Chapter 11
Panaginip
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang puting kisame. I blinked twice at mukha naman ni mommy ang bumungad sakin.
"Krystal anak? Gising ka na?"
Pumikit pikit pa ako bago siya nilingon at nagsalita.
"M-Mom..." nanghihina kong saad.
Lumiwanag ang mukha ni mommy at ngumiti, pagkatapos ay lumapit siya sakin para mayakap ako.
"Anak, mabuti naman at nagising ka na..." ani ni mommy matapos humiwalay sa yakap.
"A-Ano p-pong nangyari?" tanong ko.
Tipid na ngumiti sakin si mommy pagkatapos ay hinaplos haplos ang mukha ko.
"You got an accident anak. Ilang buwan ka ngang naka confine e, mabuti naman at gising kana galing sa coma mo."
"C-Coma?" takang tanong ko.
"Yes anak, mabuti nga at gising ka na. Masyado kaming nag alala ni daddy mo."
Na coma ako? Ilang buwan ba akong nakatulog? Matagal ba?
"Anak, I'll just call the doctor okay? To check if your okay..."
Wala ako sa sariling tumango lang hanggang sa mamalayan ko na wala na sa tabi ko si mommy. Hindi nagtagal pagbalik niya ay may kasama na siyang doktor at nurse.
Ni-check up ako ng doktor. Sinagot ko ang lahat ng itinanong sakin ng doktor. Natawa pa ako ng bahagya kay mommy nang tanungin niya ang doktor kung wala daw ba akong amnesia.
"Mommy naman... Kilala ko naman sarili ko at kayong lahat." I said ang giggled.
Tumango si mommy at niyakap ako.
"Mahal kita... Bumalika ka na sa katawan mo please?"
"Yes... I'm your girl..."
"Ayokong iwanan ka dito..."
"You need to..."
"Guide me..."
"I'll guide your soul..."
"GINO!"
Nagising ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sakin. Napaupo ako at niyakap bigla si mommy.
"M-Mom..." I said and start sobbing. May tumulong luha na rin sa mata ko.
Naramdaman ko ang kamay ni mommy na hinahagod ang likod ko.
"Are you okay anak? Kanina ka pa halinghing ng halinghing diyan. Did you had a bad dream?"
Dream? Panaginip lang ba ang lahat? Pero parang totoo lahat ng nangyari.
"Anak? Ano bang nangyayari sa'yo?"
"P-Po?" napukaw ang atensiyon ko nang magsalita si mommy sa gilid ko.
"Noon kasing natutulog ka, salita ka ng salita. Pinagpapawisan pa ang noo noo mo tapos pabaling baling ka rin sa kama mo. Panay pa ang banggit mo ng pangalan."
Napalingon ako kay mommy habang busy siya sa pagbabalat ng mansanas. Nang mahiwa niya ang isa ay ibinigay niya sakin 'yon. Tinanggap ko 'yon at kumagat ng kaunti.
"Ano pong pangalan ang binabanggit ko?" sabi ko habang ngumunguya.
"Gino..."
Napatigil ako sa pagkagat. Mariin akong napapikit nang may dumaang kirot sa ulo ko. Hinawakan ko ang ulo ko at napasabunot sa bubok nang may imahe ng lalaki ang dumaan sa memorya ko.
"Aray... M-mommy..."
"Jusko! Anong nangyayari sa'yo anak? Ayos ka lang ba? May masakit ba?"
Nagpapanic na si mommy sa tabi ko dahil hindi ako makasagot sa kanya sa sakit ng ulo ko.
"Sandali!... Sandali anak..., itatawag kita ng doktor." sabi ni mommy at dali daling umalis para tumawag ng doktor.
Memories flashback to me... Unti unti kong naalala ang memoryang nangyari sakin sa nagdaang araw. How we met Gino... Kung paano niya ko tinulungan... Kung paano ko nalaman ang tungkol kay Vince at sa relasyon niya kay Sheena... On how I realize that I'm falling for him... How I confess to him... Kung paano niya sinabing m-mahal niya rin ako... K-kung paano niya ko kinumbinse na bumalik na sa katawan k-ko... L-Lahat 'y-yon... Naalala ko na.
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko dahil sa tunog ng mga sapatos na narinig ko. Pagmulat ko ng mata ay nakita kong hawak hawak nako ng nurse sa isang braso ko at pilit na pinapahiga. Nakita ko ang doktor na tinuturakan na ako ng kung ano...
"Gino..." I manage to whisper bago ko naipikit ang mga mata ko.
"Krys... Sweetheart, are you okay?" bungad na tanong ni mommy sakin pagmulat na pagmulat ng mata ko.
"M-Mom... S-Si G-Gino?..." mahinang tanong ko kay mommy kahit na naghihina pa rin ang katawan ko.
"Sinong Gino, anak? Panay ang banggit mo sa pangalan na 'yan. Sino ba 'yon? Oh? Saan ka pupunta? T-Teka anak—"
Hindi ko pinansin si mommy at nadire diretso lang ako sa pagkuha ang dextrose ko at lumabas ng kuwarto.
"Anak! Saan ka pupunta? Papunta na dito si Vince maya maya lang! Bumalik ka na sa kuwarto mo!"
Patuloy lang sa pagsabi sakin si mommy na bumalik nako sa kuwarto ko pero inaalalayan niya pa rin naman ako kahit saan ako papunta kaya nagdesisyon pa rin akong tumuloy patungo sa kuwarto ni Gino. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong malaman na totoo lahat ng nangyari! Kailangan kong malaman na hindi lang basta panaginip 'yon!
"O, anong ginagawa natin dito? Kaninong kuwarto 'to?"
Tinignan ko si mommy at tipid na ningitian pagkatapos ay binaling ko na ulit ang tingin ko sa pinto. Nakapikit kong pinihit ang doorknob at dahan dahang minulat ang mga mata ko pagkatapos kong mabuksan ng tuluyan ang pinto.
I gasped. Nakangiti kong habol habol ang hininga ko habang nararamdaman sa gilid ng mata ko ang namumuong luha.
It's true... It's all true... He's here... Hindi yon panaginip lang.
"Gino..." I whispered as I walk towards him.
Pilit akong pinipigilan ni mommy at nagtatanong kung bakit ako nandito at kung sino ang lalaking kaharap ko ngayon pero hindi ko siya pinansin at itinuon ang atensiyon ko kay Gino. Ganito pa rin ang itsura niya kung paano ko siya unang nakita noon.
"Gino, I'm here..." mahinang bulong ko habang nakatungo at hawak hawak ang kamay niya.
Hinahaplos haplos ko ang pisngi niya nang may biglang magsalita.
"Excuse me? Sino ka? Bakit ka nandito sa kuwarto ng boyfriend ko?"
"J-Joyce..."
Kumunot ang noo niya at tuluyang lumapit sakin. Napansin ko pa ang pagkaing dala dala niya sa isang kamay.
"You know me?" kunot noong tanong niya.
Tipid lang akong ngumiti saka bahagyang tumango.
"I'm Krystal, b-binibisita ko lang y-yung kaibigan ko."
"Wala akong natatandaang Krystal na kaibigan ni Gino."
Napansin ko sa peripheral vision ko na nakatingin sakin si mommy na nakakunot rin ang noo pero mabuti naman at hindi siya nagtatangkang magtanong dahil hindi ko rin alam ang ipapalusot.
"Uhm, grade school friend niya ko. Nalaman ko kasi na naospital siya kaya napabisita na rin ako."
Nakita kong nawala ang kunot sa kanyang noo at napatango tango kaya nakahinga rin ako ng maluwang. Lumapit siya sa kinaroroonan ni Gino kaya umalis na rin ako at siya ang pumalit sa puwesto ko. Mapait akong napangiti nang ginawa niya rin ang ginagawa ko kanina. Hindi nako nag paalam sa kanya at tuluyang umalis ng kuwarto ni Gino.
BINABASA MO ANG
Guide my Soul (COMPLETED)
General FictionKrystal Del Rosario is ready to have a beautiful and happy life because she will getting to be married in no time. Not until one accident happened. Ang aksidente niyang iyon ang naging dahilan kung bakit siya naging kaluluwa. She doesn't believe she...