Chapter 15
Close
Pagkauwing pagkauwi ko ng bahay ay agad akong nagpalit ng damit pambahay at tumutok na agad sa laptop ko. Kinuha ko agad ang calling card ni Gino na nasa bag ko. I even check if he has a facebook! Agad ko inadd nang makitang meron nga siya. Iniscan ko ang newsfeed niya at nakitang puro post 'yon kasama si Joyce. Minsan lang ang nakikita kong solo siya.
Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong tinginan kung sino yung nag text. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Gino 'yon!
From Gino:
Friend request huh? You done stalking?
Agad akong napabaling sa laptop ko nang makita sa phone ko kanina na nag notif ang facebook ko!
'Gino Hidalgo accepted your friend request' ang sabi doon,
Iniscan ko rin agad ang newsfeed niya at nakita ko nga doon ang sinasabi niyang iniistalk ko siya! Doon sa profile niya na naka formal attire siya at hawak hawak niya ang necktie niya na pawang inaayos niya, ang gwapo niyang tignan doon. Nakangiti pa siya sa camera na lalong nagpatingkad sa kagwapuhan niya.
Hindi ko lang pala nilike 'yon! Heart pa pala ang ginawa ko emoji! Shit! Hindi ko na lang tinanggal sa ganoon dahil baka pagmukhain niya pakong guilty.
Magtetext sana ako sa kanya nang makitang may message ulit ako.
From Gino:
How come we're friends before? We not even friends in social media.
Tumaas ng bahagya ang kilay ko at nagreply sa kanya.
To Gino:
We're now friends in fb.
Hinintay ko siyang mag reply pero nakalipas ang ilang minuto ay wala akong natanggap mula sa kanya kaya pinabayaan ko na lang. Besides, back to zero ulit kami. Parang ngayon pa lang talaga namin kilala ang isa't isa.
I stayed up all night to finish my work. Marami rami rin kasing natambak na paper works ko sa office kaya inuwi ko na lang sa bahay para makaabot naman sa deadline. Alas onse ng gabi nang maisipan kong bumaba at pumuntang kusina para kumuha ng pagkain.
Pabalik nako sa kuwarto ko nang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino 'yon at halos matisod ako sa hagdanan nang makitang si Gino 'yon!
From Gino:
Do you want to go outside? I'll treat you an ice cream.
Bigla akong napalunok nang sinabi noyang ililibre niya akong ice cream. I'm craving this kani kanina lang.
To Gino:
Uhm, sure, saan ba?
From Gino:
Lets meet at 7/11 near the hospital.
Hindi nako nagreply sa kanya dahil nagmadali nakong kinuha ang jacket ko sa kuwarto at susi ng sasakyan.
I carefulky sneak out para hindi magising sina mommy. Soguradong kagagalitan ako 'pag nalamang umalis ako ng ganitong oras and now driving myself!
Nang makarating sa 7/11 ay agad nahagip ng mga mata ko si Gino pagpasok. Bilis niya ah?
He notice me as I sat in front of him. He look and smiled at me. "Hi..."
I confusely look at him but ignored it after. "Hello..." I greeted back.
"Let's order..."
Tumango ako at lumapit sa fridge na may mga ice cream. Kumuha si Gino nang parehong flavor na kinuha ko rin.
Pagdating sa counter ay agad niyang kinuha sa kamay ko ang ice cream tsaka siya na ang nagbayad. Bumalik na kami sa table pagkatapos.
Ayos, ice cream sa alas dose ng gabi.
I looked at Gino na kanina pa tahimik at parang wala sa sariling nakatingin lang sa labas ng store.
"Ahm, why did you invite me?" umpisa ko.
Bumaling siya sakin pagkatapos ay sa ice cream naman niya. What is wrong with him? Hindi ko siya pinansin pagkatapos ay itinuloy na lang ang pagkain ko, nakikinita ko pa na halos paglaruan niya lang ang ice cream niya, natunaw na at halos hindi na niya kinakain.
"I had a dream just earlier."
Napaangat ako ng tingin sa kanya sa sinabi niya. "A-Ano?"
Tumuwid siya ngayon ng upo at tumingin sakin. Ganoon din ang ginawa ko.
"I feel weird but I dreamt of you. Hindi ko alam kung bakit pero parang magkakilalang magkakilala nga tayo sa panaginip ko."
I lightly smiled and nod at him. "Nasa ospital ka ba sa panaginip mo?"
He look at me for a second then nod.
"I want to know you Krys. Kung paano tayo nagkakilala,"
"You wont believe it. Sinabi ko na sayo noon, nung nasa ospital pa tayo. You even said that I'm insane but I'm telling the truth."
"I'm sorry..."
"It's okay, I'll leave now."
Akamang tatayo nako pero mabilis niyang napigilan ang kamay kong nakapatong pa sa table.
"Stay. I want to know everything please! Promise, I won't react any reactions that will affect you." nagmamakaawang sabi niya.
Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Bumalik ako sa pagkakaupo at kinuwento lahat lahat sa kanya. Magmula kung paano ako nagising noon at humiwalay sa katawan ko hanggang sa sabihin niyang bumalik na'ko. Hirap na hirap ko ring sinabi sa kanya ang tungkol sa kanila ni Joyce at kung paano naging kami. I didn't know if he believes me in that part but at least I try right?
"Hindi ko lang alam kung paano mo rin nalaman na nahiwalay ka sa katawan mo kasi hindi mo noon nabanggit sa akin."
As what he told me earlier, that he won't react any violent reactions kapag nasalita na ako, ganoon nga ang ginawa niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano dahil wala siyang reaksiyon sa mga bawat sinasabi ko! Nakatingin lang siya sakin at mariing nakikinig. Minsan siyang napapangiwi kapag nagkukuwento ako kaya napapalingon ako sa ibang direksiyon.
"Oh my God!"
Napabalik ang baling ko mula sa pagkakatingin sa labas ng may biglang sumigaw. Nanlaki ang mga mata ko at agarang napatayo nang makitang nakahadusay na sa sahig si Gino at wala nang malay!
"Oh my God! Oh my God! Gino!" sigaw ko at nagpapanic na pumunta sa kanya.
Iilan lang kaming nandito sa store, dumulong sa harapan ko ang lalaking cashier at tinulungan akong buhatin si Gino. Sinakay ko siya sa front seat at nilagyan ng seatbelt bago mabilis na nagpasalamat sa lalaking tumulong sakin.
Pinaharurit ko ang sasakyan sa pinakamalapit na hospital. Hawak hawak ko ang kamay ni Gino habang nagpipigil ng iyak.
Please... Please... Hold on please...
Pakiusap ko kay Gino habang nagdadrive.
BINABASA MO ANG
Guide my Soul (COMPLETED)
General FictionKrystal Del Rosario is ready to have a beautiful and happy life because she will getting to be married in no time. Not until one accident happened. Ang aksidente niyang iyon ang naging dahilan kung bakit siya naging kaluluwa. She doesn't believe she...