CHAPTER 17: JUNTIS

1.1K 25 0
                                    

Hyejin's POV

napuyat kami ni Jimin Kagabi Grabe, Teka ambaho naman, napatingin ako sa katabi ko na natutulog pa den, Hshs Tulog mantika talaga kahit kelan tong lalaki nato.

tumayo na ako At Pumuntang Banyo, Naghilamos muna ako Bago mag sipilyo, Tinitigan ko muna ang sarili ko sa salamin, Taena Bakit ang Ganda Ganda Mo Hyejin?

Magmumumog na sana ako ng Bigla akong makaramdam ng Di maganda, Para akong...

dali dali akong Tumungo sa bowl, Duon ko Inilabas lahat. aww di maganda umaga ko ata ah.

"okay ka lang ba?" gising na pala sya, Tumango lang ako, inilalayan nya ako sakto nahihilo ako.

"Yah Jimin ang Baho mo naman" ani ko Huhu Totoo naman ah. "Ay nako Baby Hyejin ang bango bango ko kaya" sagot nya, ang baho kaya nya.

"Heh! Basta mabaho ka, Luto mo na lang ako fries saka Kuha mo na den ako Ice Cream AHEHEHE" bakit ba? ilang araw na ako nag cracrave duon eh Ewan ko ba.

"Opo Boss" aniya saka ngumisi, aba aba bakit sya ngumingisi?!

---

Jimin's POV

bago ako lumabas ng kwarto kinuha ko muna ang pregnancy test na binili ko nung isang araw, malakas ang pakiramdam ko na buntis sya.

uwu shooter ka talaga Jiminssi galing mo Talaga kahit kelan naks! anyway bago pa ako hiyawan ng dragon na yun ay kinuha ko na ang fries sa Ref saka niluto.

pagkatapos ko lutuin ang fries ay kinuha ko ang ice cream sa freezer, nilagay ko parehas sila sa isang tray saka binitbit papuntang kwarto.

pagpasok ko, agad nagniningning mata nya, akala ko naman sa kagwapuhan ko yun pala sa pagkain -_-

"eto na madam ang umagahan mo" ani ko saka ngumisi, Agad syang kumain, lintek ganito ba to pag naglilihi kung sakali man na buntis sya? para talaga syang dragon huehue.

"anong tinitingin tingin mo sakin pandak ah?!" aniya saka ako sinamaan ng tingin, grabe umagang umaga galit na galit gustong manakit, pero nu daw pandak daw? wow ah mas maliit sya sakin ng 5 inches.

kamot batok akong pumwesto sa tabi ng kama, agad kong binuksan ang tv, oo nga pala hindi na kami papasok dahil nag resigned na ako sa trabaho at nalaman na din ng school director ang tungkol sa amin ni hyejin.

pero who cares asawa ko to, agad ako napatingin kay hyejin at Agad agad ako napanganga, pota ubos agad?

"Hehehe" napatampal ako sa noo ko,

---

Hyejin's POV

Grabe Nag cracrave talaga ako sa ice cream at fries :< Gusto ko yun lang kinakain ko ngayon at magpakailanman huehue.

"Hyejin babes siguro buntis ka noh?" ani ni jimin habang tinataas baba ang kilay nya saka nakangisi, nanlaki ang mata ko saka sya hinampas.

huhu subukan lang nya talaga huhu, pero pano kung tama nga sya? pano kung buntis nga ako?

"okay lang yan Hyejin Mag asawa naman tayo saka normal naman sa mag asawa ang magkaanak" ani nya saka ako niyakap, ang baho talaga nya ampots.

"Ang baho mo Talaga Park Jimin" ani ko, totoo naman ih, maya maya may nilabas sya galing sa bulsa nya, teka bat sya nagkaron ng pregnancy kit?

"wag ka na magtaka hyejin babes, bumili ako nyan ng palihim pagkatapos nung may nangyari satin lam mo na Baka may Little Chimchim na dyan Huehue" aniya habang nakangisi, tinitigan ko ang pregnancy kit, ayoko madissappoint.

"tiwala lang hyejin edi pag wala edi gawa tayo ulit easy lang" nakangisi nyang sabi kaya hinampas ko sya, kahit kelan talaga sya puro kalokohan.

"Okay Pero Ayoko Madissappoint" ani ko saka sya nag thumbs up, kinuha ko na ang pregnancy kit sa kanya saka pumunta ng cr.

---
nag iintay ako ngayon ng result, pota kinakabahan talaga ako, ayoko madissappoint sa gagawin ko nato.

isang guhit palang nakikita ko wah.

pinikit ko ang mata ko..

sana matupad na ang hiling na gusto ko..

agad kong iminulat ang mata ko, nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

OMG!!!!!!

"KYAHHHHHH" Agad kong sinalubong ng yakap si Jimin na nakaupo sa kama.

"A-Anong result?" tanong nya, ngumiti ako sa kanya "magiging magulang na tayo Jimin" agad nya ako niyakap ng mahigpit.

"I LOVE LOVE LOVE LOVE YOU Hyejin at sa magiging anak natin" aniya, ngumiti ako pabalik sa kanya.

"I Love You too My Chimchim"

My Professor HusbandWhere stories live. Discover now