Chapter 13

130 26 17
                                    

Chapter 13

"Sir, sama po ba natin siya?" tanong ng isa sa kanila. Napunta 'yong tingin sa 'kin ng matandang lalaki, parang leader nila.

May katandaan na siya. Pansin ko dahil sa namumuti niyang buhok at kulubot na balat. Tantiya ko ay nasa sisenta pataas na siya. 

"Sige."

"Anong—teka!"

Sa dami nilang nakapalibot sa 'min, wala rin kaming nagawa. Pinaikot nila 'yong braso ko sa likod ko. Gano'n din ginawa kay Alta. Sinubukan pa naming kumalag pero ayaw talaga.

"Matias, siya na naman ba?" Napalingon ako kay Alta sa tanong niyang 'yon. Sinusubukan pa rin niyang kumalag kahit halos wala namang epekto. Salubong na salubong ang kilay niya at sobrang talim ng tingin niya 'do'n sa matanda. Hindi ko lang sigurado kung para ba sa kaniya iyong galit na 'yon.

Walang reaction na sumagot 'yong matanda, "Opo, Miss Braza."

Halos masilaw ako sa headlights, may mga itim na sasakyang biglang huminto sa harap namin. Pinasakay kami sa likurang parte at agad na ni-lock 'yong pinto.

Sa loob-loob ko nagsisimula na 'kong mag-panic pero nang makitang hindi naman natatakot si Alta sa tabi ko ay medyo nawala na rin nang konti 'yong kaba ko. Mas mukha siyang galit kaysa takot.

Sa bagay, kung pagbabasehan sa pagpapalit nila ng sagutan kanina, mukhang magkakakilala naman sila. Mukhang alam niya na rin kung sa'n nila kami dadalhin.

Tinignan ko 'yong digital clock ng kotse. Mag-a-alas nueve na. Sa'n ba kami papunta?

Sinulyapan ko si Alta sa gilid ko pero nakatanaw lang siya sa labas. Parang may malalim na iniisip. Hindi ko na lang siya kinibo.

Ilang minuto pa at huminto kami sa tapat ng... isang hotel and resort. Ba't dito?

Rinig 'yong pag-unlock ng pinto. Tinignan ko 'yong driver. Tumango siya sa katabi niya, sa tinawag na Matias ni Alta kanina. Sabay silang lumabas at pinagbuksan kami ng pinto.

Pagkatapos ay nauna nang pumasok sa loob si Matias. Walang lingon-lingon na ginawa si Alta, dire-diretso lang ang tingin at lakad niya, sinusundan ang matanda. Lumabas rin ako agad. Pinalibutan ulit kami sa magkabilang gilid. Nakahanay pa habang naglalakad. Agaw-atensyon masyado.

Sumabay ako sa paglalakad ni Alta habang nagmamasid.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya, hinawakan ko siya sa pulsuhan, inangat 'yon, at pinagmasdan nang mabuti. Medyo namumula. Ang higpit pa naman ng hawak sa kaniya kanina.

Ngayon ko lang rin natanong kasi ngayon pa lang unti-unting nag-s-sink in sa 'kin 'yong mga nangyayari.

Gulat niya 'kong nilingon. Nang makitang nagitla siya sa paghawak ko ay agad kong binitawan 'yong pulsuhan niya.

"Ayos lang ako," sagot niya bago bumalik 'yong tingin niya sa harap.

"Buti naman."

Nilibot ko 'yong tingin sa paligid. "Ano palang meron?"

Wala talaga akong ka-ide-ideya kung anong nangyayari. Ang alam ko lang ay nasa high-end resort kami ngayon. Sa mga naglalakihan at nagkikinangang chandelier pa lang, makikita agad na mayayaman lang talaga may kayang maka-book dito. Kung gano'n, si Alta ay...

Sasagot pa lang sana si Alta sa 'kin nang malipat 'yong atensyon naming pareho sa isang babaeng hotel employee na tumigil sa harapan namin.

Tumigil 'yong tingin ko sa name plate niya sa dibdib.

Hotel supervisor pa pala 'yong sumalubong sa 'min, 'nak ng tokwa!

"Good Evening, Ma'am..." bati niya kay Alta saka pinasadahan ako ng tingin. Parang nag-dadalawang-isip pa kung i-a-acknowledge ba 'ko o ano. "...and Sir! This way please!"

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon