Chapter 24

65 11 19
                                    

Chapter 24

"Kael! Kael, gising!"

Dahan-dahan kong iminulat 'yung mga mata ko nang marinig iyong boses ni Adriel. Iniyuyugyon niya iyong mga balikat ko.

"Ano? Ba't ka ba nandito?" tanong ko habang ikinukusot iyong mga mata ko.

'Nak ng tokwa naman, anong oras pa lang, tsaka ba't pumasok siya dito sa kwarto ko?

" 'Yung news tungkol kay Alta! Nabasa mo na ba?"

Pagkarinig ko pa lang sa pangalan ni Alta ay agad nagising ang diwa ko at napabangon.

Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay. "Anong news?"

Iniabot at pinakita niya sa 'kin iyong cellphone niya. Roon ay may nakabukas na article.

Only heir of Sy-Braza Enterprise, Altagracia Jane Braza, is engaged to Cris Wallace Montemayor, successor of MM Group of Companies.

Pakiramdam ko ay nawala lahat ng antok ko at nanghina ang katawan ko sa nabasa. Nanlamig iyong mga kamay ko.

Ano... ano 'to? Totoo ba 'to?

Agad kong hinanap iyong cellphone ko sa lamesa katabi ng kama at tinawagan si Alta, pero walang sumasagot.

Nang ilang beses ko pang inulit 'yon pero hindi talaga siya sumasagot ay kinuha ko na iyong car keys sa mesa.

"Sa'n ka pupunta?"

"Pupuntahan ko siya."

"Pero may pasok ka pa―"

Bahala na.

Mas importante si Alta.

Pinaharurot ko iyong Civic kaya mabilis lang akong nakarating sa building ng condo ni Alta.

Pagkapasok ko, dumiretso agad ako sa front desk.

"Good Morning, Sir. How may I help you?" pagbati ng babae.

"May bibisitahin lang."

"May I know your name, Sir?"

"Kael. Kairo Emmanuel Medrano."

Nagtipa siya saglit doon sa computer.

"Sir, sorry, blacklisted ka na po sa list of visitors."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Sinuklay ko 'yung buhok ko gamit ng kamay ko sa sobrang frustration.

"Lagi naman akong bumibista, pa'nong blacklisted ako! Baka nagkamali ka lang, pa-check ulit."

Sinusubukan kong maging mahinahon pero halata na 'yung pagiging kabado ko sa boses ko.

Bumalik 'yung tingin ng babae sa monitor at may ni-type doon bago ako liningon ulit.

"Sorry, Sir, I double checked it and your name's on the blacklist."

Anong... Paanong...

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa sinabi niya. Sobrang nagugulahan ako.

Sinubukan ko ulit tawagan iyong numero ni Alta, pero hindi niya pa rin sinasagot.

Tumalikod na 'ko't humakbang papalayo sa counter, iniisip kung anong gagawin ko.

Sinong lalapitan ko? kung si Milly naman o kaya si Wallace, parehong wala namang akong contact number nila.

Ipinikit ko nang mariin iyong mga mata ko.

Bahala na.

Desperado na 'ko.

Umikot ako paharap at tumakbo papunta sa elevator.

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon