Chapter 6

12 10 8
                                    

Chapter 6

Plano





"Ano bang ginagawa natin dito?" tanong ni Gino sa tabi ko.


"Shh!!! Huwag ka ngang maingay! Baka marinig tayo." bawal ko.


"Stupid! Hindi tayo maririnig dahil kaluluwa pa rin tayo hanggang ngayon!"


"Sorry naman! Nakalimot, nakalimot."


"Tss..." rinig kong sabi niya na nagpaikot sa mga mata ko.


Sinusundan ko ngayon si Vince kung saan siya pupunta. Ang kapal naman talaga nang mukha niyang magpakita sa hospital kung saan ako nakaconfine at magpanggap na mahal niya ko! May pa emote-emote pa siyang nalalaman sa harapan ng mga magulang ko na concern talaga siya sa 'kin!


Minamatyagan ko siya ngayon dahil kasama na naman niya si Sheena. Kinakabahan ko silang sinundan kung saan sila pupunta dahil mukhang pamilyar ang lugar na tinatahak nila.


Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang dumeretso sila sa condo unit namin ni Vince! Anong gagawin nila dito?!


"Teka! Dapat bang pumasok tayo?" pigil sa akin ni Gino habang papasok na sana ako sa loob.


"Gaga! Condo ko rin 'to 'no! Isa pa, sila ang dapat na umalis dahil condo ko 'to! Akin 'to! Nakikitira lang yang si Vince noon sa akin 'no!"


"You mean, nag li-live-in na kayo?" kunot noo niyang tanong.


"Almost three months lang before the accident."


Tumango tango siya pagkatapos ay sinamahan na ako sa loob. Mabuti naman at wala kaming eskandalong nakita ni Gino pagpasok namin sa sala.


Nakikita kong nag iikot ikot si Sheena na loob ng sala.


"Na miss ko dito. Tagal ko ring hindi nakapunta. Nakakainis ka kasi e, hindi mo ko pinapayagang pumunta dito." ani ni Sheena habang pinapalibot pa rin ang mata sa buong lugar.


"Alam mong hindi pwede, nandito si Krystal." sagot ni Vince.


Sheena pouted then sat on the couch. "Kahit naman nung wala siya di pa rin pwede."


"Baby..." ani ni Vince na nagpakulo sa dugo ko.


Baby? Endearment ba nila 'yon? Ni wala nga siyang endearment para sa 'kin pero sa kanila ng babae niya meron?


"Gago ka!" sabi ko at sinuntok si Vince pero walang nangyari at ako pa ang napasubsob dahil tumagos ako sa kanya.


Iritado akong tumayo nang may tumulong sa akin. Paglingon ko kay Gino ay nakita ko ang natatawa niyang mukha.


"Ewan ka kasi e, alam mo namang walang silbi 'yan. Ayan! Ikaw pa tuloy sumubsob." aniya pagkatapos ay tumawa.

Guide my Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon