Chapter 8
Still
"Kanina ka pa ba?" Gino ask me.
Umiling ako. "Nope! Halos kararating ko lang..." I lied.
He nodded. "Bakit hindi ka pumasok?"
I place a small smile in my face. "Uhm, I think you two needs privacy?"
Tumawa siya na parang may mali sa sinabi ko. Wala naman di ba?
"Hindi ka naman na iba sa 'kin. Your my friend."
Shit! Friend daw. Biglang may dumalaw na pait sa lalamunan ko. Umiling iling ako at winala ang sarili sa iniisip.
"Anong iniiling-iling mo diyan?" tanong niya.
"Wala! Hindi mo pa ba susundan si Joyce? Umalis na siya di ba?"
"Ah yeah... Let's go?" anyaya niya.
Nilahad niya ang kamay niya pero tumango lang ako at tumayo. Hindi 'yon tinanggap. Nakita kong tumabi siya sa 'kin nang papalabas na ng ospital.
Napatigil ako bigla nang makitang may lalaking humarang sa harapan ni Joyce.
"Si Mark na naman?" tanong ko.
"Mukhang sinasadya niya talaga habang hindi pa ko nagigising." sabi ni Gino.
Paglingon ko sa kanya ay kita ko na naman ang pagtitiim bagang niya, paglingon ko sa kamay niya ay parehong nakatiklop ang mga kamao. Hinawakan ko 'yon katulad kung paano niya ako awatin kina Vince noon. Lumambot ang expresyon ng mukha niya nang mapalingon sa 'kin. I gave him a small smile to assure him that it's alright.
"Baka naman mabuti ang intensiyon niya di 'ba? Huwag ka munang mag-alala." sabi ko.
Huminga siya ng malalim pagkatapos ay sinabihan kong lumapit kami sa kinaroroonan nina Mark at Joyce.
"Bakit nandito ka na naman?" said Joyce, irritated.
Tipid na ngumiti si Mark pero nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Gusto lang sana kitang ihatid? Pwede ba?"
"Hindi, makakaalis ka na." sabi ni Joyce at naglakad na pero hinablot ni Mark ang kamay niya.
"Ano ba Mark! Bitawan mo 'ko!" ani ni Joyce, nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ni Mark.
Umambang susugod si Gino pero napatigil siya dahil hinila ko ang kamay niya pabalik. Umiling ako nang hindi nagsasalita. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin at pinagpatuloy ang gagawin nila.
BINABASA MO ANG
Guide my Soul (COMPLETED)
General FictionKrystal Del Rosario is ready to have a beautiful and happy life because she will getting to be married in no time. Not until one accident happened. Ang aksidente niyang iyon ang naging dahilan kung bakit siya naging kaluluwa. She doesn't believe she...