Chapter 15

380 8 2
                                    

DISCLAIMER: I DO NOT OWN THE SONG THAT WAS USED IN THIS CHAPTER. CREDITS RIGHTFULLY TO THE OWNER. NO INTENDED COPYRIGHT INFRINGEMENT.

Song: 'Di lang ikaw by Juris Fernandez

Chapter 15

Be safe


Ilang linggo na rin simula nang umpisahan niya ang panliligaw sa akin. Palagi niya akong hinahatid at sinusundo. Pagtapos naman ng klase ko ay inaaya niya akong kumain sa labas. Determinado talaga siya sa kaniyang ginagawa.

Ngayon ay ang ikalawang buwan niya na ng panliligaw sa akin at wala pa rin akong plano kung gaano siya katagal na manliligaw sa akin. Hanga ako sa haba ng pasensya at determinasyon niya. Dalawang buwan ngunit parang kagaya lamang noong umamin siya sa akin, hindi siya nagbago. Walang palyang hindi niya ako nakakalimutan. Hindi ko pa naranasang maging priority, pero dahil sa kaniya, alam ko na ang pakiramdam.

"Ate, narito na si Kuya Damon," boses ni Charles.

"Oo, pababa na ako," inayos ko muna ang uniporme ko bago ako bumaba. Naglagay din ako ng kaunting make-up at nag-spray ng pabango. Pagbaba ko ay nakaupo siya sa sala. Napakagwapo niyang tingnan kahit sa simpleng uniporme lang nila.

Suot niya ang puting polo at itim na coat, at pants. Mayroon ding necktie na itim ang uniporme nila. Ganoon kasi ang uniporme ng mga kumukuha ng kursong pangnegosyo. Samantalang ako, ay gray ang coat at skirt na may munting sombrero para sa ulo.

"Tara na," nakangiting aya ko sa at tumayo na rin siya.

"Mauuna na po kami, Tita," magalang na paalam niya kay Mama.

"O, siya sige, mag-iingat kayong dalawa," paalala niya't hinatid kami sa labas. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok naman na ako para makaupo.

"Let's have our breakfast first?" He asked.

"Sure," Masiglang sagot ko. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na kami sa paborito niyang coffee shop. Gaya ng nakasanayan ay tanging croissant at frappe ang inorder namin.

"How's your subjects?"

"Medyo nalilito ako sa ibang subject pero kaya ko naman," sabi ko at tumango-tango naman siya.

"Do you want me to help you?" Umiling na agad ako. I know that he's busy. Alam kong marami siyang ginagawa at ayaw kong dumagdag pa sa iisipin niya. Kaya ko namang mag-isang gawin ang karamihan.

"It's okay. I know that you're busy. Maiinis na ako sa iyo kasi lagi mo akong inuuna. Please, take a good care of yourself. It's okay to prioritize yourself more than me, I won't get mad. Sometimes, you need to take a break from taking care of other people," I reminded.

"Kaya nga narito ka para alagaan din ako, right, darling?" I sighed and made a straight smile.

"Hindi ako palaging narito, Damon. Give yourself a break for a while. Busy ka sa acads, sa personal issues. Ayaw ko namang madagdag pa ako sa isipin mo. I will tell you if I can't do it anymore, and please, do the same thing. Understood?" Para akong isang ina na pinapangaralan ang anak.

"Yes, yes, ma'am. Here, kain na tayo," napabuga na lamang ako ng hangin nang siya na rin ang nag-ayos ng kakainin ko. Ngumiti na lamang siya nang makita ang pagtaas ng aking kilay. Hindi talaga nakinig.

Kumain na kami pagkatapos ay nagpunta na rin sa paaralan. Naghiwalay din kami ng daan dahil magkaiba ang palapag at silid namin.

"Baks! Galingan niyo ni Felix, ah," Sabi ko kay Audette. Kasali kasi sila sa mini-contest ng school mamaya. Natawa na lamang ako nang sila ang mapagdiskitahan ng klase. Si Felix ay nakisit-in lamang at napili pa para ilaban sa mini contest.

Hopelessly Devoted To You (Chua Boys Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon