Chapter 23

66 12 36
                                    

Chapter 23

Ilang minuto akong naghintay sa loob ng Civic dito sa parking lot bago namataan si Alta na papalapit na sa sasakyan. Nakasuot siya ng army green na t-shirt at itim na jeans. Nakalugay ang itim na itim niyang buhok.

Napansin kong may dala-dala pa siyang hindi kalakihan na itim na paper bag.

"Ano 'yang dala mo?" tanong ko pagkapasok niya. Nilapag niya iyong paper bag sa tabi ko. Naglikha iyon ng kaunting ingay.

"Jack Daniels," sagot niya, at saka umupo at nag-seatbelt.

Binuksan at sinilip ko iyong loob ng bag. At totoo nga, mayroong tatlong bote ng Jack Daniels sa loob.

"Ba't nagdala ka niyan?" amused kong tanong.

"Regalo ko sa kanila, siyempre."

Natawa ako.

Kakaiba talaga siya mag-isip. Kaya niya pala tinanong nung isang araw kung umiinom ba ng alak 'yung mga kumag kong pinsan, para pala diyan.

No'ng nakaraang araw, in-open-up ko kasi sa kaniya 'yung idea na kung gusto niya ba ma-meet 'yung mga pinsan ko. Ilang araw na rin kasi 'yun na nasa utak ko. Gusto ko kasi... na siya 'yung una at huling babae na makikilala nila... ng pamilya ko.

Tapos ayun, akala ko no'ng una, hihindi-an niya 'ko pero hindi, um-oo naman siya. Kaya ito kami ngayon, on the way para i-meet 'yung mga pinsan ko doon sa apartment. Magkukuwentuhan at kakain lang kami ng hapunan, tapos ihahatid ko siya pauwi.

"Kinakabahan na 'ko tapos tumatawa ka pa diyan!" Hampas niya sa braso ko.

Hinawakan ko iyong kamay niya, liningon siya at tinignan siya nang direkta sa mga mata. "Huwag kang kabahan. Sila lang naman 'yon. Isa pa, sigurado akong magugustuhan ka nila," sagot ko, at umayos na 'ko ng upo at saka pinaandar na 'yung sasakyan.

Dahil 'yun naman ang totoo. Sa pagkakakilala ko kay Alta, magaling talaga siyang makisama at makihalubilo sa mga tao. Kung tutuusin, kabaliktaran ko. Kaya kung sino-sino iyong mga kaibigan ko noon, sila-sila pa rin lang 'yung mga kaibigan ko hanggang ngayon.

"Sigurado ka?"

"Oo naman," pag-a-assure ko sa kaniya.

Huwag ka lang nila magustuhan romantically, dahil magkakaproblema tayo diyan.

Papalubog na iyong araw nang makarating kami sa destinasyon namin. Hininto ko na iyong Civic sa tapat.

Nang makababa kami pareho, may napansin akong kakaiba.

Teka...

Kumpleto sila ngayon sa bahay pero ba't ang tahimik? 'Nak ng tokwa, iba 'yung pakiramdam ko rito ah.

Nang bubuksan ko na iyong gate, may narinig akong mga kalabog mula sa loob.

"Umayos na kayo!" Sigaw ni Zaiden.

"Nandiyan na! Nandiyan na!" Rinig na rinig ko iyong boses ng tukmol na si Adriel.

Hinawakan ko iyong pulsuhan ni Alta at nilagay siya sa likod ko. Naglakad na kami palapit sa pintuan. Huminto kami sa tapat no'n. Pinihit ko na iyong door knob at naunang pumasok.

Napaawang iyong bibig ko sa nakita.

"Ano 'yan? Ba't kayo naka-suot ng ganiyan!" Sigaw ko nang madatnan na lahat sila sa sala na nakasuot ng tuxedo. dito. sa loob apartment. Pati si Zaiden, nakasuot rin ng ganoon. 'Nak ng tokwa, kung may makakakita sa kanila ngayon, aakalain na mayro'n silang a-attendan na kasal o ano.

'Naramdaman kong dumaloy iyong dugo ko pataas sa batok at tainga ko. Nakakahiya kay Alta.

Ano ba pumasok sa mga utak ng mga 'to at nag-ganiyan sila?

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon