HTTABB - 17REASON
ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW
Nang nakabalik ako sa kwarto ko ay hingal kong nilock ang pintuan. Delikado na, baka puntahan pa ko. Sumandal ako sa pintuang kakalock ko lang. Hanggang ngayon ay tumitibok padin ng sobra yung puso ko. I gripped my chest to make it stop beating abnormally. Dang it, Hayden Alonzo!
Napatingin naman ako sa bulsa kong puno ng sigarilyo at sa hawak kong pack. At least nadala ko yung mga 'to.
HAYDEN ALONZO'S POINT OF VIEW
Oh, Essie, Essie, Essie Sevilla...
Nakailang minuto na ako nakahiga sa kama ko habang nakatingin sa pader na nakangiti. Akala ko naman ay immune siya sa charms ko, I guess not. Napatawa ako sa naisip.
I still vividly remember how her face turned red, and how she stuttered. She looked extra beautiful when she blushed. Lumakas ang tawa ko.
Pagkatapos ng moment ko ay nakangisi akong lumabas. Anong oras na kaya siguro ay nagluluto na siya ng dinner. Ikinagulat ko naman nang nakita kong nakasarado ang ilaw sa kusina. Tinignan ko ang kwarto niya at lumapit don. Kumatok ako pero wala akong narinig na sagot.
"Es. Luto ka na! Gutom na koo!" Pandarag ko.
"Magluto ka ng mag-isa!" I smiled. She's back.
"Okay po."
Marunong naman ako magluto pero tamad lang talaga, kaya puro fast-food ang pagkain ko. Pumunta ako sa kusina at nagluto ng steak with mashed potatoes. Naghain ako ng plato sa table at sa movable table. Baka nahihiya pa siya kaya sa kwarto ko na lang siya pakakainin.
Pumunta ako sa pintuan niya kasama ang table na may pagkain at softdrinks. I knocked on the door.
"Andito pagkain mo, Es. Pinaglutuan kita. Kainin mo yan lahat!" Sabi ko at iniwan doon ang table at umupo sa sofa.
Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi niya padin kinukuha. Nagintay ako ng 30 minutes nang buksan niya ang pinto na nakahoodie at kinuha ang table. Pero bago niya masara ang pinto ay nilagay ko ang mga daliri ko don kaya naipit.
"Aray!" Pagexxagerate ko.
Agad naman niyang binuksan ang pinto at binaba ang hoodie niya. "Hala! Bobo kasi! Ba't mo nilagay don! Hindi nagiisip!"
Tumalikod siya at mas binuksan ang pinto. Napangisi ako nang pinapasok niya ko sa kwarto niya. Nung bigla siyang tumingin ay namalipit ulit ako sa sakit. "Aray! Ang sakit talaga, Es!"
"Bobo mo." Sabi niya at may kinuha sa drawer. First aid kit.
Umupo ako sa kama niya at tinabihan niya naman ako. Nakita kong lumunok siya nang tumingin sa tshirt ko. Ngumisi naman ako.
"Akina kamay mo." sabi niya sabay kuha ng kamay ko.
Habang nilalagyan niya ng ointment at ng kung ano-ano yung sugat ko ay nakatingin lang ako sa mukha niya. "Lam mo, okay lang naman na magwapuhan ka sa abs ko. Sanay naman ako."
Tinignan niya ko na para bang nandidiri at mas diniinan ang sugat ko. "Aray!" Masakit talaga yon!
"Wag ka nga. Kalimutan mo yon. Nabigla lang ako." Sabi niya at nakatutok padin ang atensyon sa sugat ko.
YOU ARE READING
How To Tame a Bad Boy
RomanceHayden Maddox Alonzo, your typical privileged asshole. He smokes, drinks, sleeps with girls like it's nothing and fails his classes but never gets in trouble. Maria Essie Sevilla, a great sister and daughter. She excels in her studies and is favored...