Chapter Seven

1 0 0
                                    


HTTABB - 7

CHOCOLATE



ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW


Nakita 'kong magsasalita pa sana si Landon nang may naramdaman akong likido sa likod ko. Gatas... Chocolate...


"What the hell?!" Agad na sigaw ni Landon.


"Thats what you deserve for messing with Hayden!" Sabi ng isa sa isang malanding boses. Yung mala-chipmunk.


"Good job, babe." Sumulpot ang halimaw at hinalikan sa labi yung babae.


Napangiwi ako. Ew.


"Hoy." Paghiwalay ko sakanilang dalawa. Hinarap ko yung malandi at hinawakan yung balikat niya. "Sino ka? Today's Chix of the day?"


"W-What?! No! We love each other!" Agad naman niyakap ni lande si malanding halimaw.


Tumingin ako sa mukha ni Hayden at nakitang napilitan siyang yumakap pabalik.


"Right, babe?" Tinignan niya yung halimaw.


"Nah."


Lumaki ang mata naming lahat nang kumalas sa yakap si Hayden at tinignan yung damit ko. "Hmm... Bagay sayo, chocolate."


Masama ko siyang tinignan. "Gago."


Imbes na patulan siya ay kinuha ko nalang yung bag ko at humakbang papuntang CR.


"Hala!" Narinig ko yung boses ni Stephanie galing sa malayo. "Anong nangyari sayo?"


Umiling nalang ako at ngumiti. "Wala 'to."


Bumuntong-hininga si Steph. "Sabi ko na nga ba e. Ikaw pagtri-tripan ni Hayden." Kumuha siya ng tuwalya para punasan yung buhok ko.


"Gatas lang naman 'to. Buti hindi kumukulong tubig." Kasi kung ganon, nabugbog ko na yon.


"Hmm. Sa bagay."


Pagkatapos non ay pumunta na kami sa covered court dahil may pagpipilian ng mga maglalaro sa sportsfest. Naririnig ko ang mga tilian at kung ano-ano pa, ang rami ding tao ngayon. Parang pinagsama nila lahat ng estudyante sa isang malaking court. Nang palapit na kami sa section ko ay narinig ko si Sir Martin.


"Ayun! Miss Sevilla, halika dito!" Sigaw ni Sir Martin, na teacher din namin sa kabilang school pero pinalipat siya dito. Tinuro niya ako at kinuha ang kamay. "Eto, eto, eto! Magaling 'to!"


"Hala, sir?"


"Varsity 'to. Volleyball." Pagyayabang ni Sir Martin.


Hala, ayoko! Ang tagal ko nang hindi naglaro ng vball! Pa'no na yan?


Tinignan ako ng Coach Denise. "Talaga? Well, halata naman sa hubog ng katawan."


"Oh! Sige na, dali! Isa nalang kulang." Sabi ni Sir.


"Halika na! Varsity ka pala e. Bakit wala ka sa listahan?" Tanong sa'kin ni Coach sabay hila papunta sa ibang players.


"Wala po kasi akong planong sumali..." Pero tignan mo kung nasaan ako.


"Nako! Okay lang yan!" Nagbigay ng thumbs-up si Coach. "Oh, siya. Tinatawag na lahat ng Coach. Michaela! Lead!"


"Yes, Coach!"


Pumunta sa harap yung Michaela at tinignan ako tapos biglaang ngumiti. "Ikaw yung pumatol kay Hayden diba?"


Agad namang nagsilapitan yung mga ibang players.


"OMG. Siya nga!"

"Omy, tingin palang astig na!"

"Idol kita!"


"Okay! Enough! Go back to your places!" Mariin na sabi ni Michaela. "Hi, Essie. I'm Michaela, captain of the Volleyball team."


Tumango nalang ako. "Okay."


"Okay, stretch!"


At sinunod namin lahat ng utos ni Michaela, nang may naramdaman akong titig sa'kin kaya napalingon ako. Si Hayden, na masama ang tingin. Ano nanaman bang ginawa ko?




_______________

To Be Continued.

How To Tame a Bad BoyWhere stories live. Discover now