Chapter Two

1 1 0
                                    




HTTABB - 2

FIRST DAY





ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW


Naglalakad ako ngayon papunta sa homeroom ko. Pabalik-balik ang tingin ko sa may tapos sa dinadaanan ko. Napakalaki naman kasi ng school na 'to. Kamusta na kaya yong si Eugene? Nawala na kaya yon?


Pagkatapos ng mga dalawangpung minuto ay nakarating na ako sa classroom. Kumatok ako at nginitian yung adviser nila. Liningon ko ang mga estudyante na madesiplinang nakaupo at nakikinig. Syempre, first section 'to e. Nang napansin na ako nung teacher ay binalikan din niya ako ang ngiti at sumenyas na pumasok ako.


"Everyone, we have a new student." Liningon niya ako. "Please introduce yourself."


Napakamot ako sa batok at ngumiti sa harap. "Good Morning, I'm Essie Sevilla. It's nice to meet you all."


"Tol, chix."

"Ang ganda ng kutis niya."

"Ang ganda niya."



Napakagat ako ng labi sa mga nagbubulungan. "Please take your seat beside Mr. Chavez, Miss Sevilla."


"Okay po." Sino yon? Nilingon ko si Ma'am at tinuro niya naman ang lalaki na nasa may window, at nakikinig ng musika. Ayos din, nakaheadphones habang naglelesson si Ma'am. Napansin ko ding magkamukha kami.


Linapag ko yung bag ko sa sahig at kumuha ng notebook. Binuklat ko iyon at nagsimulang magsulat. Nakikinig ako ng maigi nang bigla akong may naramdamang titig sa kung saan. Luminga-linga ako at natantong yung katabi ko yung nakatingin. Yung Chavez daw.


Nagtaas ako ng kilay. "Bakit?"


"Who are you?" Nakahalukipkip at diretso na tanong nito. Okay? Sungit naman nito.


"Essie Sevilla, transferee."


Kumunot ang noo niya na parang bang nilalait niya yung buong sistema ko at tumango na.


Wirdo...


Nang naglunch na, ay agad naman ako pumunta sa cafeteria at naghanap ako ng mauupuan, buti nalang ay may mga tig-iisa at tig-dadalawa lang na upuan. Umupo ako dun sa two seaters. Mahinahon at kalmado akong kumakain nang may biglang sumigaw.


"Sabi ko strawberry milk. Mukha ba tong strawberry? Bulag ka ba, ha?" Lumingon ako dun at nakitang isang malaking lalaki na katabi ang isang petite na babae ang sumigaw.


"S-Sorry, Sir Hayden." Halatang takot na yung babae na nakatingin lang sa sahig. "Hindi na po mauulit."


Mas napalaki pa ang mata ko nang binuhusan nung Hayden ng strawberry milk yung babae. Gago! Huminga ako ng malalim at pilit na pinapaalala sa sarili na bagong dating ako. Bagong dating. Bagong dating. Pero hindi ko na kinaya ng akmang sasampalin niya yung babae.


Naglakad ako papunta sa eksena at hinawakan sa balikat iyong babae.


"Okay ka lang ba?" Tanong ko nang natantong nanginginig na siya. Hindi ko alam kung dahil ba yon sa lamig ng gatas na binuhos o sa takot.


"H-Huh?" Taka siyang lumingon sakin. "Uh... O-Oo."


Napabuntong-hininga ako at kinuha ang panyo ko galing sa bulsa at binigay sakanya. "Punasan mo yung sarili mo at tumayo."


Ngumiti naman siya at sinunod iyon. Sumabay na din ako sa pagtayo, at masamang tinignan yung Hayden na mayabang.


"Ano bang problema mo?" Humalukipkip ako at tinignan yung lalaki. Matangkad siya, pero matangkad din ako kaya hindi rin ganong kalaki yung height difference.


"Who are you?" Mataray na tanong nung babae.


"None of your business." Nang sinabi ko 'yon ay narinig ako ng madaming bulungan at pagkamangha.


"What the hell? Who is this bitch?" Akmang sasampalin niya ko pero nasalo ko yung kamay niya.


"Don't touch me." Mariin na sabi ko.


Halatang galit na galit na siya ngayon. Nilingon ko naman yung lalaki na masamang nakatingin sa'kin.


Tumaas ang kilay ko. "Oh ano? Hanggang masamang tingin ka lang ba?"


Ngumisi siya. "I can't believe this."


"Me neither." Sabi ko. "Such a big guy ganging up on a desperate girl, how pathetic."


Mapakla na natawa yung Hayden at dahan-dahang lumakad papunta sa'kin para abutin ang ID ko. Hindi ko na siya pinigilan dahil gusto ko ding malaman niya ang pangalan ko. "Essie Sevilla..." Dinilaan niya ang pangbabang labi niya. "You are quite fascinating."


Tsk. "Tse." Sabi ko sabay hawi sa ID kong hawak niya, kinuha ang kamay nung babae at hinila siya papuntang CR.





________

To Be Continued.

How To Tame a Bad BoyWhere stories live. Discover now