Chapter 1
Close
"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko sa katabi ko.
Nakaupo kami ngayon sa bench sa labas ng ospital. Dinala niya ako dito para mahimasmasan daw ako kahit kaunti at matanggap ang nangyayari ngayon sa buhay ko.
"Gino... Gino Hidalgo." maikling sabi niya.
"Ikaw?" tanong niya kapagkuwan.
Tipid ko siyang ningitian. "Krystal Del Rosario."
Tumango siya pagkaraan ay bahagyang tumawa
"Bakit ka naman tumatawa? May nakakatawa ba sa sitwasyon natin ngayon?" takang tanong ko. Tumaas na rin ang isang kilay ko dahil hindi ako natutuwa sa nangyari sa akin.
Umiling iling siya pero nakangiti pa rin. Baliw ata 'to.
"Wala lang. Naisip ko lang bigla. Nagka instant friend yata ako ngayon after two months." aniya at nakangiting bumaling sa akin.
Lumalim ang gatla sa noo ko at napataas ng isang kilay sa kanya. Nawala ang tawa niya ng makitang tahimik ako at ang reaksiyon sa mukha ko. Close na ata kami?
"Ah ganon? It's okay. Bahala kang gumala-gala diyan ng mag isa." aniya at biglang tumayo pagkatapos ay tumalikod at naglakad palayo sa akin.
"Hoy! Teka! Ang sensitive naman! Oo na nga! Friends na tayo! Huwag mo lang akong iwan, okay?" sabi ko at luminga-linga pa sa paligid.
"Baka mamaya may makita akong white lady dito..." ani ko at niyakap pa ang sarili.
Bumaling siya sa akin ngayon na natatawa.
"Don't worry, hindi ka naman matatakot sa kapwa mo multo." aniya at humalakhak pa.
Akma akong magsasalita nang may mahagip ang mga mata ko.
"Si Vince!" wala sa sariling sigaw ko na nagpalingon sa katabi ko.
"Sinong Vince?" tanong niya.
Bumaling ako sa kanya. "Fiancee ko."
"Oh..."
Tumango ako at hinila siya. "Tara, sundan natin siya. Sigurado akong dadalawin niya ko." masayang sabi ko.
Tumango siya at sumunod sa akin. Sinundan ko kung saan pupunta si Vince. Tama nga ako. Papunta ito doon sa kuwarto ko sa ICU.
Nakita kong hinahaplos-haplos niya ang kamay kong walang nakasalaksak na dextros. Minsan niya ring hinaplos ang nakabenda kong ulo tsaka hinalikan 'yon. Nag init ang mata ko sa tagpong 'yon.
"Vince..." mahinang bulong ko nang mapansin na nagpunas siya ng luha niya.
"Boyfriend mo pala 'yan," biglang sabi ng katabi ko.
Nilingon ko siya tsaka tumango. "We're planning to get married. This year sana. He just proposed to me last month. And then this happened..." sabi ko. Nababasag na ang boses dahil sa nakita kong kalungkutan sa mga mata ni Vince kanina.
"Paano ba ako makakabalik sa katawan ko? Gino please help me." sabi ko sa kanya, nagsusumamo.
Malungkot siyang bumuntong hininga.
"I'm sorry, hindi ko rin alam. Dahil kung alam ko, matagal na sana akong bumalik rin sa katawan ko."
Mangiyak ngiyak akong bumaling ulit sa pintuan nang bumukas 'yon. Lumabas na si Vince sa kuwarto ko tsaka niya sinalubong sina Mommy.
"Tita... Kumusta na po si Krys?" tanong niya pagkatapos umupo sa tabi ni Mommy.
Bumaling si Mommy sa kanya pagkatapos ay tipid na ngumiti. "She's fine now. Ang sabi ng doctor, comatose daw. Hindi pa alam kung kailan siya magigising... God! Vince! Bakit nangyari sa anak ko 'to?!" sabi ni Mommy na tuluyan nang umiyak ngayon.
Mommy...
Tinapik tapik siya ni Vince tsaka inalo at pinatahan. "It's okay Tita... Everything will be alright. Don't worry too much. Makakasama pa sa inyo 'yan. Let's just pray for her na sana gumising na siya."
"Vince... Nandito lang ako." sabi ko habang may naglalandas na luha sa mga mata ko. Sinubukan ko siyang hawakan sa mukha pero lalo lang pinunit ang puso ko nang tumagos lang ako sa kanya.
"Stop that... Hindi ka naman din niya nakikita. Nagpapagod ka lang."
Masama ang tingin kong napalingon sa katabi kong si Gino.
"Hindi mo lang alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon! Kaya 'wag kang magsalita ng ganyan!" pasigaw kong sabi sa kanya habang patuloy sa pagluha ang mga mata ko.
Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko kaya napaatras siya. Hindi ko siya pinansin at itinuon muli ang atensiyon ko kay Vince at mommy.
Pinilit kong tumahan mag-isa nang makitang kumalma kalma na rin si Mommy. May dumating na doktor pagkaraan at kinausap sina mommy. Namalayan ko na lang na inililipat nila ang katawan ko. Sinundan ko sila hanggang sa makarating sa isang kuwarto. Kulay puti lahat 'yon. Mukhang pribadong kuwarto rin 'yon. Doon nila dinala ang katawan ko at inayos sa pagkakahiga sa bagong kama na naroon sa kuwarto.
"Stable na ang lagay ngayon ng pasyente. Kailangan na lang po natin siyang hintayin na magising." sabi ng doktor kina mommy.
Tumango si Mommy at nagpasalamat sa doktor. Nagpaalam naman si Vince na aalis na siya. Tinanguan lang siya ni Mommy.
"Gin—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin na wala si Gino sa likod ko.
"Gino?" tawag ko pero wala akong narinig na sumagot.
Lumabas ako ng kuwarto at nagpunta doon sa ICU kung saan ako nanggaling. Nang makarating ako doon ay walang Gino na bumungad sa akin. Saan na nagpunta 'yon? Nilibot ko pa ang ibang lugar ng ospital mahanap lang siya. Nagpalinga linga ako at nakakabungguan na nga ang ibang tao sa ospital pero hindi ko alintana 'yon dahil tumatagos lang naman ako sa kanila.
Napatigil naman ako sa paghahanap nang may reyalisasyon na bumuo sa akin. Napagsalitaan ko nga pala siya kanina. Baka naman nagtampo na 'yon sa 'kin? Kailangan ko siya lalong mahanap.
Naglakad lakad pa ako sakaling may mahanap ako na kaluluwa na Gino ang pangalan. Napaatras ako bigla nang may makitang umiiyak na babae. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang katawan ni Gino?! Si Gino nga!
Lumusot ako sa pintuan para makapasok sa private room. Nakita ko doon ang isang babae na nakahawak sa isang kamay ni Gino na walang nakasalaksak na dextros. Nakayuko ang babae habang hawak ang kamay ni Gino at tila naririnig ko ang paghagulgol niya.
"Anong ginagawa mo dito?" napapitlag ako bigla nang may magsalita sa likuran ko.
"Nakakagulat ka naman!"
He raise his eyebrow. "So what now? Bakit ka nga nandito? Paano mo nalaman kung saan ang kuwarto ko?"
I slightly breath. "Sorry..." mahinang sabi ko.
Hindi siya nagsalita at kumunot lang ang noo kaya dinagdagan ko pa ang sinabi ko.
"Sa kanina... Sorry... N-Napagtaasan yata kita ng boses," nahihiya kong saad.
"It's okay, I understand. Mahirap lang talagang tanggapin ang kalagayan natin ngayon." aniya
Tumango ako at muling napatingin sa mismong katawan niya na nakahiga sa kama.
"Dito pala ang kuwarto mo?" tanong ko.
Tumango siya. "Hmm... Dito nga ako naka confine... For almost two months now."
Malungkot akong napatango sa kanya. Bumaling ako sa babaeng nakatungo pa rin sa kanya hanggang ngayon.
"Sino siya?" tanong ko kay Gino.
Bumaling siya sa tinitignan ko pagkatapos ay bumaling sa akin.
BINABASA MO ANG
Guide my Soul (COMPLETED)
Ficción GeneralKrystal Del Rosario is ready to have a beautiful and happy life because she will getting to be married in no time. Not until one accident happened. Ang aksidente niyang iyon ang naging dahilan kung bakit siya naging kaluluwa. She doesn't believe she...