Chapter Twenty-Nine

0 0 0
                                    




HTTABB - 29

CAKE 2.0


ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW


Andun ako sa kwarto ko at tinitignan ang cake. Anong gagawin ko dito sa abs nito? I sighed and decided to keep it on my drawer. Gosh, sana hindi mapanis yan! Habang nagiisip ay nagring ang selpon ko.


"Hello, Nay."


"Hi, anak. Kamusta ka?" Tanong ni Nanay.


"Okay naman po. Kayo?"


"Okay naman din. Si Eugene ay bihira na dito sa bahay. May nobya na iyong bunso natin." Halatang natutuwa si nanay sa sinabi niya.


I laughed. "Talaga po, Nay?"


"Oo! Aba ipinakilala saakin. Haylyn ba yon? Yun pangalan, ata." Natawa naman ako. Malabo na ang memorya ni Nanay.


"Nako, Nay. Tumatanda ka na." Sabi ko at siya naman ang tumawa.


"Hay nako, kaya nga kailangan ko na ng apo." Sabi nito at humalakhak.


Tumawa ako pero natigilan din nang may itinanong si Nanay.


"Ikaw ba? Wala ka pa bang nagugustuhan?"


I licked my lips and looked at the open drawer when the cake was. "Uh," I gulped.


"Ay, meron." Halata ang tuwa sa boses nito. "Sino? Si Hayden ba?"


Lumaki ang mata ko. Ganon na ba ko kahalata? "Hala, pano niyo nalaman, Nay?" Tanong ko.


Tumawa ng tumawa si Nanay. "Sabi ko na nga ba. Kasi naman, sino bang hindi magkakagusto doon?"


I sighed and sat on my bed. "Akala ko nga po ay hindi po ako mabibiktima."


"Psh. Sa tingin mo ba hindi ka gusto non?"


I bit my lip and remembered what he said yesterday.


"I like you, Essie."


"Nakita ko kayo noon, anak." Humalakhak siya. " Hinabol kita noon pero nakita ko naman kayo ni Hayden. Napayapa ang puso ko dahil nakita kong totoo ang nararamdaman niya saiyo. At naramdaman ko yung pagmamahal niya sayo sa yakap na iyon." She paused for a bit. "Hindi ka yayakapin ng ganon ni Hayden kung hindi ka importante sakanya. Kung hindi ka niya mahal ay malamang pinabayaan ka lang nun."


I smiled. Tama naman si Nanay. "U-Uh, Nay..." I sighed, hindi ko alam kung dapat ko pa bang tanongin ito. "Kamusta po si... Tatay?"


She took a deep breath. "Ayun, sobra ang pagsisisi. Mahal na mahal ka non, Essie. Hindi nga lang niya maipahayag."


"Alam ko naman po iyon pero sobrang nasaktan lang po ako sa sinabi niya e."


"Hoy, Essie! Come na, we'll talk!" Narinig ko si Kayla sa labas.


"Ah, sige po, Nay. Bababa ko na po yung tawag."


"Oh sige, nak. Ingat ka."


"Kayo din po."


At binaba ko na ang tawag. Tumayo na ako at lumabas ako ng kwarto kung saan nakita kong nasa sofa na silang lahat. Seryoso na ngayon, pero nakangisi padin si Landon.


How To Tame a Bad BoyWhere stories live. Discover now