Chapter 4
Delikado
We're on our way on the hospital. Malayo layo rin ang nilakad namin. Mabuti na lang pala at hindi nakakaramdam ng gutom ang mga kaluluwa ano? Dahil kung ganoon lang din ang nilakad ko ay baka nayaya ko na si Gino na kumain sa mga dinaanan naming mga food stalls.
Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may humila sa 'kin. Napabalik ako sa tabi ni Gino dahil sa paghila niya. Hanggang ngayon kasi ay nakahawak pa rin ang kamay niya sa kamay ko.
"Bakit?" tanong ko.
"Si Joyce." aniya.
Nakuha agad ang atensiyon ko sa sinabi niya. Hinanap ko si Joyce at nakita ko siyang nag-aabang ng masasakyan di kalayuan sa ospital.
"Dumalaw yata sa 'yo." sabi ko.
Tumango siya 'tsaka ako hinila. "Tara sundan natin. Sigurado akong pauwi na 'yan. Halos mag-aalas yiete na ng gabi. Baka mapano pa siya."
Tinitigan ko siya at ramdam ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
"Sige tara, ihatid natin siya ulit." sabi ko.
Alam kong nag-aalala siya sa girlfriend niya. Akala ko ay nag-aabang ng sasakyan si Joyce pero bigla na lang siyang nagpatuloy sa paglalakad kaya sinundan na namin. Medyo natandaan ko na ang bahay ni Joyce dahil pangatlong beses ko na rin yatang sinasamahan si Gino sa pag-alalay sa girlfriend niya para ligtas na makauwi sa tuwing dadalaw siya dito.
Mukhang sa bahay niya si Joyce uuwi at hindi sa condo nito. Sabi kasi ni Gino na sa tuwing biyernes ay lagi itong umuuwi sa bahay nila. Naglalagi lang ito condo kapag weekdays dahil sa trabaho nito.
"Bakit ka naman nagpagabi Love, alam mo namang delikado maglakad dito pag gabi." ani ni Gino sa tabi ko.
"Siya ba kinakausap mo?" walang kuwenta kong tanong. Halata naman ata.
Hindi niya ko pinansin dahil nakatingin siya sa harapan, kay Joyce, pero tumango siya.
"Kinakausap mo talaga siya ano?" I almost laugh.
"Ganyan talaga ako. Kahit noon, pinapagalitan ko siya kung bakit siya nagpapagabi sa daan. Kahit na hindi naman niya ako naririnig at nakasunod lang ako sa kanya." seryoso niyang saad.
Nakanguso akong tumango sa kanya. Mukhang delikado nga ang lugar na 'to. Naka subdivision kasi sila kaya maraming talahiban. Isa pa, madilim sa parteng dinaraanan namin. Meron namang poste ng ilaw pero malayo ang agwat sa isa't isa kaya madilim dilim at nakakatakot. Sanayan na lang siguro para sa mga taong nakatira dito.
"Joyce!" sigaw ni Gino.
Nagulat ako sa kanya nang bigla siyang tumakbo. Doon ko na lamang nakita si Joyce na may nakalapit nang tatlong kalalakihan sa kanya. Hinawakan na ng isang lalaki ang braso ni Joyce at parang pilit na pinapasama sa kanya.
BINABASA MO ANG
Guide my Soul (COMPLETED)
General FictionKrystal Del Rosario is ready to have a beautiful and happy life because she will getting to be married in no time. Not until one accident happened. Ang aksidente niyang iyon ang naging dahilan kung bakit siya naging kaluluwa. She doesn't believe she...