Chapter 21

60 17 11
                                    

Chapter 21

Bago ako umalis sa condo ni Alta, pinagluto ko muna siya, pasasalamat man lang kahit papa'no para sa ticket na binigay niya. No'ng una, nag-i-insist talaga siya na huwag na raw pero no'ng pinilit at kinulit ko nang ilang beses, pumayag na rin siya.

"Ano 'yang niluluto mo? Ambango." Tumabi siya at dumungaw mula sa gilid.

Bigla akong napalingon sa kaniya.

'Nak ng tokwa—muntikan pa 'kong mapahakbang palayo nang mapansin iyong kaunting espasyo sa pagitan ng mga mukha namin. Buti na lang hindi ko ginawa. Baka kung ano pang isipin niya sa kilos ko. 

Agad kong ibinalik iyong tuon sa niluluto.

'Nak ng tokwa. Namawis iyong kamay ko ro'n ah.

Sana 'di niya napansin 'yung naging reaksyon ko.

Sana 'di halata.

Pinagmasdan ko siya sa sulok ng mga mata ko at napansing nakatuon lang iyong atensyon niya sa kaserola. Mukha ngang hindi niya napansin, buti na lang.

"Chicken curry," sagot ko habang hinahalo iyon. Bahagya akong umusog nang kaunti.

"Nice! Tagal ko na ring hindi nakakakain ni—"

May biglang kumatok.

Napakunot ang noo ko. Nilingon ko si Alta.

"May hinihintay kang bisita?" kuryoso kong tanong.

Pero base sa expression niya ngayon, parang naguguluhan at nagtataka rin siya. Mukhang wala rin siyang ideya sino 'yong dumating.

"Wala," umiiling niyang sagot. "Wait, puntahan ko lang—" Tatalikod na sana siya pero hinawakan ko iyong pulsuhan niya kaya natigil siya.

Napatingin pa siya sa kamay kong nakahawak sa kaniya bago nag-angat ng tingin.

"Ako na."

Baka kung sino pa 'yon. Mapa'no pa siya.

"Okay..." Pagkasabi niya no'n ay binitawan ko na iyong hawak sa kaniya.

Nauna na akong maglakad papunta sa pinto. Rinig ko iyong pagsunod ni Alta sa likod ko.

Binuksan ko na iyong pintuan. Agad nagsalubong iyong kilay ko nang makita 'yung taong sa harapan ko. 

Si Wallace.

Mukhang nagtaka rin siya kung bakit ako 'yung bumungad sa kaniya.

"Sino 'yan— O ba't nandito ka?" boses ni Alta mula sa likod ko. Sinulyapan ko siya saglit nang tumabi siya sa gilid ko, nararamdaman iyong balikat niya sa balat ko.

"I stopped by to a restaurant nearby, so might as well visit you," sagot ni Wallace.

"In short manggagambala ka lang."

"Whatever you say."

Nagpalipat-lipat iyong tingin ko sa kanila.

Alam ko namang close sila pero... 'di ko alam na ganito pala sila ka-close para malaman niya 'yung condo unit ni Alta.

"By the way, hello, Kael. Didn't know you'd be here," nakangisi niyang sabi sa akin.

'Nak ng. Hindi ko talaga gusto tuwing ngumingisi siya sa 'kin. Parang may laman lagi at may pinaparating na kung ano.

Pinigilan kong magsalubong 'yung kilay ko. Tinanguan ko siya at naglabas ng hilaw na ngiti.

"Ah, napadaan lang."

"I see."

Lumayo at gumilid ako nang konti para makapasok na siya sa loob.

"It's so quiet here in your condo. It feels illegal to make sounds even from my own footsteps," rinig kong sabi niya kay Alta, nauna na silang maglakad papunta sa sala.

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon