HTTABB - 9
OFFER
ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW
"Good Afternoon, Miss Sevilla."
Nanatili akong nakatayo, hindi ko alam kung papasok na ba ako o hindi. "Uh, Good Afternoon po."
Ngumiti siya lalo. "Halika dito at maupo ka."
Humugot ako ng malalim na hininga at humakbang na papasok sa may upuan. Nang nakaupo na ako ng maayos ay tinignan ko siya.
"Bakit niyo po ako pinapunta dito?"
May kinuha siya sa drawer niya na tablet at may ginalaw doon. Nilapag niya yun sa table at inurong papunta sa'kin at pinakita. Lumaki ang mata ko nang natantong yun yung eksena na ginawa ko na nagviral. Kahit inaasahan ko na 'to ay nagulat padin ako ng sobra.
"Uh, papagalitan niyo po ba ko?" O pababayarin? Paparusahan? Gusto ko yon itanong pero ayoko siya bigyan ng ideya.
Humalakhak siya ng malakas. Yung parang may tigil kada syllable. Humahagop ata siya ng hangin non kasi lam mo na, medjo may katandaan na siya. "No, hija, no."
Hija? Close kami?
"Ah..." So pababayarin niya ko?
"I actually wanted to give you an offer." Humalukipkip siya. "A job offer."
Agad akong napatayo. "Ayoko po."
Kumunot ang noo niya at napailing. "What? Why?"
"Ayoko pong gawin yon..." Ayoko maging stripper...
Agad lumaki yung mata niya. "No, hija! It's not what you think." Humalakhak siya.
Napahinga ako ng maluwag at umupo na ulit. Edi ano naman?
"You sure are funny." Tumatawa padin siya.
Anong nkakatawa sa sinabi ko?
"Ano pong job offer yung sinasabi niyo?" Tanong ko.
"What you did in the video..." Panimula niya. "No one has ever done that yet."
Kumunot lalo ang noo ko. "Alam ko po."
"Hmm... I was quite amazed. You are one of a kind." Tumango-tango siya.
Pinatulan ko lang naman si Hayden, one of a kind na... Hindi ba pwedeng matapang lang?
"Salamat po." Hindi ko alam kung magandang bagay ba yung sinabi niya.
"And, I heard you were working in 7-Eleven, SM and more places to mention."
"Opo, kaunti lang po kasi ang kaya ng pamilya ko."
"I see." Sabi niya. "That's why I have this offer for you." Huminto siya ng saglit. "I want you to work on Hayden."
Tumayo ako agad. No way. "Hindi na po kailangan. Okay na po ako sa mga trabaho ko." Inayos ko yung gamit ko at nginitian siya. "Pero salamat po sa offer. I appreciate it."
Maglalakad na sana ako palabas nang may sinabi siya na nagpatigil sa mga paa ko."Fifty thousand dollars," Lumingon ako sakanya. Ano yon? Sweldo? "per mission."
Dalawang milyong pesos na yon... Edi dalawang mission lang ang kailangan kong gawin para maoperahan na si Tatay?
"Your dad is in the hospital, am I right?" Tanong nito.
"Uhm, Opo." Lumapit ako at umupo ulit. Napapikit ako. Bakit ko ba to ginagawa!? "Paano niyo nalaman?"
"I'm the governor of the country, hija." Ngumiti siya. "I have access to hospitals."
I sighed. "A-Ano po bang papagawin niyo?"
Sumandal siya at ngumisi. "Easy. Patigilin mo si Hayden sa pagiging masamang impluwensiya. That means no bullying, no girls, no smoking at kung ano ano pa."
Imposible naman ata yon? No one can stop his habits but himself. "Ang hirap naman po non."
Humalakhak siya. "Kaya nga Fifty thousand yung sweldo kasi may kaunting kahirapan, Maria Essie."
I feel so pathetic right now. Hindi ako makapaniwala na ginagawa ko to ngayon. Bat ako tumatanggap ng ganitong offer? Para kay Tatay. Mygad! Anong nangyayari sayo, Maria Essie Sevilla!
Bumuntong-hininga ako at dinilaan ang pangibaba kong labi. "Okay. I'll take the job."
____________
To Be Continued.
YOU ARE READING
How To Tame a Bad Boy
RomanceHayden Maddox Alonzo, your typical privileged asshole. He smokes, drinks, sleeps with girls like it's nothing and fails his classes but never gets in trouble. Maria Essie Sevilla, a great sister and daughter. She excels in her studies and is favored...