Prologue

10 1 0
                                    

HTTABB - PROLOGUE

PH HIGH




ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW


"Hindi ko naman kasalanan yun e, pero sinisisi parin nila ko!" Reklamo ni Eugene.


"Tumahimik ka nga." Sabi ko at napapikit sa frustrasyon. "Nangyari na e, ano pa magagawa natin?"



Bumuntong-hininga siya. "Sorry talaga, Ate."


"Tsk. Wag ka sa'kin magsorry, kay Nanay." Sabi ko at pumasok na sa bahay.


Nakapasok nanaman kasi etong magaling kong kapatid sa gulo kasama ng mga kaklase niya. Nagbugbugan ba naman, tapos yung mga binugbug niya, ayun nasa ospital, hindi padin nagigising. Kaya ayan, naexpell siya.


"Hoy, bata ka!" Narinig ko yung boses ni Nanay at yung mga yapak niya.


"N-Nay..." Halatang takot na siya at nagtago sa likod ko. Kahit magtago ka diyan, matatamaan at matatamaan ka padin.


"Matigas talaga iyang ulo mo!" Tinanggal ni Nanay yung tsinelas niya at binato iyon kay Eugene.


"Sorry, Nay!" Paiyak na siya.


Kinuha niya ang kabila niyang tsinelas at pinuntahan si Eugene at pinalo ang pwet. "Hindi ka man lang nahiya sa ate mong magdamag nagtratrabaho para diyan sa tuition mo pati para sa tatay nyo!"


"Nay..."pagpigil ko.


"N-Nay, pangako! Hindi na po mauulit!" Nagmamakaawa na si Eugene.


"Iyan din sabi mo dati!" Sarkastiko siyang tumawa. "Tignan mo nangyari!"


"Sorry na, Nay!"


Bumuntong-hininga si Nanay at tumingin sa'kin. "Sa'yo na yung inipon mo para dito sa tuition ng magaling mong kapatid, ha?"


Lumaki mata ko. "Po?"


"Nay!" sigaw ni Eugene.


"Wag ka na magsayang ng pera dito!" tinuro niya si Eugene. "Nagpapaexpell lang naman. Sayang lang paghihirap mo, anak."


"Nay. Okay lang po ako." Tinignan ko yung kapatid ko na nakaupo sa sahig. "Kakausapin ko na lang po si Eugene."


Umiling nalang si Nanay, dahil alam niyang wala siyang magagawa. "Masyado kang mabait diyan sa basagurelo mong kapatid." At nagwalk-out siya.


"Ikaw kasi e." kinamot ko ang ulo ko at pinagalitan pa si Eugene.





"ANO nang plano mo, te?" tanong sa'kin ni Eugene habang kumakain ng sardinas na linuto ko.


"Edi lilipat tayo ng school."


Iniisip kong gamitin yung scholarship na meron ako sa PH High... Hindi ko sinabi sakanila na meron ako non dahil ayoko namang iwan ng mag-isa tong si Eugene. Pero ngayon na nakaipon na kong pang-tuition ni Eugene, pwede na. Alam ko namang kakayanin ni Eugene don dahil ubod rin ng talino yan kahit hindi halata.


"Saan?" tanong nito.


"PH High." seryoso 'kong sabi.


Nilingon ko siya at nakitang bahagyang lumaki ang mga mata niya, malamang hindi siya nananiniwala na may pera akong ganon. Sampu ba naman na part-time ang kunin mo, hindi ko nalang alam kung hindi pa ko makakaipon.


"H-Ha?" Ngumuya siya. "Paano?"


"Nakapagipon ako para sa tuition mo." Sumubo na din ako ng sardinas.


"Ko? Pano ka?"


Hinilot ko ang sentido ko. "May scholarship ako dun."


Kinagat niya ang pangibabang labi niya at halatang sobra na siya nagsisisi.


"Basta..." Tinignan ko siya ng seryoso. "Wag ka nang makikipag-away, ha? Mayayaman ang mga andon."


Ngumuya siya at ngumiti. "Opo. Pangako."





_________________

To Be Continued.

How To Tame a Bad BoyWhere stories live. Discover now