HTTABB - 12
CONDO
ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW
Natapos na ang isang week ng sportsfest namin. And happy to say, nanalo ang PH High. Ang usapan namin nila Gov ay pagkatapos ng sportsfest ay lilipat na ako sa condo ni Hayden kaya kinakabahan ako ngayon habang nagiimpake.
"Nay, bakit naman po kasi kayo pumayag?" Tanong ko.
"Kasi kung andun ka, edi mas magiging madali ang trabaho mo." Ngingiting sabi niya.
Nalaman ko lang galing kay Gov na pumayag na din pala si Nanay na manirahan ako. Aba magaling iyong si Gov, pati Nanay ko dinamay.
Nagiimpake ako ngayon ng damit, dahil ngayon ang lipat ko sa condo ni Hayden. Lahat ng damit ko ay pinaempake ni Nanay dahil baka daw matagalan ako doon. Ayoko nga!
HUMUGOT ako ng isang malalim na hininga nang nakarating na ako sa harapan ng condo niya. Katabi ko si Governor na hanggang ngayon ay malapad padin ang ngiti. Pati pagkatok niya ay nakangiti siya.
Nang bumukas ang pinto ay sumimangot ako lalo nung nakita ko yung nakakainis niyang mukha. Naka puting Tshirt siya at Nike na sweatpant shorts. Sabay kaming bumuntong-hininga.
"Pasok ka na, hi'ja!" Atat na sabi ni Gov.
Tinignan ko siya nang nakanguso at humakbang papasok sa condo habang hila-hila ang maleta ko. Nagulat naman ako nang kumaway siya at kinuha ang door handle sabay sara. Akala ko pa naman ay sasamahan niya kami!
Hindi ko namalayan na nawala na din pala sa paningin ko si Hayden. Hinanap ko siya at nakitang nakaupo lang siya sa sofa at nakatingin sakin. Umiwas ako at tinignan ang kabuuan ng condo. May kusina sa gilid tapos sa gitna yung living room, kapag naman ay nilagpasan mo ang living room ay may balcony na may swimming pool pa! Tapos may hallway na papunta ata sa mga kwarto at gym. Black and White ang buong condo.
HAYDEN ALONZO'S POINT OF VIEW
"Sit down, Essie." Mariin na sabi ko.
Tinignan niya ko at umupo naman agad, na ikinabigla ko. Nang umupo siya ay doon ko lang napansin ang kabuuan niya. Nakaponytail ang mahaba niyang buhok. Naka shorts siya at crop top.
"Anong tinitingin mo dyan?" Sabi naman niya agad.
Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimulang magsalita.
"Since you're in my condo, I have some rules for you." Panimula ko
"Tsh. Anong rules?" Tiniklop niya ang legs niya, humalukipkip at sumandal sa upuan na nakapaglunok sakin. Nakadisplay ngayon ang legs niya kaya nagiwas ako ng tingin.
"Dun ka sa malayong kwarto matutulog." Sabay turo ko sa pintong nasa tabi ng balcony. Pinakamalayo yon sa kwarto ko kaya doon ko siya papatulugin.
"Okay. Ano pa?" Sabi niya.
"Hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto ko." Yun lang naman.
"Okay, wala naman talaga akong planong pasukin ka don." Sabi niya at tumayo na sabay hila sa bag papunta sa kwarto niya.
Umiling nalang ako at pumasok na din sa kwarto ko. Nakahiga lang ako sa kama hanggang sa nakatulog ako, pero pagkatapos din ng ilang oras ay nagising ako sa mabangong amoy ng pagkain.
____________
To Be Continued.
YOU ARE READING
How To Tame a Bad Boy
RomanceHayden Maddox Alonzo, your typical privileged asshole. He smokes, drinks, sleeps with girls like it's nothing and fails his classes but never gets in trouble. Maria Essie Sevilla, a great sister and daughter. She excels in her studies and is favored...