Chapter 17
Destruction
It's been almost two months since my last meeting with Gino. Yung sa ospital, yun na ang huli. Nagtetext siya o di kaya naman ay pm sakin sa messenger pero hindi ko na rin sinasagot ng reply sakanya. As much as possible I kept a distance with him. As what my Mom said, mukhang mas mabuti nga kung ganoon.
"Who's really that boy, anak? Mukhang di lang kayo magkaibigan." Mom ask as I got to my room.
Pabagsak akong humiga sa kama ko at itinaob ang mukha ko sa unan. I don't want to have an argument now. Not now, masakit pa ang lahat sakin ngayon. Hindi ko yata kayang makipag usap muna sa kahit kanino ngayon.
Naramdaman kong lumubong ang gilid ng kama ko at naramdaman ko ang haplos ni mommy sa buhok ko.
"Are you two in a relationship, anak?" mahina niyang tanong pero tama lang para marinig ko.
Hindi ko siya sinagot pero nanatili ang marahan niyang kamay na humahaplos sa buhok ko. Naramdaman ko ang bahagyang pagbasa ng unan dahil luha ko.
"But... Does he has a girlfriend?" patuloy na pagsasalita ni mommy.
Ibinaon ko lalo ang mukha ko sa unan dahil nararamdaman ko ang mahihina kong hikbi. God! Bakit di na lang umalis si mommy? Does she can't see I'm in pain? Ayoko munang may mapag usapan ngayon! I want to be alone!
Tumagilid na ko ng higa nang hindi nako masyadong nakakahinga. Natatakpan ng basang buhok ko dahil sa luha ang mukha ko ngayon. Thank God, di pa rin ako makikita ni mommy.
"Vince told and confess to me everything. He said sorry to me and to your dad dahil sa nagawa niya. Sinabi niyang babawi siya at itatama ang lahat. I gave him a second chance dahil marami na rin naman siyang nagawa sa kumpanya. He felt so sorry for you. Talk to him atleast, nakipaghiwalay na siya kay Sheena. He wants to get you back. You might atleast talk to him and give him a chance. Huwag sa isang kumplikadong tao anak."
"He gave you flowers early this morning. Nandito sa bedside table mo. Rest for now Krys. I love you..."
Hinalikan ni mommy ang buhok ko pagkatapos ay narinig kong nagbukas sara na ang pinto. Nang maramdaman kong wala na si mommy ay saka lang ako umupo at doon ko lang napansin ang bouquet na nasa bedside table nga.
Kinuha ko yon at pinagmasdan. White roses, kinuha ko ang maliit na card na nakalagay doon.
"Hi Krys! Here's white flowers for you, your favorite. Hope you like it. Have a nice day!"
—Vince
I slightly smiled. Pinasadahan ko ang mga white roses doon. Maybe Mom was right. I should do something about my life and myself.
"Come in,"
In all smile Vince enter my office. May dala dala na naman siyang bouquet at inabot yon sakin. He give me a peck on my cheeks and I just smiled.
"Thanks..."
He reply a smile and tap my head.
"Can I invite you for dinner?"
Bahagya pa akong nag isip pero pumayag na rin. Nag ayos lang ako ng konti sa office pagkatapos ay sumama na kay Vince.
We arrived in a american restaurant near the mall. Pinanghila ako ng upuan ni Vince nang makapasok sa loob.
Sumisimsim ako ng wine nang biglang may tumawag sakin. Napaangat ang tingin ko at nakita kp doon si Joyce. She waved her hand happily so I wave back. Nabigla pa si Vince nang bigla akong tumayo kaya napatayo rin siya. Nakita ko si Gino sa likod ni Joyce.
"Kumusta ka na? Hindi mo na dinalaw si Gino noon. Hindi na tuloy tayo nagkita."
"I'm sorry Joyce, I really got so busy kaya hindi ko na rin nakamusta si Gino."
"Ah... I understand." aniya at tumango tango.
Iniangkla ni ang kamay niya sa braso ni Gino nang makalapit. Hirap akong lumunok sa tagpong yon at parang nawala ako bigla sa sarili. Nabalik lang ako sa huwisyo nang maramdaman ang kamay ni Vince sa likod ng baywang ko.
"Uhm... Hon, who are they?" tanong ni Vince.
"Si Joyce nga pala at si Gino, uhm... Si Vince." pakilala ko.
Vince offered his hand to the both of them.
"Are you his boyfriend?" tanong ni Joyce habang nakikipag kamay si Vince kay Gino.
Vince chuckled. "Uhm nope... But I hope it soon," he then looked at me.
Bahagya na lang akong ngumiti pagkatapos ay napaiwas ng tingin. Nakita ko ang pag igting ng panga ni Gino nang bigla akong malingon sa kanya.
"Can we just join you? Para naman makapagkuwentuhan pa tayo lalo." joyce said with all her smile.
She really does have an angel face. Halata sa kanyang masayahin siya.
"Yeah sure, kami lang naman dalawa ni Krystal dito." si Vince ang sumagot.
Magkatabi kami Joyce habang katapat ko naman si Vince na katabi ni Gino. Dinagdagan ni Vince ang inorder niya kanina since nadagdagan kami.
Si Joyce at Vince lang ang parating nagkukuwentuhan at halos nananahimik naman kaming dalawa ni Gino. Sumisingit lang ako sa usapan tuwing may tinatanong. I felt so awkward whenever his staring at me. Lagi ko pang agad binabaling sa iba ang direksiyon ko sa tuwing magtatama ang mga mata namin.
"Hey Krys, are you okay?"
Nabigla ako nang biglang tawagin ni Vince ang pangalan ko.
"Y-Yeah... I-I-I'm okay..." sabi ko at biglang napasimsim ng wine.
"You sure?" tanong niya.
Tumango ako at doon ko na nakita na nakatingin na rin pala sakin yung dalawa.
"I'll just wash up, excuse me." sabi ko.
Nakatanggap ako ng tango kay Vince kaya tumayo na rin ako at nagpunta sa restroom.
Pagkapasok ko doon ay agad akong naghilamos para mahimasmasan naman ako.
"What are you doing Krystal?! Umagos ka nga! Presensiya lang ni Gino yan!" I said as I motivate myself to look forward.
Inayos ko ang mukha ko pagkatapos. Lumabas ako ng restroom nang maabutan ko sa gilid non si Gino.
"What are you doing here?" kalmadong tanong ko.
"Your not replying to my text." agad niyang sabi.
Napalunok ako at sinalubong ang mga tingin niya.
"Uhm... I got so busy?" patanong ko ring sagot.
"You got so busy kaya hanggang seen ka na lang?" mataas na ang boses niya ngayon.
Nagkibit ako ng balikat at akma nang aalis nang pigilan niya ang kamay ko.
"Did I do something wrong? May nasabi ba ako doon sa ospital?"
"Iniiwasan na kita." diretsong sabi ko.
"W-Why?" ramdam ko ang panginginig sa kanyang boses.
Tinitigan ko siya sa mata pagkatapos ay bahagyang ngumiti.
"We have our own lives. You have a girlfriend, hindi na ako dapat makisiksik sayo dahil lang sa sinabi kong nakilala kita nuong panahong in-coma tayo pareho. Remeber what I told you at the convinience store? Sinong maniniwala sa kuwento ko di ba? Wala! At alam kong mahirap rin paniwalan yon para sayo! So its better be good this time. Just forget what I told you at the shop! Baka mamaya himatayin ka na naman, mag aalala lang si Joyce sayo." I said as tear pooled in my eyes.
Agad kong pinalis yon at tumayo ng maayos.
Nagtatawanan sina Vince at Joyce at mukhang may pinagkukuwentuhan. May dessert at ice cream na ring nakalapag sa table.
"Oh hon, upo kana. Inorder ko na yung favorite ice cream mo." sabi ni Vince.
"Yeah, thanks!"
This is really what I need, a destruction.
BINABASA MO ANG
Guide my Soul (COMPLETED)
General FictionKrystal Del Rosario is ready to have a beautiful and happy life because she will getting to be married in no time. Not until one accident happened. Ang aksidente niyang iyon ang naging dahilan kung bakit siya naging kaluluwa. She doesn't believe she...