Chapter 15

128 22 12
                                    

Chapter 15

"Kael, ba't parang wala ka sa sarili mo?"

Napalingon ako kay Zaiden sa tanong niyang 'yon. Napunta rin tuloy 'yong mata ng iba sa 'kin.

"Oo nga, no'ng nakaraan pa 'yan," sabi ni Dio habang kumakain ng tsitsirya.

"Kung wala siya sa sarili niya, nasa'n siya?" tanong ni Aiden, pagtapos ay kinuha 'yong baso sa mesa at uminom ng ice tea. 'Nak ng tokwa. Sira ulo talaga.

Binato siya ng piraso ng tsitsirya ni Dio sa mukha.

"E, ikaw, kung wala ka sa sarili mo, ba't ang gago mo?" si Isaac.

"Lagi naman 'yang gago," ginatungan pa ni Jaric.

"Alam niyo, tang ina niyong dalawa, nagtatanong lang ako, e,"

Habang naglolokohan 'yong mga sira-ulo, iniisip ko 'yong tanong ni Zaiden. Hindi ko alam pa'no nila nasabi ni Dio na wala ako sa sarili ko nitong mga nakaraan. Hindi ko alam kung anong partikular na nagbago sa 'kin nitong mga nakalipas na mga araw.

Basta ang alam ko lang may nawala.

Tatlong linggo.

Tatlong linggo na ang lumipas na hindi nakikita ko si Alta.

Naalala ko pa 'yong naging pag-uusap namin ni Dean Braza no'ng nakaraan.

No'ng una, ayoko talaga siyang harapin. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit ilang linggo ko nang hindi nakikita si Alta. Kaya tiniis kong hindi siya puntahan. Pero 'di ko na kayang tiisin 'yong gan'to.

Pagtapos ng matagal na pagdedebate sa utak ko, pumunta na rin ako sa office niya. Nagtanong pa 'ko sa mga guwardiya ng college of accountancy para malaman kung nasa'n 'tong office ni Dean. Tinanong ko rin kung nag-leave ba siya, pero hindi. Present naman daw siya sa trabaho nitong mga nakalipas na araw.

Nang ma-dismiss na 'yong huli ng klase namin, dumiretso na 'ko sa tapat ng office ni Dean Braza. Sumilip ako mula sa salamin ng pintuan, pero walang tao sa loob.

Sumandal ako sa pader at ilang minuto rin na naghintay, pinagmamasdan 'yong mga dumadaan sa hallway, bago  mapansin ng paningin ko na may isang matandang lalaki na naglakakad patungo dito na... kamukha ni Alta. Sa mata, kulay ng balat at hugis ng mukha. Pareho sila ni Alta na may pares ng singkit na mata, morenong-morenong kulay ng balat, at bilugang mukha. Nagtama ang tingin namin.

Tumayo ako nang tuwid at inayos 'yong gusot ng uniform ko. May tipid na ngiti niya akong tinignan.

Akala ko no'ng una, intimidating at strict tignan 'yong tatay ni Alta, kasi syempre dean, pero kabaliktaran 'yon ng naging unang impression ko sa kaniya ngayon. Yes, may authority rin sa aura niya pero mukha pa rin namang siyang approachable, 'di tulad ng ibang nakakataas sa university na 'to.

Huminto siya sa harapan ko. "I saw you at the party." 'Yon agad ang sinabi niya.

Natigilan ako at nanlamig.

Ibig sabihin alam niya 'yong nangyari. Alam niyang tinakas ko si Alta.

May hinala na 'ko na alam niya 'yong gulong dinulot ko, pero dahil hindi ko siya nakita no'ng mismong araw na 'yon, kaya naisip ko rin na baka hindi siya naka-attend.

Pero sino bang niloloko ko?

Malamang pumunta rin siya. At ito, nakumpirma ko na mismo.

"Why are you waiting here? What's your concern?"

"Sir, about Alta..." Hanggang do'n lang ang nasabi ko. Hindi ako makabuo ng mga salita. Hindi ko alam ano ba dapat kong sabihin sa kaniya.

"What's your name?"

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon