Chapter 16

103 19 17
                                    

Chapter 16

Ngumiti siya. "Naalala mo pa pala. Thank you dito," sabi niya, patukoy sa portrait.

Nakangiti niya 'yong pinagmasdan. Hindi ko alam bakit pero pati 'yong maliliit niyang reaksyon natutuwa ako.

"Nga pala..." Binalik niya 'yong tingin sa 'kin nang magsalita ako.

Hindi ako sigurado kung dapat 'ko pa ba 'tong itanong pero... ah bahala na.

"...'Di ka na ba aalis?" May pag-aalinlangan sa boses ko.

Hindi siya agad sumagot. Pigil ang hininga ko habang iniintay 'yong sasabihin niya. Natatakot ako... na baka hindi umayon sa magiging sagot niya 'yong nararamdaman ko.

"Pinag-excuse lang naman ako ng three weeks ni Daddy so mukhang hindi, pero ewan ko. Malapit na rin quarterfinals ng collegiate basketball league kaya 'di rin ako papayag," sabi niya saka umiwas ng tingin at bumaling sa malayo. Parang may malalim na iniisip.

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Oo nga pala, sa katapusan na 'yong crucial na basketball games nilang basketball girls. Hindi na siyang pwedeng basta umalis na lang.

Gusto ko pa sanang itanong kung bakit siya nawala nang gano'n pero huwag na lang. Mukhang hindi siya komportableng pag-usapan 'yon. 'Di ko siya pipilitin. Kung ayos lang naman sa kaniyang pag-usapan, siya mismo magsasabi no'ng dahilan.

Iniba ko na lang 'yong usapan. " 'Yong sa mural, okay lang naman sa 'kin. 'Di pa naman ako busy."

"Kailan ka pwede? Weekends?"

"Umuuwi akong Cavite tuwing sabado't linggo."

Gustong-gusto ko um-oo kaya lang weekends na lang 'yong mga araw na nakikita ko si Mama pati si Kaylene.

Tumango-tango siya. "Ah," Napahinto siya saglit bago nagsalita ulit. "Kailan ba mga vacant mo?"

Bahagyang nagsalubong 'yung kilay ko, inaalala kung anong araw at oras 'yong vacant ko.

Tumitig ako sa mga mata niya. "Sa wednesday tsaka friday, buong maghapon."

Kinurap-kurap ko 'yung mga mata ko nang saglit na mapunta sa labi niya 'yung tingin ko. 'Nak ng tokwa.

Binalik ko sa mga mata niya 'yung tingin ko.

"Pareho pala tayong vacant sa wednesday ng hapon. 'Yon na lang. Tuwing miyerkules. Okay lang ba sa 'yo?" Tanong niya.

"Ah, oo, okay lang."

Buti na lang.

'Kala ko mahihirapan pa kaming mag-fit ng schedule naming dalawa.

Pakiramdam ko sobrang tagal dumaan ng mga araw bago dumating ang araw ng Miyerkules. Pagtapos ng huling klase ko ng araw na 'yon, dali-dali akong umuwi.

Nang matapos mag-ayos, nag-text na 'ko kay Alta.

To Alta:

Papunta na 'ko. See you!

Napagkasunduan kasi naming magkita sa SM San Lazaro. Mamimili pa kasi kami ng mga art material na kailangan.

Pagkalabas ko ng kuwarto, naabutan ko si Isaac at Adriel na nakatayong nag-uusap sa sala. Naka-uniform pa silang pareho. Mukhang kakarating lang nila.

"O, Ba't nandito kayo? Wala kayong pasok?" pagtatanong ko.

Lumingon sila sa 'kin.

"Absent 'yung prof namin sa last subject," sagot ni Adriel.

"May kinuha lang ako. Babalik rin ako. Ikaw..." sabi ni Isaac. Binitin niya 'yung sasabihin niya at nagtatakang sinuri ako mula ulo hanggang paa bago tinuloy 'yung sasabihin. "...may date ka?"

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon