Chapter 2

227 45 12
                                    

Chapter 2

Natapos na 'yong prelims. Nakaraos rin sa wakas!

"Tang ina! Pakiramdam ko namatay lahat ng brain cells ko kanina," sabi ni Gelo. Nag-unat-unat pa siya ng braso.

"Bold of you to assume na may brain cells ka."

Matalim na tinitignan ni Gelo si Brent. Nagtawanan kami.

"Alam mo ikaw Brent..."

"Ano?"

"Wala. Panget mo sabi ko."

Ayos na rebutt 'yon ah, pang-elementary.

Tawanan ulit.

"Grabe. Ang mature." si Dale.

Papunta na kami ngayon sa Popeyes ta's tatambay sa Mineski pagtapos hanggang sa magsawa kaming maglaro. 'Yon 'yong paraan namin ng pag-u-unwind.

Palabas na sana kami ng campus nang biglang huminto si Brent. Napahinto rin kami. Narinig namin siyang nag-mura.

"Oh bakit? Napa'no ka?"

"Naiwan ko sapatos ko sa gym! 'Do'n sa locker!"

"Anubayan!"

"Kael, Brent, kunin niyo na. Mauna na kami sa Popeyes. Mukhang maraming tao ngayon do'n eh," suggest ni Dale. Pumayag naman kami.

Buti na lang talaga nasa gate pa lang kami. Nasa kabilang dulo ng campus 'yong gym pero ayos lang. Mas ayos na 'yon kaysa kung naalala niya 'yong sapatos niya 'pag nasa Popeyes na kami.

Pagkapasok namin sa loob ng gym, may iilan pang tao sa loob. Karamihan, babae na nakasuot ng jersey. Mukhang may practice pa 'yong basketball girls.

Rinig na rinig ang pagtunog ng mga bola. Mukhang nag-p-practice sila sa shooting. May tig-iisa kasi silang basketball.

"Nando'n sa locker. Kunin ko lang saglit." Paalam ni Brent.

Umupo ako sa pinakamalapit na bleacher nang may gumulong na bola papunta sa 'kin.

"Kuya, pwedeng paabot? Salamat!" Sigaw ng isa mula sa court. Pawis na pawis siya at mukhang pagod na.

Pinulot ko 'yong bola at naglakad papalapit. Lumapit rin siya sa akin at nagtagpo kami sa sideline.

"Thank you ulit, kuya." Ngiti niya bago tumalikod.

Saktong pagtalikod niya, may sumigaw.

"MICH, SALO!"

Hanggang sa naramdaman ko na lang na may tumama sa mukha ko.

'Nak ng tokwa! Ang sakit!

Hinawakan ko 'yong tungki ng ilong ko. Ang sakit talaga!

Sa sobrang lakas ng pagtama sa mukha 'ko, nahilo at nanlabo paningin ko. Pakiramdam ko humiwalay ilong ko sa mukha ko at para akong sinampal nang isang daang beses. Gano'n siya kasakit!

Sino ba kasing sira-ulong mambabato ng bola sa mukha?!

Humarap ulit sa 'kin 'yong babae at hinawakan ako sa balikat para alalayan. "Hala! Kuya, ayos ka lang ba?"

Hindi.

Hindi ako ayos.

Humarap ulit siya sa salungat na direksyon. "Ate, mukhang napuruhan si Kuya. Ba't ka kasi namamato bigla? Kita mong may tao sa likod ko eh."

Mamaya mo na siya sermonan. Dalhin niyo na 'kong clinic. Nanlalabo talaga paligid ko at sobrang nahihilo ako!

"Eh malay ko ba? 'Di ko siya nakita, nakaharang ka. Tsaka anong sinasabi mong ba't ko binato bigla? Eh lagi ko namang ginagawa 'yon sa inyo, lagi mo namang sinasalo."

"Nagulat kasi ako! Umiwas tuloy ako."

Ayos ng nambatong 'yon ah. Nagawa pang mangatwi -

Teka!

Pamilyar 'yong boses na 'yon!

Kahit umiikot paningin ko, sinubukan kong tignan 'yong mukha no'ng bumato ng bola, pero 'di ko talaga makita. Sobrang labo ng paligid. 'Nak ng tokwa.

"Kael! Anong nangyare sa 'yo?" Rinig ko 'yong boses ni Brent. Ramdam ko 'yong kamay niya sa balikat ko.

"Tinamaan po ng bola. Sorry, kuya."

" 'Di, ayos lang. Aksidente naman 'yong nangyare 'diba?"

"Opo. Sorry po ulit."

- -

Tinitigan ko 'yong mukha ko sa salamin ng banyo. Sobrang agaw-pansin no'ng band-aid ko sa ilong!

Dalawang araw na 'kong ganito. Buti na lang weekend pa. Pero dahil Monday na bukas, mukhang papasok ako bukas na may ganito. 'Nak ng tokwa talaga!

Pero mas maayos na 'to.

Kaysa naman 'yong itim na itim kong pasa sa ilong 'yong maging agaw-pansin. Mas okay na lang na itong band-aid 'yong makita ng mga tao.

Naalala ko pa pa'no ako tawanan at pag-tripan nila Adriel dahil sa nangyari sa ilong ko.

Pagtapos ng nangyaring trahedya sa ilong ko, hindi na natuloy 'yong pagpunta kong Popeyes. Sinamahan ako sa clinic ni Brent pero sinabihan ko siyang samahan na sila Dale kaya umalis rin siya.

Tumambay pa 'ko sa clinic nang ilang minuto kasi ang sama talaga ng tama sa 'kin ng bola. Medyo na-late ako ng uwi dahil do'n.

Pagkapasok ko ng bahay, bumungad sa 'kin mga pinsan ko. 'Nak naman talaga ng tokwa talaga! Kung kailan ganito mukha ko, ngayon pa sila kumpleto.

Nasa sala sila nanonood ng palabas. Si Adriel, tsaka Isaac nakahiga sa sahig. tas sila Jaric, Dio at Zaiden, nasa sofa.

Nang makita nila ako, ang unang ginawa nila ay...tawanan ako.

Nihindi man lang ako binati o kinamusta, ayos ah.

Nangingibabaw 'yong tawa ni Adriel. 'Di na 'ko nagulat do'n. Konti na lang talaga, bibigwasan ko na 'to.

"Hipster mo naman, brad," sabi ni Jaric. Sira ulong 'to.

"Ano 'yan? Para malakas dating sa mga babae? Lagay ng band-aid para mukhang bad boy?" sabi ni Isaac. Isa pang sira-ulo. Itulad pa 'ko sa 'yo.

Tawanan ulit.

"May pinopormahan siguro ta's trip no'ng babae ng hashtag medyo bad boy." si Dio.

Lawak talaga ng imagination ng sira-ulong 'to. Minsan na nga lang magsalita, pero puro kalokohan lang mga lumalabas sa bibig.

"Tanga ninyo! Fashion style 'yan! Pero sa 2050 pa mauuso. Advance lang talaga si Kael," si Adriel. Pinaka-sira-ulo sa lahat. Puro walang kuwenta lang talaga lumalabas sa bibig ng isang 'to.

Mas lalong lumakas 'yong tawanan.

"Ano bang nangyari sa 'yo?" si Zaiden.

Ah sa wakas. Matinong tanong.

Huminga ako nang malalim. "May nagbato sa 'kin ng bola."

"Binabato ka lang ng bola, payag ka no'n?"

Hindi. Pero nangyari na.

"Bakit? Hindi ka naman nag-b-basketball?"

"Siguro napagkamalan kang ring," si Adriel.

Matalim ko siyang tinignan. Galing talaga mambwiset 'tong isang 'to. Kung may award lang sa pam-b-bwiset, hakot niya lahat.

"Oh, bakit ka na-gano'n? Baka naman may atraso ka."

Nagsalubong 'yong kilay ko.

Sino naman? Wala naman akong kilala na player ng basketball girls tsaka mukha namang hindi talaga sinasadya. Pero ni-hindi man lang nag-sorry. Nangatwiran pa talaga, ayos ah.

Naalala ko na naman 'yong boses niya. Pamilyar talaga eh. Parang narinig ko na. 'Di ko lang matandaan saan.

Ah, basta. Bahala na.

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon