HTTABB - 15
SECOND MISSION
HAYDEN ALONZO'S POINT OF VIEW
*kring* *kring* *kring*
I woke up at the sound of my alarm and blinked twice before sitting up. Tumingin ako sa tabi ko at nakitang wala na si Essie. I got up to wash my face and brush my teeth. Natandaan ko naman bigla yung nangyari kagabi and I unconciously smiled. Agad kong sinampal ang sarili ko ng malakas. She's just being a good friend, yup. Totally!
Umiling ako ng mabilis at tinuloy ang ginagawa ko.
Kagabi ay hinatid niya ko sa kwarto ko at inintay akong makatulog. Nakahiga lang kami pareho sa kama ko habang naguusap ng kung ano-ano, which is the first time I laid in the same bed with a girl without sleeping with her, and I never felt bored while talking to her, I felt happy. Which is something I haven't geniunely felt in a long time. Puro kami tawa at asaran kaya nawala sa isip ko yung naging usapan namin ni Dad, which I think was her goal the whole night.
Nang nakalabas na ko ay naamoy ko ang pancakes na niluto niya. My favorite. Nilingon ko siya at nakitang nakauniform na siya.
"Morning, boi." Sabi niya at lumingon sakin.
I smirked. "Morning, Es." Tumingin ako sa pagkain tapos sakanya. "Ang sarap ah?"
"Syempre, luto ko yan e." Mayabang na sabi niya na ikinangiti ko. Isa pa iyon sa napansin ko. Everytime I'm with her ay masaya ako. Is it a psychological thing? Maybe cause she's one of my best friends now. "Kain na!" Sabi niya at pumalakpak habang umupo.
Nilagyan niya ng dalawang pancake ang plato ko tapos yung sakanya naman. Pagkatapos namin kumain ay sabay na kaming pumasok. First time niyang sumabay sa'kin kasi umuulan. Palagi ko siyang inaaya pero ayaw niya daw. Kaya usually sinasabayan ko nalang yung taxi na sinasakayan niya.
"Bwiset, hindi kasi!" Natatawang sabi niya sabay sapak sa braso ko.
Tawang-tawa din ako. "Oo na! Hindi na nga! Ang sakit manapak nito!"
Pinagaawayan namin kung nandadaya ba siya sa mga laro namin kaya siya palaging nanalo. Ang sarap niyang asarin, madaling napipikon, e.
Pagkababa niya ay bigla siyang natahimik na ikinataka ko. Nakatingin lang siya sa paligid na para bang guilty siya o may ginawa siyang krimen. I looked around and saw everyone staring at us. Baka ito yung rason kung bakit ayaw niyang magsabay kami?
"Alis na ko, ha?" Sabi ko.
Mabilis naman niya akong nilingon at tumango. "Ako din. See you later."
Ngumiti ako. "See you."
ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW
Nasa classroom na ako nang biglang sumulpot si Steph at Michaela sa harapan ko. Sabay silang yumuko. Steph looked at me with sad eyes while Kayla was smirking at me.
"Bakit?" Tanong ko at kumagat ng chips na binigay sakin ni Landon, who is sleeping right now.
"Sabay kayong pumasok ni Hayden?" Malungkot na sabi ni Steph.
Natigilan ako sa pagnguya at unti-unting tumango. Nagulat naman kami lahat ng tumili si Kayla na nagpagising sa katabi ko.
"What the hell?" Galit na sabi ni Landon.
"Ah, sorry..." sabi nito.
"Baka saktan ka niya. Hindi ka pwedeng masaktan, Essie!" Sabi nito.
Kumunot naman ang noo ko nang natanto kung ano yung ibig niyang sabihin. "Hindi kami. Don't worry. Magkaibigan lang kami. F-R-I-E-N-D-S."
She sighed in relief. "Okay..."
Nilingon ko si Landon na diretsyo lang ang tingin kay Stephanie. Yung tipong parang artista si Steph. Nang naramadaman niya ang titig ko sakanya ay tinaas ko ang kilay ko habang nakangisi. Umiling lang siya pero alam ko namang kinikilig to.
Naistorbo nanaman ako nang nagvibrate ng paulit-ulit yung selpon ko. Kinuha ko iyon at nakitang galing kay Lolo Hercules iyon.
Lolo Hercules:
hi'ja!
hi'ja!
hoy!
Excuse me?
Miss Sevilla!
Kumunot ang noo ko, anong kailangan nito?
Me:
Yes, Lo?
Lolo Hercules:
May bago akong misyon for you!!!
*Picture ni Hayden na naninigarilyo sa bintana.*
Smoking! Isang linggo ulit!
Me:
Okay po, Lo.
___________
To Be Continued.
YOU ARE READING
How To Tame a Bad Boy
RomanceHayden Maddox Alonzo, your typical privileged asshole. He smokes, drinks, sleeps with girls like it's nothing and fails his classes but never gets in trouble. Maria Essie Sevilla, a great sister and daughter. She excels in her studies and is favored...