Chapter 5

159 37 14
                                    

Chapter 5

Ang natandaan ko talaga hapunan 'yong ililibre sa 'kin ni Alta. Pero tignan mo nga naman, may mga bote ng beer na nakalapag sa lamesa. Meron ring mga bote ng vodka.

Ganito ba sila maghapunan?

Hindi pa naman ako umiinom. Tuwing may occassion lang. Pero 'yong on a normal basis, hindi talaga. Parang sinisimulan ko na tuloy pagsisihan na sumama ako.

Maling desisyon, Kael. Maling-mali. Ayusin-ayusin mo naman life choices mo.

Naghiyawan sila no'ng dumating na 'yong mga bote ng hard liquor. Apat na bote ng Bacardi.

Ibang klase. Hapunan ba talaga 'to?

Nilingon ko si Alta. Gusto ko sana siyang kausapin pero nakikipagkuwentuhan naman siya do'n sa isa niyang tropang lalaki habang nag-v-vape. Ayoko namang istorbohin.

Kanina ko pa napapansin 'yong isa pa nilang tropang babae na tumitingin sa direksyon ko sabay ngiti.

Iniwas ko 'yong tingin ko sa kaniya at tinapik si Alta sa balikat. Ngayon, lumingon na talaga siya sa gawi ko.

"CR lang ako."

Natawa siya. "Ba't ka nagpapaalam sa 'kin? Jowa lang?"

Hindi pero baka sabihin mong tumatakas ako o ano. Ah, bahala na nga.

Umiling na lang ako bago umalis.

Pagkalabas ko sa CR, nagulat ako nang makitang nakaabang 'yong babae nilang tropa na kanina pa tingin nang tingin sa 'kin. 'Di ko talaga matandaan pangalan niya.

"Hi!" Ngumiti siya bago lumapit. Nasa gilid ko na siya. Ramdam ko 'yong paghinga niya sa leeg ko. Marahas akong napalunok.

'Nak ng tokwa. Sobrang lapit. Nakakailang naman 'to.

Humakbang ako pagilid. Napansin niya 'yon at tumawa. "Ang cute mo naman. Parang inosente."

"Uh may kailangan ka ba?"

"Pa'no ku—"

"Eve!" Napalingon kaming pareho sa sumigaw. si Alta.

"Hinahanap ka nila Evan." Direkta siyang nakatingin kay Eve.

Tumango-tango si Eve at ngumisi bago binalik 'yong tingin sa 'kin. Pagtapos no'n, umalis na siya nang walang sabi-sabi.

"Mukhang type ka niya," Napakunot-noo ko sa sinabi ni Alta.

Nakatingin siya sa mga mata ko.  Iniwas ko 'yong tingin ko sa kaniya.

"Ba't mo 'ko pinuntahan?"

"Tagal mo eh. 'Kala ko kinain ka na ng inidoro." Napangiwi ako sa sinabi niyang 'yon. Sobrang tino ng sagot. Grabe.

Pagbalik namin sa lamesa, nag-iinuman na sila.

"Kael, umiinom ka ba?"

"Uh oo pero —"

"Oh eto, shot mo." Inabot sa 'kin 'yong isang shot glass na punong-puno ng Bacardi.

Tinitigan ko pa 'yon nang ilang segundo bago inisahang inom.

'Nak ng tokwa! Isang shot pa lang pero parang hindi ko na kinakaya.

Sinulyapan ko si Alta. Nanlaki mata ko nang makitang hindi siya sa baso umiinom! Kundi sa bote! Ibang klase!

Sa kanang kamay, hawak niya 'yong isang bote ng Bacardi. Sa kabilang kamay, may hawak siyang vape.

Nag-abot ulit sa akin ng shot. Inisahang inom ko ulit bago ininom 'yong chaser.

May sinabi 'yong isa kaya nagtawanan sila. Hindi ko masundan 'yung usapan nila.

Nag-bigay ulit ng shot. Ininom ko ulit.

Hanggang sa hindi ko na alam ga'no karami 'yong nainom ko. Hindi ko na alam kung ga'no na ba 'ko katagal nandito.

Ang malinaw lang ay ramdam ko na 'yong epekto ng alcohol sa katawan ko. Gusto ko na sanang tumanggi sa mga inaabot nilang shot pero na-p-pressure talaga akong inumin. Pa'no ba naman, hindi nila inaalis 'yong tingin sa 'kin hanggat 'di ko naiinom. 'Nak ng tokwa.

Nilingon ako ni Alta. Tumawa siya. "Kaya mo pa ba? Pulang-pula na mukha mo!"

Umiling ako. Tumawa ulit siya.

Sobrang bigat na ng talukap ng mga mata ko. 'Nak ng tokwa, gusto ko na matulog.

Dinilat ko 'yong mga mata ko at nilibot 'yong tingin sa mesa, iniiwasang makatulog. Napansin ko si Evan, umiiyak sa gilid at inaalo at tinatawanan na ng iba nilang tropa. Si Alta, nag-v-vape. Buti hindi sa direksyon ko napupunta 'yong usok.

"Putang ina, mahal ko talaga eh!"

Nagtawanan sila.

Anong nakakatawa sa sinabi niya? May nakakatawa ba do'n?

"Alta, mukhang lasing na 'yang dinala mo." Narinig kong sabi. Hindi lang ako sigurado sino nagsabi no'n.

Naramdaman kong siniko ako ni Alta. 'Nak ng tokwa naman.

"Uy, lasing ka na ba?"

"Ako?" Turo ko sa sarili, "Hindi pa ah."

- -

Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo ko. 'Nak ng tokwa, parang pinupukpok ng martilyo!

Sandali, pa'no ako nakauwi kagabi?

Habang nakapikit, kinapa-kapa ko 'yung gilid ng kama. Nasa'n 'yong cellphone ko?

Nang 'di ko makapa 'yong cellphone ko, dinilat ko 'yong mga mata ko.

Teka.

'Nak ng tokwa!

Hindi ko 'to kwarto!

Kanino 'to? Nasa'n ako?

Kahit ngarag na ngarag pa 'ko, bumangon ako. Muntik pa 'kong matumba dahil sa hilo, buti na lang nahanap ko 'yong balanse ko.

'Nak ng tokwa kasi ba't—

Biglang bumukas 'yong pinto. Teka. Nananaginip ba 'ko? Bakit nasa harap ko ngayon si Alta? Naka-plain navy blue t-shirt at maong shorts siya. Sa ayos niya ngayon, parang hindi siya nagka-hangover?

"Sa wakas, nagising ka na rin!"

Kinusot-kusot ko 'yong mga mata ko. Hindi nga ito panaginip. Totoo talaga! Pa'no ako napunta dito?

"Nasa'n ako?" Tanong ko kahit may nabuong sagot na sa utak ko. Gusto ko lang kumpirmahin kung tama ba 'ko.

Umupo siya sa isa sa mga sofa. "Sa condo ko. Dinala kita dito kasi lasing na lasing ka na. 'Di ko naman alam sa'n ka nakatira kaya 'yon."

Nagkibit-balikat pa siya na para bang 'di na bago sa kaniya 'yong ganitong eksena.

"Nga pala, 'yong kotse mo 'asa parking lot. 'Yung mga gamit mo, asa likod mo."

Tumalikod ako. Agad kong nakita kinuha 'yong susi ng Civic at cellphone ko sa maliit na lamesa.

Humarap ako ulit kay Alta. Nangangapa sa sasabihin. Hindi ko alam kung uunahin ko ba munang mag-thank you o mag-so-sorry.

Bigla siyang tumawa kaya napalingon ako sa kaniya. "First time mo ba malasing o ano?"

"Hindi naman pero —"

Bigla siyang ngumiti nang nakakaloko. Ba't may masama akong pakiramdam sa ngiti niyang 'yon? 'Yong klase ng ngiti na hindi mo gugustuhing makita.

"Hindi mo ba natatandaan kung ano mga ginawa mo kagabi?"

Napalunok ako sa tanong niyang 'yon. Ang alin? Anong ginawa ko?

Sinubukan kong tandaan kung ano ba mga ginawa ko pero limitado lang mga naaalala ko kagabi.

Tumayo na siya. Hindi pa rin maalis 'yong nakakalokong ngiti sa labi niya.

"Sisingilin na lang kita sa susunod."

Bridge to Euphoria [Medrano Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon