Chapter 7

166 37 15
                                    

Chapter 7

Rinig ko 'yong tunog ng hinilang upuan sa harap ko. Inangat ko 'yong ulo ko. Umupo ro'n sa upuan si Alta. Nilapag niya na rin 'yong backpack at cellphone niya sa mesa.

"Nandiyan ka na pala."

Hindi na 'ko nagulat na pumunta siya dito. Nag-text kasi siya sa 'kin kanina na titignan niya 'yong progress ng gawa ko ngayong uwian. Pumayag naman ako at sabi ko magkita na lang kami dito sa library.

"Tapos mo na?"

Kumunot 'yong noo ko.

Teka, deadline na ba?

"Sa Sabado pa deadline nito 'di ba?"

"Oo,"

Sa loob-loob ko ay nakahinga ako nang maluwag. Akala ko pa naman...

Muntikan na 'kong mag-panic ro'n ah. 'Nak ng tokwa. May tatlong na araw pa naman pala ako. Ba't naman kasi siya magtatanong ng gano'n?

"Angas niyan ah! Sana lahat magaling mag-drawing."

Sinulyapan ko siya. Nang mapansin nakasunod 'yong tingin niya sa kamay kong ginuguhit 'yong commission niya ay na-conscious ako bigla.

"Hindi naman masyadong mahirap gawin." Pahina nang pahina 'yong boses ko.

Tumawa siya.

"Para sa isang taong tulad ko na frustration talaga mag-drawing tsaka lahat ng art-related, sobrang hirap niyan."

Sa bagay.

Tumunog bigla 'yong cellphone niya. Hinihinto ko 'yong ginagawa at napatingin rin ako ro'n. Kinuha niya. Habang nakaktitig siya ro'n, pansin ko 'yong pagpapalit ng expression.

"Gusto mo sumama?"

Huminto ako sa ginagawa at hinarap siya. Napaangat ako ng kilay, nagtataka.

Hindi ko aakalain na ganiyan siya, 'yong mag-iinvite kahit hindi naman kayo gano'n ka-close. Hindi rin kasi gano'n 'yong unang impression ko sa kaniya.

Pero tingin ko ang ganda ng ganiyang klase ng ugali. Lalo na sa mga katulad kong introvert na hirap makisama sa iba. 'Yong ma-include kami sa mga ganitong simpleng bagay, malaki na para sa 'min 'yon.

"Oh bakit? Kung ayaw mo, edi h'wag. Madali naman akong kausap."

Natawa ako. Ambilis naman magbago ng isip.

"Alam mo no'ng una, akala ko 'di ka friendly."

"Ano?"

Nagtataka niya 'kong tinignan. Gusto kong matawa. Halatang naguluhan siya.

"Nag-meet na tayo dati."

"Awit. Kailan 'yan?"

"No'ng..." Umiwas ako ng tingin.

Naaalala 'yong muntikan niya nang paghalik sa akin at 'yong pagbato niya ng bola sa mukha ko. Napakamot ako sa tungki ng ilong.

"Ah basta. Nagkausap na tayo."

Nagkibit-balikat siya.

" 'Di mo na sinagot tanong ko. Ano, G ka ba?"

- -

Kung tutuusin hindi ako mahilig gumala, 'yong mga pinupuntahan ko, limitado lang talaga. Computer shop tsaka Cinemas lang madalas.

'Pag pumupunta ako sa mas malayo, kasama mga tropa o kaya mga pinsan ko. Pero hindi ko sigurado kung bakit ako pumayag na sumama kay Alta. May naisip na 'kong dahilan pero tinatago ko na lang sa likod ng utak ko. Hindi naman ako sigurado. Baka naguguluhan lang ako.

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon