Chapter 12

9 7 5
                                    

Chapter 12

Visit






"ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

Tiim bagang kong sinalubong si Vince nang makabalik kami ni mommy sa loob ng kuwarto ko.

"What are you talking about dear? Siyempre binibisita ka niya." inosenteng sagot ni mommy.

Sarkastiko akong napa iling iling habang palapit sakin si Vince. Really? He has a guts to come here and pretend nothing huh? Kung sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Hindi ko nga din naman malalaman lahat kung hindi pako naging kaluluwa pansamantala.

"Hi babe, what's wrong?"

Nangalaiti ako at di ko napagilang sampalin siya sa pisngi na ikinagulat nilang lahat. Maging si Sheena na di ko namalayang nandito pala ay agad na dinaluhan si Vince.

"Ano bang problema mo?!" si Sheena.

"Anak!..." gulat na sabi rin ni mommy.

"Ikaw ang problema ko! Kayo! Mga manloloko!" I said as tears started to pool on my eyes.

Gulat ang mga matang hinarap ako ni Vince, maging si mommy ay lumapit na sa tabi ko para daluhan ako.

"Ano ba yang sinasabi mo anak? Ayos naman kayo noon di ba?"

Umiling iling ako kay mommy at hinarap siya.

"No mom, they're cheating behind my back. Matagal na silang may relasyon ni Sheena. Niloloko lang nila ko mommy..." I confess to mom as my voice broke.

Nanlalaki ang mga matang tinignan ako ni mommy pagkatapos ay binalik ang atensiyon sa dalawa.

"Is that true Vince?" tanong ni mommy sa kanya. Helplessly denying my accusation to him

Sinulyapan ako ni Vince pagkatapos ay binalingan si mommy tsaka umiling. "Ofcourse not—"

"It's true Tita." singit ni Sheena sa usapan.

"Oh God!"

Nagpantig ang tenga ko sa pag amin ni Sheena kaya wala sa sariling sinugod ko siya ng sampal. Lumaban siya sakin at sinabunutan ako. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng ulo kp dahil sa sabunot niya.

"My God anak! Tama na yan! Vince pigilan mo!" rinig kong sigaw ni mommy.

Hindi ko siya pinansin hanggang sa naramdaman ko na lang ang paghihiwalay naming dalawa.

"Tama na yan! Stop it both of you!"

"Ikaw ang tumigil!" balik kong sigaw kay Vince.

"Don't shout at my fiancè!"

Nanlumo ako lalo at lalong napahagulgol. Susugod sana muli ako nang biglang sumigaw si mommy.

"Anak! Jusko! Dinudugo na ang kamay mo!"

Pagkasabing pagkasabi ni mommy noon ay saka ko lanv naramdaman ang sakit ng kamay ko kung saan nakatusok ang dextrose ko, dugo na ang halos kalahati sa host ng dextrose ko roon. Ramdam ko na rin ang sakit ng ulo ko dahil sa sabunot ni Sheena bago ako tuluyang nawalan ng malay.

"Honey are you okay?"

"Anak..."

Inalalayan ako ng nurse na nasa gilid para maupo.

"It's okay Ma'am. Huwag lang po kayong masyadong mag gagagalaw dahil baka duguin na naman ang dextrose niyo." ani ng nurse na umalalay sakin.

Tumango lang ako sa kanya at hinarap na sina mommy at daddy pagka alis na pagka alis nung nurse.

"How are you feeling anak?" tanong agad ni mom.

I smiled at her assuring I'm now okay. "I'm okay Mom."

"Parating na yung doktor, he'll check you up."

Umiling iling ako. "No need Dad, I just want to rest at home. Pwede na ba tayong umuwi?"

Nagkatinginan muna sila sa isa't isa bago binaling ang tingin sakin.

"Pwede ka na raw umuwi sabi ng doktor kanina. Just don't stress your self. But," ani ni mommy at tumingin ulit kay Dad. "Your Dad wants to admit you for few more days, to avoid what happen you earlier."

"No need Mom. Dad, makakapag pahinga naman ako sa bahay."

Bumuntong hininga si Daddy at hinilot ang kanyang sentido bago pilit na tumango.

Inayos nila ang lahat ng kailangan sa hospital. Binisita ko pa ang kuwarto ni Gino bago ako tuluyang tinawag ni Dad para umuwi na. Hindi ako nakalapit kay Gino dahil nandiyan pa rin si Joyce na nakatulog na habang hawak hawak ang kamay niya.

"Sino nga pala yung lalaking tinititigan mo kanina dun sa ospital anak?" tanong ni Dad habang nag da drive.

"Kanina ko pa nga rin tinatanong yan Dad e,"

Sumulyap ako sa rearview mirror ng kotse only to found out na parehas silang nakatingin sakin. Ibinalik ko ang pagkaka pangalumbaba ko sa bintana.

"Wala po, kaibigan ko lang."

"Wala akong kilalang kaibigan mo na naospital rin katulad mo."

Nagkibit balikat lang ako at isinandal ang likod ko sa upuan tsaka pumikit. Umiiwas sa mga tanong nila dahil hindi ko rin alam kung papaano sasabihin sa kanila.

Sinilip ko ang salas para makita kung nandoon pa ba si mommy. It's been days since I got home from hospital and mommy's being paranoid! Ni ayaw niya akong palabasin na mag isa especially when I drive my own new car. Ayaw daw niyang maulit ulit yung nangyari sa akin noon.

Dahan dahan akong naglakad palabas at pinihit ang door knob.

"Krystal? Saan ka pupunta?"

Shit! Mahinang usal ko. I turned around and saw Mom. Nakataas ang isa niyang kilay sakin with her cross arms.

"I will visit Gino, Mom. Mabilis lang ako."

"'Yan ba yung kaibigan mo na comatose rin?"

Tumango ako. Nagpakawala ng buntong hininga si mommy pagkatapos ay tumango.

"So that's a yes?" I asked.

"Yes, but you will not drive. Magpahatid ka sa driver natin."

"Thanks, Mom." I said and bid my goodbye to her.

Pagkarating na pagkarating ko sa ospital ay lakad takbo kong tinahak ang kuwarto ni Gino. Kunot noo pa ako nang makarating nako sa tapat ng pinto niya dahil nakakarinig ako ng tawanan at hagikgikan sa loob. Sinubukan ko pang tignan ang paligid ko dahil baka nagkamali pako ng kuwarto. Tama naman. Pinihit ko ang door knob at pumasok sa loob.

"G-Gino?..." I said with my shocking face.

Nawala ang ngiti ng dalawa sabay bumaling sakin. Natigil rin ang tawanan at hagikgikan nila tsaka kunot noong nagtanong sakin ang lalaking nakaupo ngayon sa kanyang hospital bed.

"Excuse me? Who are you?"

Guide my Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon