Chapter 25

78 15 36
                                    

Chapter 25

"I'm sorry, Ma'am, pero hindi ko po matatanggap 'yan." pagtanggi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay at pinagkrus niya ang mga braso niya. Nagsukatan kami ng tingin.

May mga waiter nang naglalapag ng mga pagkain sa mesa pero hindi namin iyon pinagtuonan ng pansin.

"Wala pong kahit gaano kalaking pera o ano mang kayamanan ang makakatumbas sa pagmamahal ko po sa anak niyo."

'Nak ng tokwa, sino bang mag-aakala na masasabi ko sa mga magulang ni Alta 'yung nararamdaman ko kay Alta sa parehong araw?

Akmang tatayo na 'ko at aalis pero napatigil ako ng sabihin ng Mama ni Alta ang buong pangalan ko.

"Kairo Emmanuel Medrano. You're currently taking Graphics Design. You have one younger sibling. Your mother is a housewife meanwhile your father is an OFW." Tuloy-tuloy na sabi niya. Nangunot iyong noo ko at nagsalubong ang kilay.

Paanong...

Ah. Alam ko na. Nag-sink in sa utak ko na pinaimbestigahan niya 'ko.

Iba talaga ang nagagawa ng pera.

Bumalik ako sa pagkakaupo.

"If only you came from a well-off family, there wouldn't be a problem."

Gusto ko matawa nang sarkastiko.

Simula no'ng birthday ni Alta, nakuha ko na sa sarili ko na magkaiba kami ng antas ng buhay. Kaya isa rin 'yon sa mga dahilan kung bakit hindi ko pa tinatawid iyong linya... Maliban sa hindi iyon 'yung nasa taas ng priority list ko, ay gusto kong may mapatunayan muna. Gusto kong may marating muna. Pero... hindi ko aakalain na aabot sa punto na 'to.

Mas lalong nanliit iyong tingin ko sa sarili ko.

Kung tratuhin niya si Alta ay akala mo parang bagay lang 'yung huli. Ngayon naiintindihan ko na si Alta, kung bakit parang sakal na sakal siya sa mga magulang niya. Ngayon, alam ko na.

Huminga muna ako nang malalim bago tumuloy sa pagsasalita. "Hindi ko kukunin ang pera. Lalayuan ko si Alta pero sa isang kondisyon... bigyan mo siya ng kalayaan. And call the engagement off," matigas kong sinabi.

Kahit kinakabahan at sa totoo lang ay natatakot ako, hindi pa rin ako nagpatinag at sinabi ang suwestiyon ko.

Sa sitwasyon ngayon, ito lang 'yung naiisip kong paraan. Ito lang ang kaya kong gawin. Kaya kahit alam ko na mahihirapan ako sa magiging consequence ng sinabi ko ay ayos lang, tatanggapin ko. Basta para kay Alta.

"And why should I—"

"Elissa, I think the kid's proposal is fair enough."

Napalingon kami pareho sa nagsalita.

Si Sir Braza.

Sumenyas siya sa waiter at nilagyan ng bagong upuan iyong mesa namin. Umupo siya roon.

"Ricardo, what are you doing here?"

"I want to hear what you both have to say about my daughter."

Seryoso lang iyong tingin niya. Mas lalo kong naramdaman iyong intimidating na aura ngayong dalawa na silang kaharap ko ngayon.

"Well then, tell me, Ricardo, why should I accept his proposal when I know what's best for Altagracia and her future?" Bumalik iyong mga mata ko sa Mama ni Alta. Naghihintay ng sagot na tinignan niya si Sir Braza.

"I found a better cut."

Pinigilan kong magbigay ng reaction at mapakunot ang noo sinabi niyang 'yon.

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon