HTTABB - 3
APO NG GOVERNOR
ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW
"S-Salamat talaga, Essie." Umiiyak na ngayon yung babae habang pinapainom ko ng tubig.
"Walang anuman." Napabuntong-hininga ako. "Anong pangalan mo?"
"Ah, Stephanie Bulario. Steph for short." Sabi niya at ngumiti. She's too pure to be bullied like that.
"Bakit ka ginaganon nung Hayden na yon?" Binasa ko yung twalya at binigay sakanya.
"Ah, palagi siyang nambubully ng mga taong may scholarship, o nakapasok dito nang hindi nakakabayad." Halata padin ang takot sa mga mata niya. "Sinasabi na mahirap lang daw kami at wala kaming karapatan pumasok dito kaya ganon."
Umiling ako. Spoiled, privileged brat. "Tsk, ang sama ng ugali."
"Oo nga e." Pinunasan niya yung mukha niya. "Kaso hindi din ineexpell kahit anong gawin dahil apo siya ng Governor."
"Governor Alonzo?" Tanong ko.
Tumango naman siya. "Kaya nga sobrang namangha yung iba sa'yo kasi wala pang nakakagawa non kay Sir Hayden."
Napangiwi ako sa tawag niya dun sa halimaw. "Sir?"
Tumango ulit siya at umiling. "Yun daw dapat tawag sakanya, pati sa ibang mga shareholder's children."
Napanguso nalang ako. Walang equality dito sa eskwelahan na ito...
"Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa'yo. Grabe yung mga ginagawa niya. Tatak sa puso din yung mga sinasabi niya." Bumuntong-hininga siya. "Kaya nga lahat ng nabiktima niya ay nagdrop-out na. Hindi kinaya."
Tsk. Tsk. Ang sama ng ugali.
Humugot ako ng malalim na hininga. "Wag kang mag-alala, hindi ka na magagalaw non."
"Pero," huminto siya. "baka mabiktima ka niya..."
Tumaas ang kilay ko at umiling. "Hindi niya ko kaya."
Tumawa siya. "Sa tingin ko din."
HAYDEN ALONZO'S POINT OF VIEW
"Damn, bro." I heard Bren exclaim when we arrived in the SH Room. "First time yon ah?"
"She's so cool..." Sabi naman ni Joaquin. "Diba, Lan?"
Landon just nodded, as usual.
"Tss. Anong astig don?" Napailing ako. Wala! Walang astig don sa ginawa ng babaeng yon!
"I heard first section siya." Sabi ni Bren kaya bigla akong napalingon kay Landon na nakapikit padin. "Siya yung usap ng mga tao ngayon."
"Imagine mo naman, may pumatol na kay Hayden Alonzo, syempre boom!" Umakto pang may sumabog si Joaquin.
Tinapik-tapik ko si Landon para gisingin. Agad naman niya kong tinignan ng masama. "What do you want?"
"Essie Sevilla." Panimula ko. "You know her?"
He tsked. "Everyone does."
Kinamot ko ang ulo ko. "Kaklase mo daw siya."
Wala nanaman siyang sinabi kundi tumango. I raised a brow, wala talagang kwentang kausap to.
"Ano?" Tinignan ko siya, naghihintay ng sagot.
"What?" Inis na sabi niya.
"Dammit." Napamura tuloy ako. "Do you know anything about her?"
"No."
"Any family members?"
"I don't know."
"Friends?"
"I don't know."
Napapikit ako sa frustration. "Mayaman ba siya or what?"
"Probably not."
Tumaas ang kilay ko. "Scholar?"
"Yeah."
Ngumisi ako. Ang tapang-tapang tapos scholar lang pala.
Tinignan ako ng masama ni Landon. "What's with that smile?"
"Nothing..." Ngumisi ako lalo.
"Whatever you're planning, quit it, Hayden." Pagkatapo non ay tumayo siya, kinuha ang gamit niya na nakalagay sa sofa at naglakad palayo.
____________
To Be Continued.
YOU ARE READING
How To Tame a Bad Boy
RomanceHayden Maddox Alonzo, your typical privileged asshole. He smokes, drinks, sleeps with girls like it's nothing and fails his classes but never gets in trouble. Maria Essie Sevilla, a great sister and daughter. She excels in her studies and is favored...