Chapter 3
Misyon
Sinundan namin sila Vince at Sheena.
Sumakay kami sa loob ng sasakyan ni Vince. Doon kami sa likod habang nasa front seat si Sheena katabi ng driver ng sasakyan na si Vince. Napakuyom ako ng kamao nang makitang hinawakan pa ni Vince ang isang kamay ni Sheena. Niloloko ba nila ako? At si Sheena pa talaga?
"Bumaba na tayo." sabi ko kay Gino nang tumigil ang kotse sa tapat ng bahay ni Sheena.
Nauna kaming bumaba ni Gino pagkatapos na pinark pa nila ang kotse sa garahe. Bakit? Magtatagal ba dito si Vince? 'Tsaka anong ginagawa niya dito?
Sumunod din ako sa loob nang makita kong pumasok sila sa loob ng bahay. Nagtanggal ng polo niya si Vince nang makarating sa sala. Dumeretso naman sa kusina si Sheena.
"Bakit mo dinisplay ang mga pictures natin dito?" tanong ni Vince kay Sheena nang makabalik sa sala.
Tinignan ko ang mga 'yon. Mostly mga travel pictures 'yon na magkasama sila. May isa pa doon na nagpagimbal sa 'kin, may isa silang kuha doon na magkahalikan! Nanginig ang kaluluwa ko sa nakita at napakuyom ang kamao.
"Hayaan mo na! Wala naman si Krystal dito! Hindi niya makikita 'yan. Matagal pa siyang mamalagi doon sa ospital ano!"
Hindi ko napigilan ang galit ko kaya wala sa sarili kong tinabig ang litrato nilang nakapatong doon sa divider sa tabi ng tv. Nagulat ako nang makitang natamaan ko nga 'yon at tumilapon sa sahig! Maging ang dalawang naglalandian ay napatigil sa ginagawa at napatingin doon sa nabasag na litrato nila.
"Nako! Anong nangyari dito?" tanong ni Sheena pagkatapos ay agad na dumalo sa frame na nabasag. Kinuha niya ang litrato doon.
"Kukuha ako ng walis," rinig kong sabi ni Vince.
Masama ang loob ko siyang tinignan. "Walanghiya ka, Vince! Walanghiya ka! Bakit mo nagawa sa akin 'to? At sa bestfriend ko pa?!" sabi ko kahit hindi man lang niya ako naririnig.
Napayakap sa sarili niya si Sheena nang biglang humangin sa loob, pagkabalik na pagkabalik ni Vince ay agad siyang yumakap dito.
"What's wrong?" tanong ni Vince.
Umiling si Sheena habang nakapatong ang ulo sa dibdib ni Vince.
"Nothing, parang bigla lang kasing lumamig." sabi ni Sheena.
"Pumunta ka na doon sa kuwarto. Ako na lang maglilinis dito." ani Vince.
Tumango si Sheena pagkatapos ay pinatakan pa siya ng halik ni Vince sa labi. Hindi ko na natiis kaya lumabas na ako ng bahay.
BINABASA MO ANG
Guide my Soul (COMPLETED)
General FictionKrystal Del Rosario is ready to have a beautiful and happy life because she will getting to be married in no time. Not until one accident happened. Ang aksidente niyang iyon ang naging dahilan kung bakit siya naging kaluluwa. She doesn't believe she...