Chapter 5
Subok
"I'm sorry... Wala ako doon para ipagtanggol ka, what I mean is... my soul is there but not my body..." mahinang sabi ni Gino kay Joyce na nakahiga na ngayon sa kama at natutulog.
Sumunod si Gino kay Joyce sa loob ng bahay nila kaya wala akong choice kundi sumunod na rin at ayoko rin namang maiwan sa labas ng bahay.
Nakaupo ako ngayon sa paanan ng kama ni Joyce at tinititigan lang si Gino kung anong ginagawa niya sa natutulog niyang nobya.
"Huwag ka nang mag emote dyan. Nakaligtas naman siya di ba?" walang gana kong tanong sa kanya habang nakapangalumbaba.
Sinulyapan niya lang ako pero binalik niya rin ang tingin kay Joyce. Nakaupo siya ngayon sa tabi niya sa kama at humahaplos haplos ang kamay niyang tumatagos lang sa mukha ni Joyce.
"Bumalik na tayo... Natutulog na naman rin si Joyce." aniya.
Agaran akong tumayo. "Hay sa wakas..." sabi ko at nagpatiuna na sa paglabas.
"Ang tahimik mo naman ata? Iniisip mo pa rin ba yung kanina?" tanong ko kay Gino.
Nandito kami ngayon sa kuwarto niya. Dumaan kami sa kuwarto ko kanina at sinubukan ko ulit pumasok sa katawan ko pero wala pa rin.
Ang sabi kasi ni Gino ay try and try hanggang sa mabuhay. Iyon ang motto namin sa ngayon.
Sinamahan ko muna sa kuwarto niya ngayon dito si Gino dahil walang bantay ang katawan niya. At least kahit kaluluwa kami ay malalaman pa namin kung may progress na ba sa mga katawang lupa namin.
Mabuti na lang at narinig ko si Mommy na buong magdamag siya sa hospital para magbantay sa 'kin. Hindi ako gaanong mababahala sa katawang lupa ko.
"Naisip ko lang... Bakit kaya nangyayari sa atin 'to?" biglang sabi ni Gino.
Napalingon ako sa kanya. Nakaupo siya ngayon sa mismong katawan niya. Sinubukan niya kasing bumalik ulit, but still no progress. We're still stock here.
"Destiny siguro natin?" patanong ko ring tanong.
"Putanginang tadhana naman 'yan!"
Baghagya pa akong nagulat sa pagsigaw niya at napaatras sa inuupuan ko sa gilid ng kama niya.
"Galit ka?" banayad kong tanong.
Masama siyang tumingin sa akin kaya napatikom agad ako ng bibig pagkatapos ay napasandal sa headboard ng hospital bed niya. Umalis siya sa pagkakapatong sa katawan niya pagkatapos ay nakaupong hinarap ako.
"Hindi ko lang matanggap na ganito ang tadhana ko? I mean really? Hanggang ganito na lang ba tayo?" halos pagalit na niyang saad sa akin.
BINABASA MO ANG
Guide my Soul (COMPLETED)
General FictionKrystal Del Rosario is ready to have a beautiful and happy life because she will getting to be married in no time. Not until one accident happened. Ang aksidente niyang iyon ang naging dahilan kung bakit siya naging kaluluwa. She doesn't believe she...