Chapter 19

72 14 5
                                    

Chapter 19

Tuluyan na 'kong lumapit sa kanila.

" 'Tol, ikaw pala 'yan!" sabi ng isa, nakaangat 'yung bukas niyang palad kaya kahit nalilito ako kung sino ba siya, nakipag-apir pa rin ako.

Pamilyar sila pero hindi ko na matandaan saan ko sila nakita. Sila rin 'ata 'yung kasama ni Alta no'ng inaya niya 'ko noon na maghapunan na nauwi sa inuman.

"Ikaw 'yung sa bistro last time... Kael, right?" tanong no'ng isang babae na katabi ni Alta. Maikli 'yung buhok niya at sobrang puti niya.

Napaawang 'yong labi ko. Natatandaan niya pa 'yon? Ang tagal na no'n ah.

"Ah, oo," sagot ko.

"Talas ng memorya, Eve ha," puri ng isa nilang kasama. Ngumisi lang si Eve sa kaniya.

'Yung isa pang babaeng katabi ni Alta kanina, lumipat siya sa kabilang bench kaya tumabi na 'ko kay Alta. Pinatong ko 'yung kamay ko sa lamesa at palarong tina-tap 'yon, lumilikha iyon ng mahihinang tunog.

Nang sulyapan ko si Alta, aksidenteng nagtama 'yung tingin namin ni Eve. Nginitian niya ako tapos kumindat pa 'nak ng tokwa. Tipid ko lang siyang nginitian.

"Oh, kakasabi mo lang 'di ka pa iinom ah?" puna ng isa nilang tropang lalaki.

Nilingon ko si Alta at nakita kong inisahang inom niya 'yung shot glass na mukhang hindi niya ginagalaw kanina.

"Kailan ko sinabi 'yan, Evan? Ang sabi ko mamaya na 'ko iinom," sabi niya sa kausap.

"May bagong tattoo ka pala?" banggit naman no'ng lalaking kaharap ko nang iniangat ni Alta 'yung kamay niya para uminom.

Tinignan ko kung kanino niya binato 'yung tanong, kay Alta pala. Napunta 'yung mga mata ko doon sa daliri ni Alta kung nasaan 'yung tattoo. Napangiti ako.

"Wait lang bakit pareho kayo? Ano 'yan ha!"

Biglang napunta sa amin lahat ng atensyon. Naiilang ako. Ang daming matang nakatuon sa amin. Sinimulan na nila kaming tuksuin 'nak ng tokwa.

"Ang issue mo naman, Chloe,"

"Uy, kayo ha!"

"Couple tats?"

"Ah, ano, nagkataon lang," sagot ko.

'Nak ng tokwa, bakit ako kinakabahan?

Hindi pa rin kami nilulubayan ng mapanukso nilang mga mata. Hindi kinakagat iyong sagot ko. Ano bang gusto nilang marinig para tigilan na nila kami? 'Nak ng tokwa.

Sa gilid ng mga mata ko, tinitignan ko 'yung reaksyon ni Alta. Baka hindi na pala siya nagiging komportable sa pang-aasar nila. Sana naman hindi.

Ibinaba niya iyong baso sa lamesa at biglang ngumisi. "Pa'no kung sabihin kong couple kami, ano ngayon?" kaswal niyang sinabi.

'Nak ng tokwa—ano...

Nanlalaki 'yung mga mata kong tinignan siya. Ramdam ko 'yung pag-iinit ng tainga ko sa sinabi niya. Saglit na bumaba 'yung tingin ko sa labi niya bago binalik iyong tingin sa mga mata niya.

"Biro lang," tawa niya saka ako nilingon.

Hindi ko pa na-p-proseso nang maayos 'yung sinabi niya nang mapunta sa iba 'yung atensyon ko.

"Oh, ayan na pala sila Wallace!"

Lumingon ako sa likod namin.

Bahagyang nagsalubong 'yung kilay ko. 'Nak ng tokwa. Siya na naman.

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon