Chapter 11

160 30 21
                                    

Chapter 11

Ilang linggo na makalipas nang makalabas si Jaric sa hospital. Buti na lang at naka-isip kami ng mga palusot at hindi na nalaman nila Tita. Pero hanggang ngayon, isang malaking question mark pa rin sa amin 'yong nangyari.

Ako pala, ewan ko lang sa iba.

Tingin ko nakuwento na ni Jaric kay Dio. Ayos lang naman, kung ayaw talaga nilang sabihin, desisyon na nila 'yon.

Dahil din sa nangyari, ilang weekends rin 'yong pinalampas namin na hindi kami umuwi sa Cavite. Mahirap na at baka magtanong pa 'yong mga matatanda at mas malala, baka bumisita pa sa apartment. Buti sana kung simpleng pasa lang 'yon nangyari kay Jaric eh hindi, talagang nabugbog. Kaya para maiwasan 'yon at para 'di sila mag-alala, 'yon 'yong napagdesisyonan namin.

Lumabas ako sa kuwarto nang maamoy 'yong niluluto ni Mama. Nadatnan ko pa sa sala si Kaylene na nakatutok sa pinapanood na cartoon.

"Kanina ka pa diyan ah? Tapos mo na ba mga assignments mo?"

Nagsalubong 'yong kilay ko nang hindi man lang niya 'ko lingunin. 'Nak ng tokwa.

"Babalik na 'kong Manila bukas tapos..." sabi ko pa pero wala.

Tibay ah. 'Di talaga ako pinansin.

Humarang ako sa harapan ng T.V. Ayan, nakuha ko na atensiyon niya.

"Ano ba, Kuya? Nanonood ako, eh."

"Gawin mo na assignments mo. Buong araw ka nang nanonood, tama na 'yan."

Padabog pa siyang pumasok sa kuwarto niya. Ibang klase. Masyado kasing na-s-spoil ni Mama kaya ganiyan. Mas strikto pa nga ako.

Pinatay ko muna 'yong T.V saka ako dumiretso sa kusina. Binuksan ko muna 'yong ref, kinuha 'yong pitch at nagsalin sa baso ng tubig saka ako tumabi sa kaniya at sumandal sa lababo, pinapanood siyang lutuin 'yong kaldereta.

" 'Nak..."

"Po, Ma?" sagot ko bago uminom ng tubig.

"Kailan ka magdadala ng girlfriend mo dito sa bahay?"

Muntikan nang lumabas sa ilong ko 'yong iniinom ko. 'Nak ng tokwa!

Hindi naman ito 'yong unang beses na nabuksan ni Mama 'yong ganitong usapan pero nabibigla pa rin talaga 'ko.

Napakamot ako sa tungki ng ilong. Simula 'ata nang mag-college ako, lagi na binabanggit ni Mama 'yong tungkol dito. Ewan ko kung bakit. Alam kong 'yong ibang mga magulang hindi pabor na pumasok sa relasyon 'yong mga anak nila hanggat hindi pa nakakagraduate pero iba si Mama, kung sino-sino pang anak ng mga kumare niya sinusuggest niya sa 'kin na kilalanin ko. Ako na mismo tunatanggi. Ako 'yong nahihiya sa ginagawa niyang 'yan eh.

Ayoko pa kasi talaga. Gusto kong ako na 'yong magpa-aral kay Kaylene para makauwi na si Papa dito at 'di niya na kailanganing bumalik ng Dubai. Alam ko namang kung tutuusin hindi ko responsibilidad pag-aralin si Kaylene, hindi rin naman ako pinepressure nila Mama tungkol do'n, pero gusto ko lang talagang na magpahinga at mag-enjoy na lang sila Mama at Papa sa buhay, may edad na rin sila eh. At magsama-sama na ulit kami, hindi 'yong tuwing holiday lang kami nakukumpleto.

Pamilya muna uunahin ko. Saka na 'yang relationship na 'yan kapag financially stable na 'ko.

"Wala ka ba talagang nagugustuhan, 'Nak?"

Napaisip ako. Biglang may imahe na pumasok sa isip ko.

"Sino 'yan?"

"Huh?"

"Dati, 'pag tinatanong kita niyan, sumasagot ka agad ng wala, pero ngayon, parang nag-isip ka pa."

'Nak ng tokwa, pa'nong...

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon