Chapter 16

10 7 3
                                    

Chapter 16

Hold




Mabilis rumesponde ang mga taga ER kaya madaling naasikaso si Gino sa loob pagdating namin sa ospital.

"Gino... Gino please wake up..." sabi ko  sa sarili ko habang nakadungaw sa pintuan ni Gino sa ospital. Ginagamot pa siya ng doktor sa loob.

Nanghihina akong napaupo sa katabing upuan. Pasado alas dos na pala ng umaga.

Awtomatiko akong napatayo nang bumukas ang pintuan at lumabas ang doktor kung saan si Gino. Kinausap niya ako at sinabing nasa mabuting kalagayan na si Gino. Nakahinga ako nang malalim nang sinabi niyang hindi naman siya comatose ulit. He said that he maybe remembers somthing from his past kaya biglang nagkamigrane.

Inilipat sa mas maayos na kuwarto si Gino kaya sumunod na rin ako roon. Antok na antok akong umupo sa upuan sa gilid ng kama tsaka hinawakan ang kamay niya. Naalala na kaya niya ko? Nangyari 'yon nung nagkukuwento ako, maybe he remembers me thats why it happen right? Ganoon rin ang pagkakaalam kong nangyari sakin.

Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko na kanina pa siguro nagriring. Sinulyapan ko si Gino at nakitang nakapikit pa rin ang mga mata. Tulog pa siguro siya. Kinuha ko ang cellphone ko at pumasok sa banyo dito sa kuwarto niya para doon sagutin ang tawag.

Tuluyan akong nagising nang makitang si mommy iyon! Shit! Hindi nga pala ako umuwi.

Galit na boses ni mommy sakin ang bumungad sakin nang sagutin ko ang tawag.

"Nasaan ka?! Bakit hindi ka umuwi?! Dinala mo pa ang kotse?! Nag drive ka mag isa?! Krystal!"

Napangiwi ako sa sobrang lakas at sunod sunod na boses ni mommy.

"M-Mommy..." umpisa ko. "N-Nasa ospital po ako ngayon." tanging nasabi ko.

Bigla namang natahimik ang kabilang linya kaya medyo nag alala ako.

"What?! What happen to you? Bakit ka na ospital? Saang ospital yan? Pupuntahan ka namin ni daddy mo."

I sight when I realize I got it wrong.

"N-No Ma, I mean, nasa ospital ako pero hindi po ako yung naospital."

Rinig na rinig ko ang buntong hininga ni mommy mula sa kabilang linya ng telepono.

"Then why are you there? Pupunta pa rin kami diyan. Give me the address."

Wala nakong nagawa at napatango na lang kahit na hindi naman nakikita ni mommy. Tinext ko sa kanya ang address tsaka lumabas na agad ng banyo.

I jump a bit nang makitang gising na si Gino at nakatingin pa sa direksiyon ko. Ngumiti ako ng bahagya sakanya tsaka siya nilapitan.

"Mabuti naman at gising kana. How are you? May masakit ba sayo?"

Umiling siya at bahagyang ngumiti sakin. "Krystal..."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang banggitin ang pangalan ko. What does that mean? Hindi kaya naalala na niya ko? Napalawak ang ngiti ko sa isiping naaa—

"Where's Joyce? Nandito ba siya?" he said and look at his hospital door.

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. He after me pagkatapos. Kumunot ang hitsura as if he was wondering what I were thinking.

"N-Naaalala mo na ba ko?" I hopefully ask.

Matamis siyang ngumiti sakin pagkatapos ay bahagyang tumawa tsaka tumango tango.

"Ofcourse, you said your my classmate way back in elementary right? You also visit me here when I was in comma, the last time I remember, ikaw ang huling kasama ko diba?"

Guide my Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon