Chapter 2

25 11 6
                                    

Chapter 2

Follow





"My girlfriend..." sagot niya.

Lumapit siya sa babae pagkatapos ay tumabi sa kanya. Tumigil na ngayon sa pag-iyak ang babae at nakatingin na lang ngayon sa mukha ni Gino.

"Love... Kailan ka ba gigising diyan?" sabi ng babae sa nakapikit na si Gino.

"Kinakausap ka niya kahit di mo naman siya naririnig dahil wala kang malay." ani ko nang wala sa sarili at nakatingin lang sa babae na hinahaplos ngayon ang mukha ni Gino.

I heard him chuckled pero halatang may sakit doon sa pagtawa niya.

"Hindi niya alam na naririnig ko siya ngayon. Kahit na hindi pa ako gumigising."

Napatingin pa rin ako sa babae na panay ang kausap kay Gino kahit na wala namang malay ang katawan niya.

"Anong pangalan niya?" I ask.

"Joyce Madrigal."

"Girlfriend mo lang?" kuryoso kong tanong.

He giggled. "I actually want to propose to her. I'm preparing for my proposal. Bumili na nga ako ng singsing e, pauwi na sana ako noon then a heavy truck hit my motor. Ayun, tumilapon ako at nabagok ata ang ulo sa isang malaking bato sa daan. Good thing I survived but still unconscious until now."

Parang may humaplos sa puso ko nang sinubukan niyang patuyuin ang luha ni Joyce pero tumagos lamang siya dito.

"Gino, I'm sorry, ang hirap rin pala ng pinagdadaanan mo tapos napagsalitaan pa kita kanina."

Hindi ko napigilan at may tumulo na ring luha sa mga mata ko dahil sa nasasaksihan.

"Hey, hey, hey, I said it's okay now. Alam ko naman ang nararamdaman mo." pang-aamo niya sa akin.

Akma akong magsasalita muli nang makita ko si Joyce na tumayo.

"Uuwi na ako love ha? Pa gabi na kasi e. Bibisitahin na lang kita ulit sa susunod na araw ha? Magpagaling ka. Sana sa pagdalaw ko magising ka na. I love you..." ani ni Joyce at pinatakan ng marahan na halik si Gino sa labi at sa noo.

It warmed my heart to see her really in love with him. Nakita ko rin 'yon sa mga mata ni Gino. Mukhang mahal na mahal nga talaga nila ang isa't isa.

Kinuha ni Joyce ang bag niya pagkatapos ay lumabas na sa kuwarto.

"Come on, let's follow her. Ihatid natin siya." paanyaya niya sa 'kin.

Nagtaka ako bigla sa tinuran niya. "Paano mo siya ihahatid?"

Bahagya siyang natawa. "Susundan ko lang siya hanggang sa makarating siya ng ligtas sa bahay pauwi. At least doon, nakasisiguro ako na walang masamang mangyayari sa kanya kahit na nakasunod lang ako."

I smiled. "You really love her that much hmm?"

Makahulugan niya lang akong ningitian. "Ano? Sasama ka ba?" tanong niya.

"Oo naman 'no!" I said at nagpatiuna na sa paglalakad.

Sa labas na ng ospital namin naabutan si Joyce na naglalakad. Nakasunod lang kami sa likod niya hanggang sa makarating siya sa isang condominum di kalayuan sa ospital.

"Dito ba siya nakatira?" tanong ko.

Pumasok kami sa loob ng condo kahit hindi imbitado. Hindi naman kami nakikita e.

Guide my Soul (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon