Jhope's POV
masaya akong nakatingin sa mga magjojowa na yan, sa totoo lang naiinggit na ako sa kanila, gusto ko na kasi talagang maikasal at magkapamilya pero hindi pa dumadating si Ms.right.
naalala ko nanaman yung babaeng nakasabay ko sa cvs, ang ganda nya talaga, gustong gusto ko sya makita ulit pero parang imposible na.
"okay ka lang ba hobi?" napaangat ang tingin ko, si namjoon lang pala, tumango ako.
"parang hindi eh, sige na sabihin mo na" aniya, hindi ko na kaya itago to, habang tumatagal mas naiinggit at natatakot ako na tumanda mag isa.
"Naiinggit lang kasi ako sa inyo kasi kayo tingnan nyo ikakasal na at masaya na sa buhay kasama ang mahal nyo sa buhay, samantala ako eto single pa din, hindi ko nga alam kung mararanasan ko pa bang magkapamilya" ani ko, muka sya nagulat sa sinabi ko, well muka naman talaga kasi tuwang aasarin nila ako sa pagiging single ko at binibiro ko na lang sila.
pero ngayon kasi iba, ibang iba dahil matagal na akong ganito, gusto ko din kasi maranasan lahat ng ginagawa nila.
"alam mo hobi wag ka mag alala darating lang ang tamang babae sayo tiwala ka lang" aniya saka ako nginitian, ngumiti na lang ako pabalik.
---
nagpaalam na muna ako na aalis ako saglit, di naman kasi nila sinabi na mag camping kami dito kina hyejin eh, Pupunta muna ako sa cvs para bumili ng mga maiinom namin.
sumakay na ako ng kotse saka nag drive papuntang dorm dahil kukuha muna ako damit, pagkarating ko ay agad agad ako pumasok at kumuha ng damit, pagkatapos ko at pumunta ako sa cvs.
nag park ako ng kotse saka lumabas, pero paglabas ko ay may nakaagaw agad ng pansin ko.
ang babae..
nakaupo sya sa isang puno habang mag isang umiinom, gusto ko sya lapitan pero pano? gusto ko sya makilala pero nahihiya ako.
aish bibili na muna ako para makapag isip isip ako, pumasok na ako sa cvs saka binili lahat ng bibilin ko, paglabas ko ay biglang umulan ay boset, Kinuha ko agad ang payong sa kotse, Napatingin ako sa babae na hanggang ngayon anduon pa din.
okay hobi this is it!
Binuksan ko ang payong saka dali daling pumunta kung saan nakaupo ang babae.
"okay ka lang ba miss?" tanong ko kaya sya nag angat ng muka.
---
Joy's POV
dito lang ako nakatambay sa puno, hindi ko pa din talaga matanggap na wala na..
na wala na ang lalaking iniingatan ko.
ang lalaking mahal ko..hindi pa sya patay, he cheated on me with my friend yeri, diko alam kung ano ba mararamdaman ko pero ang alam ko lang sobra pa rin ako nasasaktan.
nakaupo lang ako dito, wala akong pake kung nababasa man ako.
"Okay ka lang ba miss?" napaangat ako ng tingin, teka eto yung lalaki na nakasabay ko kahapon ah?
"o-okay lang ako iwan mo na ako" ani ko saka sya iniwasan ng tingin, pero makulit hindi nya ako iniwan at sinamahan nya pa ako umupo.
"Hindi ka okay eh" ani nya saka ngumiti, ang ngiti nya grabe..
parang mawawala ang lahat ng problema mo pag nakita mo sya,aish ano ba joy hindi pede yan Masyado ka naman marupok.
"Im Jhope BTW" aniya saka nilahad ang kamay nya, tinitigan ko muna ang kamay nya.
ngumiti ako, buti pa sya andito..
"im joy.." sagot ko saka nakipag shake hands.
---
andito pa din kami ni jhope at nag kwekwentuhan, grabe gumaan ang loob ko sa kanya, salamat talaga at nakilala ko to.
"anyway may kaibigan ka ba? kasi parang pansin ko lagi ka mag isa?" tanong nya, bumuntong hininga ako, meron nagkawatak watak kami.
si irene at wendy umalis para maging soloist, si yeri umalis din at niloko pa ako, si seulgi wlaa na din at nagtuturo na din sa isang university.
"a-actually meron kaso nagkawatak watak kami dahil bumukod na sila" sagot ko, nanlaki ang mata nya, ngayon lang ba sya naka encounter ng ganito? anyway ang cute nya magulat.
"Tara J-Joy Mabuti pa Sumama ka na muna sakin ipapakilala kita sa mga kaibigan ko para na din hindi ka na malungkot" aniya saka ngumiti.
tumango na lang ako saka ngumiti.
siguro nga kailangan ko maging masaya..
---
Jhope's POV
to be honest nagulat ako ng malaman ang kwento nya, siraulo pala ang jowa nya para lokohin ang babaeng tulad nya, kagigil ah?
pero yung kinuwento nya na tulad sa kaibigan nya ay parang familiar, parang naikwento nato ni irene at wendy.
aish anyway sinama ko sya kina jimin para naman makilala sya neto at maging masaya din sya, ayoko sa lahat yung may makitang tao na sobrang lungkot, gusto ko happy lang.
andito na kami ngayon kina hyejin, "let's go?" tanong ko, ngumiti sya sakin, ang ganda nya talaga.
lumabas na kami ng kotse at pumasok na, pumunta kami sa garden at naabutan ko na nagsasaya sila pero agad silang natigilan lalo ng makita ang kasama ko, napatingin ako kay joy na ganon din ang muka.
"J-Joy? OMG! Joy!!!" agad syang sinalubong ni ,Irene at Wendy, teka magkakilala sila.
"magkakilala kayo?" tanong ko, tumingin sakin si joy na naiiyak,
"Oo S-Sila ang mga kaibigan ko" aniya saka niyakap ng mahigpit sina irene, eto yung unang beses ko silang makitang umiiyak.
lumapit sakin sina namjoon at taekook habang si jimin at Yoongi ay nasa bebe nila.
"san mo sya nakita hyung?" tanong ni taehyung sakin.
napatitig lang ako kay joy na sobrang saya na, bagay sa kanya ang pangalan nya.
"Hyung woi"
diko talaga akalain na makikilala ko ang babaeng nagpatibok ng puso ko una palang..
"Jung Hoseok Woi!"
"Ay Putakte ka! grabe naman bat kayo nanggugulat?" ani ko kaya tumawa sila, mga siraulo talaga toh.
"Saan mo sya nakilala?" tanong ni namjoon sakin, ngumiti ako sa kanya, naalala ko nanaman kung pano kami nagtagpo at Kung pano ako nainlove ng makita sya.
"mahabang storya" ani ko saka ngumiti, nagkatinginan silang tatlo sabay ngisi, aba aba ano nanaman naisip netong tukmol nato?
"inlove ka noh?" nagulat ako sa tanong ni jungkook sakin.
"Oo bakit angal ka?" ani ko kaya sya nagkamot batok.
Mahal ko na ang babaeng nakilala ko palang..
hindi ko alam pero etong nararamdaman ko ay espesyal talaga para sa kanya.
siguro nga tama si namjoon, sa tagal kong pagiging single siguro nga ngayon ko na matatagpo ang babaeng iyon.
siguro nga si Joy Iyon.
YOU ARE READING
My Professor Husband
Любовные романыhe is professor and She is student.. *** My Proffesor Husband Written By: AestheticMelon Since 2020-2021 All Rights Reserved