemikal?

Masigabong palakpakan ang iginawad sa kanila matapos nilang magpakatanga roon sa harapan. Oo, magpakatanga. At least gwapo silang nagpakatanga sa harapan. Kung ang iba ay kinikilig, pwes ako ay hindi. Kinikilabutan ako't naaasiwa sa ginagawa nila.

"You want more?!" Tanong ng emcee.

"We want more!" Sigaw ng madla.

"Charot lang! Alaws na mga 'te! Grabe! Napakahot naman ng performance na 'yon! Ngayon lang ako nakakita ng nagsayaw ng budots na mala-macho dancer sa bar! Ang hot!" Kinikilig na sabi niya ulit. Kaunti na lang ay sasapatusin ko na itong emcee dahil sa dami niyang kana. As far as I remember, I am the debuntante, at ako ang dapat na nagd-desisyon sa magaganap sa party ko.

"Anyway, 'eto na ang pinakahihintay ng lahat! Ang 18 roses! Mr. Liam Bautista, ikaw na ang mauunang magsasayaw sa debuntante," tumayo na ako habang angat-angat ang gown ko. Dresses are so damn gorgeous, especially gowns, yet it's freaking heavy. Well, it's fine for me though, beauty is pain in the ass, mabigatan man ako, at least mahihirapan akong maganda.

"Happy birthday, Yen," bati niya sa akin sabay abot sa isang pulang rosas at libro.

"Thanks, Kuya," diniinan ko pa ang pagkakasabi ko sa kuya dahilan para matawa siya.

"Huwag ka ngang magkuya, halatang pilit na pilit. Kadiri pakinggan 'pag galing sa 'yo," natatawa niya ring sabi at isinayaw na ako.

"Inaneto, arte mo. 'Wag ka na lang huminga," asik ko.

"Kidding aside, ang laki mo na talga, Yen, dalagang-dalaga ka na. Sa pasukan kolehiyala ka na, baka mamaya magboyfriend ka agad. Pwede naman, pero sana mas mabuti kapag tapos ka ng mag-aral," kaswal na aniya ngunit mababakasan ang pagiging seryoso.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon