HTTABB - 27
DRUNK
ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW
Nagtaxi ako papunta sa venue kung saan sila naginuman. Since sila Landon at Hayden lang naman daw ang nalasing, kinuha na nung dalawa si Landon. Hinihintay nalang daw nila ako.
Pagpasok ko sa bar ay chineck ang ID ko, minor pa naman ako? Tinignan ko yung bouncer at nakataas lang ang dalawa niyang kilay.
"Uh, kukunin ko lang po yung k-kaibigan ko sa loob. Naglasing po e." Sabi ko.
"Kayo po ba yung kaibigan nila Sir Hayden?"
Agad naman akong tumango. "Opo. Essie Sevilla po."
Tumango-tango siya at pinasunod ako sakanya.
Nang nakadating na ako sa may VIP lounge ay agad kong nakita sila Bren at Joaquin na nakatambay sa may pinto.. "Essie!"
"Hi." I waved my hand. "Asan si Hayden?"
"Nasa loob." Joaquin pointed the door. "Nabaliw na yung dalawa."
I sighed and massaged my temple. "Pasok ako, ah?"
Tumango sila at pinagbuksan ako ng pinto. Kumunot naman agad ang noo ko nang nakarinig ako ng isang tumatawa at isang humihikbi.
"Alam mo!? Gago ka talaga, bat mo ko pinagtatawanan!" Humihikbing reklamo ni Hayden.
"Kakatawa ka kasi e! Umiiyak ka ngayon, bro." Biglang tinaas ni Landon ang daliri niya na para bang may naisip siya. "Videohan kita tas sesend ko kay Essie!" Tatawang sabi niya habang hinahalukat ang damit niya para kunin ang selpon.
Bigla namang napatigil si Landon sa paghahanap at sumimangot. "Asan na yung cellphone ko!?" Humikbi siya at tinawanan naman siya ni Hayden.
"Yan! Karma mo yan! Gago ka kasi!" Tinuturo-turo pa ni Hayden si Landon habang humahalakhak.
"I told you," Tumabi sakin si Joaquin. "Nababaliw na sila."
I sighed and walked towards Hayden. Umupo ako sa tabi niya.
"Hoy." I got a hold of his shoulders and faced him to me. Agad namang lumiwanag ang lasing niyang mukha.
"Essie!" Maligayang sambit nito at niyakap ako. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. Unti-unti at dahan-dahan ko siyang niyakap pabalik.
"Hindi ka na galit? Bati na tayo?" Tanong niya nang kumawala siya sa yakap at lumapit sa mukha ko.
Umiling ako. "Hindi na ko galit. Uwi na tayo."
He smiled. "Oh sige, uwi na tayo." Nilingon niya si Landon at tinawanan. "Kawawa ka naman, tol. Wala kang Essie na magaalaga sayo."
Tinignan siya ng masama ni Landon at binatukan sa ulo.
"Aray ko!" Hinawakan ni Hayden ang ulo niya kung saan siya binatukan. "Essie oh!"
Tumikhim ako. Ganito pala to pag lasing?
"Hmm. Oo na, halika na." Tumayo ako at inalalayan si Hayden.
Nilingon ko yung dalawa nilang kaibigan na tumatawa lang. "Kayo na bahala dun sa isa."
Nagtanguan sila pero nakita kong kumunot ang noo ni Bren. "Alam mo ba kung saan nakatira si Hayden?"
My mouth formed an 'o'. "Ah, oo. Binibisita ko siya minsan." Hindi nga pala nila alam magkalive in kami.
"Hindi kaya! Naka-" Agad kong tinakpan ang bibig nung madaldal na lasing.
"Alis na kami." I smiled and walked out with the guy.
NANG nakadating na kami sa taxi ay tahimik lang kami. Nakatingin ako sa labas habang nakatitig naman si Hayden sakin. Nilingon ko siya.
"Bakit?" Tanong ko.
"Huh?"
"Bakit ka nakatitig sakin?"
He smiled warmly. "Wala. Ang ganda mo lang."
Lumaki ang mata ko at tumikhim. Naramdaman ko ang pagakyat ng lahat ng dugo ko sa pisngi. Nagiwas ako ng tingin at narinig ko namang tumawa siya.
"Mas maganda ka pala kapag namumula." He chuckled.
Hindi ko alam kung anong sasagutin kaya. "Thanks."
Ganon lang ang aming sitwasyon hanggang sa nakadating na kami sa condo. Binuksan ko ang pinto at sumunod naman yung lasing.
"Home sweet home." Sabi nito at dumiretso na sa kwarto niya.
Kumuha naman ako ng tubig at twalya para punasan si Hayden at sumunod na din sa kwarto niya. Nakita kong nakahiga lang siya sa kama at nakatitig sa kisame. Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang basang twalya.
"Pupunasan ko yung mukha mo." Sabi ko at nakitang nakatitig lang siya saking tumango.
Nagsimula akong magpunas ng mukha niya nang nagsalita siya. "Bakit hindi mo ko pinapansin?"
Napatigil naman ako ng konti pero bumalik na din sa hwisyo. "Ha?"
"Bakit hindi mo ko pinapansin kanina?" Tanong niya. Nanahimik lang ako dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hinawakan niya ang pulsuhan ko kaya napatigil ako sa ginagawa. "Answer me."
Napalunok ako. He's so handsome right now. I looked away and coughed. "Uhm... Hindi naman kita iniiwasan."
"Hmm, sure." He sarcastically said. "Hindi ako naniniwala."
I licked my lips. "Okay."
He smiled and gave up. Pero agad din namang nawala ang ngiti niya.
"Bakit?" Tanong ko.
Siya naman ang namasa ng kanyang labi. "I like you, Essie."
__________________
To Be Continued.
YOU ARE READING
How To Tame a Bad Boy
RomanceHayden Maddox Alonzo, your typical privileged asshole. He smokes, drinks, sleeps with girls like it's nothing and fails his classes but never gets in trouble. Maria Essie Sevilla, a great sister and daughter. She excels in her studies and is favored...