Chapter 27

74 13 19
                                    

Chapter 27

Pagtapos no'ng encounter namin na 'yon, mula nang umuwi ako sa Pilipinas, ay hindi ko na siya muling nakita pa.

"As for the last question, why did you apply to our company? Don't get me wrong... It's just that, looking at your credentials..." Bumaba at pinasadahan ulit ng tingin ng nag-i-interview sa 'kin na Human Resources Manager ng kumpanya ng mga magulang ni Alta iyong papel na nakalapag sa mesa niya bago ako muling tinignan "...you are actually overqualified. You can easily find a job abroad, so why here?"

Tipid akong ngumiti. Inaaasahan ko na 'yang tanong niyang 'yan.

"Nandito... ang tahanan ko, Sir."

Nang sabihin ko iyon, hindi ko alam kung ano bang nabasa niya sa mukha ko. Nang makita ko kasing tumango siya sa akin ay para bang alam niyang iba ang tinutukoy ko sa sinabi ko, na tao ang tinutukoy ko.

Pagtapos ng interview ay dumiretso ako sa ground floor at lumapit sa information desk.

"Miss, I have an appointment with Mrs. Braza today. Is she here?"

Kahapon kasi ay pinuntahan ko si Sir Braza. Guro pa rin siya sa pamantasan kung saan ako grumaduate. Sa kaniya ako humingi ng pabor para magkaroon ako ng appointment sa Mama ni Alta. Buti na lang at na-timing-an ko siya na naroon siya sa school.

Sariwa pa rin sa alaala ko iyong mga pinag-usapan namin kahapon.

"Hello, Mr. Medrano, how are you? You're looking good," tanong niya at sinenyasan niya 'kong maupo.

Nandito kami ngayon sa office niya. Iba na 'yung office niya ngayon dito sa school, sa office niya dati. Mas malaki 'yung ngayon.

"Thank you, Sir. About Alta, Sir..."

Bahagyang natawa si Sir Braza. "It's always about Alta." Pinagsalikop niya iyong mga kamay niya at pinatong sa lamesa.

"Anyways, you have my blessing, even three years ago, you already have it," out of the blue niyang sabi.

Iba 'yung hatak sa puso ko nang sabihin niya 'yon. Hindi ko alam na kailangan ko palang marinig 'yung sinabi niyang 'yon, kung hindi niya pa 'yon sinabi. Sobrang nakakataba ng puso marinig 'yon galing sa kaniya. Pakiramdam ko ay kahit papa'no'y naglapit iyong mundo ko sa mundo ni Alta.

"Thank you, Sir. But aside from that, I have a favor to ask..." Tumaas ang pareho niyang kilay, hinihintay ang sasabihin ko.

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ulit ang babae.

"She's currently at a meeting. May I know your name first, Sir?"

"Kairo Emmanuel Medrano."

May tinawag ang babae sa telepono at may kinausap, most likely, secretary ni Mrs. Braza.

Nang ibaba niya ang tawag ay hinarap niya ulit ako. "Is it okay if you have to wait at the lobby? Her meeting should end at around eleven," pag-i-inform niya.

"Yeah, no problem."

Habang nakaupo ako't naghihintay dito sa waiting area ay may biglang tumawag. Kinuha ko 'yong cellphone ko mula sa bulsa ng slacks ko.

'Nak ng tokwa, si Adriel na naman 'yung tumatawag. Paniguradong mangungulit na naman 'to na papuntahin ako sa birthday party niya bukas sa isang resort sa Cavite.

Sinagot ko iyong tawag.

"Hoy! Pumunta ka bukas ha! Huwag kang tokis!" Sigaw niya pagkasagot ko. Bahagya kong inilayo iyong cellphone sa tainga ko. 'Nak ng tokwa, napaka-ingay.

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon