Chapter 14

10 7 6
                                    

Chapter 14

Meeting






Pauwi ng bahay ay sinabi ko lahat kay manong ang nangyari at pinakiusapan na huwag sabihin kay mommy na nagdrive ako. Tumango naman si manong at sinabing huwag ko na lang ulitin 'yon, tumango na lang rin ako dahil baka mag report pa siya kay mommy.

"What are you still doing here?"

Padabog kong sinara ang pintuan ng office ko nang mabungaran ko siya sa loob. Kapal ng mukha niyang magpunta pa rito?

He smiled and walk towards me na ikinatiim ng bagang ko. Tinaasan ko siya ng kilay ng iabot niya sakin ang bouquet na hawak niya.

"Anong gagawin ko diyan? Ibibigay ko sa bestfriend ko?" I sarcastically asked with my cross arms in my chest.

I saw sadness and regret on his eyes as he turned his gazed on me. Marahan siyang napa iling iling pagkatapos.

"N-No, this is for you?"

"For what? For fooling me? Peace offering? Sorry, but I don't need to." nilagpasan ko siya pagkatapos ay nagtungo sa table ko.

Umupo ako sa upuan ko at nakatingin lang sa nakatalikod sakin ngayon na si Vince. Humakbang siya papunta sa pintuan at akmang ilalapag ang dala niya bouquet sa table ng magsalita ako.

"Oh and please, throw that 'thing' with you or better yet, give that to 'your girlfriend'." I said as I emphasized my last word for him.

Nakita ko sa pheripheral vision ko na tumingin siya sakin bago tuluyang umalis. I sight nung makitang mag isa na lang ako ngayon sa office. It's alright Krys...

Ginawa ko lahat ng kailangang gawin sa opisina. Medyo natambak na ang iba dahil matagal ako sa ospital. Pinapasok ko nang hindi tinitignan ang kung sino man na kumatok sa pintuan ko.

"Ma'am, you have a lunch meeting with the CEO of Hidalgo Corp."

Kumunot ang noo ko at napatingala sa sekretarya ko.

"Isn't that suppost to be months ago? Hindi niyo ba itinuloy kahit nasa ospital ako?" kunot noong tanong ko.

Ang alam ko ay may meeting nga kami noon ng CEO, ang kaso sila mismo ang nagpa cancel since may nangyari daw, nung tinuloy naman nila with other representative, I had an accident. Ang akala ko noon ay ipinaubaya na ni mommy sa iba 'yon. Or even Vince can assign him to have atleast attend the meeting for me.

"Hindi na po natuloy noon dahil sabi nga po ni Ma'am naaksidente po kayo, so pina cancel niya rin. Ngayon lang din po nagkaroon ng shedule since bumalik na rin daw po yung CEO."

Napatango tango na lang ako.

"Anong oras yung meeting?"

"Exactly 30 minutes from now Ma'am, sa pinakamalapit na resto lang daw po."

Tumango ako at kinuha na ang bag ko. Nagligpit ako ng kaunti ng nga gamit sa table pagkatapos ay umalis na. Napausog pa ko sa loob ng elevator nang may biglang pumasok kahit na pasara na ang pintuan. Napataas ang kilay ko nang pindutin niya rin ang ground floor.

Pinauna ko siyang lumabas nang bumukas ang elevator. Paglabas ko ay nagulat na lang ako nang makita siyang nag aabang sakin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Doon yung kotse ko."

"So?"

"I'll drive for you, sinabihan ako ni Tita na huwag kang payagan mag drive mag isa."

"And who are you to say that Vince? Gagawin ko ang gusto ko." sabi ko at nilagpasan siya.

"I'll be meeting also the Hidalgo's CEO.  Kasali rin ako sa meeting. So meaning, makikita mo pa rin ako roon kahit hindi ka man sumabay sakin."

I turned around and face him. I smirked.

"And who says na isasama kita?"

I saw him frustatedly brush his hair using his hand.

"Come on Krys! Just be professional! I'm still part of the company."

Napatiim bagabg ako sa sinabi niya. Hindi pa ba siya sinesesante ni mommy?

"Well wait till I get you out of this." sabi ko tsaka nagtungo kung saan palaging naka park ang kotse namin.

"What the hell? Asan na?"

"Dinala ng daddy mo kanina." bumaling ako sa lalaking nakababa na ngayon ang salamin sa driver's seat.

"Sakay na. We're going late. Huwag ka na ring mag abang ng taxi dahil matagal."

I rolled my eyes at him. Padabog akong naupo sa front seat. This. Will. Be. The. Last. I said at the back of my mind. Ayoko lang paghintayin ang ka meeting namin.

Pagdating namin sa restaurant ay agad kaming dumeretso kung saan sila nagpareserved ng upuan. Hindi ko makita ang lalaking ka meeting namin dahil nakatalikod siya sa kinatatayuan ko. Hindi na ako umangal ng pinanghila ako ng upuan ni Vince. Pagkaupong pagkaupo ko ay saka ko lang nakita ang kung sino ang taong nasa harapan ko.

"G-Gino?" I said.

Kunot ang noo niya nuong una pero nagpakawala rin siya ng pormal na ngiti pagkatapos.

"I'm the CEO of Hidalgo's Corp. It's my pleasure to meet the heiress of Del Rosario's Company." pormal na sabi niya.

Inabot ko ang kamay niyang nilahad samin. He then turn his gazed to Vince and shake hands to him.

The meeting went well and I acted professional as I can be. Kahit na medyo na iilang ako sa presensiya niya, isama pa na nandito si Vince. Looking back while we we're still souls. Ang alam ko kami, hindi ko na nga lang alam ngayon kung anong meron samin dahil di niya maalala. Di niya ko maalala.

"Here's my calling card. I hope a good partnership with you."

Inabot ko ang calling card na binigay niya. Kumuha rin ako ng calling card ko at inabot rin sa kanya.

Tinignan ko ang nakasulat sa calling card niya. Nandoon ang logo ng company niya sa background, pangalan niya, email address, pati cellphone number niya ay nandoon. Matapos kong tignan 'yon ay agad ko 'yong tinago sa bag ko para hindi mawala.

Pagkarating na pagkarating sa office ay agad kong sinave ang number niya sa cellphone ko.




Guide my Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon