Chapter Eleven

1 0 0
                                    


HTTABB - 11

MOVE IN




ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW


Nagkaklase kami nang nagvibrate ang cellphone ko. Hindi ko iyon pinansin dahil nakikinig ako hanggang sa natapos ang klase namin. Chineck ko kung sino ang nagmessage at hindi na ko nagulat nang nakita ang number ni Gov.


Governor Alonzo:

Any progress?


I bit my lip and sighed deeply. Wala pang progress! As in, zero percent! Paano ko ba naman papatigilin sa pagbabaero non? That's like not my job! Well, it is, but its impossible! I bit my nail and just typed something.


Me:

Wala naman po siyang babae pag umaga. Hindi ko nga lang po alam kapag nasa bahay, Gov.


I tsked. Galing kong magrason. Good job, Maria Essie! Good job. Napawi ang saya ko nang nakitang na nagreply pa siya.


Governor Alonzo:

Talaga? Kung ganoon ay pwede ka bang pumunta ka dito sa office ko?


Ayoko nga!


Me:

May training pa po ako.


Bukas na ang sportsfest at kailangang nasa training ang lahat ng players.


Governor:

Pagkatapos.


Me:

Oks po, Gov.


I sighed and put my phone in my pocket. Marupok talaga ako pagdating kay Gov.




HAYDEN ALONZO'S POINT OF VIEW


"Alonzo, 3 points!" Sabi ng referee nang nakashoot ako.


"Ibarra! Ipasa mo yung bola kay Chavez!" Sabi ni Coach kay Joaquin.


Pinasa niya ang bola at nakashoot naman si Chavez at nagtimeout na.


Nagttraining kami ngayon. According to the dean, lahat daw ng kasama sa sportsfest ay makakapagskip ng limang subjects para makapagpractice for tomorrow. Kaya andito kami lahat. 


Ang volleyball team naman ay nasa kabilang side. Lumingon ako don at saktong nakita kong nakaspike si Essie. Nanood padin ako at namangha sa galing niya. Nakita kong nagtimeout sila at nakatitig padin ako sa mukha ni Essie. Maganda siya. Matangos ang ilong, maputi ang kutis, mapula ang labi, mahabang may pagkabrown ang buhok niya at napakaganda ng mga mata.

How To Tame a Bad BoyWhere stories live. Discover now