Chapter Four

1 0 0
                                    




HTTABB - 4

SCANDAL











ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW





"Hoy, ate!" Tawag sa'kin ni Eugene pagkapasok na pagkapasok niya sa bahay.


"Ano?"


"Pinatulan mo yung apo ng Governor?" Atat na tanong nito. "Tignan mo!" Pinakita niya ang celpon niya at lumaki ang mata ko nang nakitang video iyon ng eksena kanina.


"Hala ka," Napatakip ako sa bibig ko at napasandal nalang sa sofa.


Mas lumalim naman ang iritang nararamdaman ko nang narinig kong tumawa ng malakas si Eugene.


"Anong tinatawa-tawa mo jan!?" Tanong ko.


"Paulit-ulit kasi yung pangaral mo sakin na wag manggulo tas ikaw tong first day palang may scandal na!" Sabi nito habang humahalakhak ng malakas at tumakbo papunta sa kwarto niya bago ko siya mabatukan.


"Anong scandal, anak?" Nagulat naman ako nang nakita kong lumabas si Nanay galing sa kusina. "Anong nangyari?"


Kinamot ko ang ulo ko. "May nakasagutan lang po ako, Nay."


"Sa apo ng governor, nay!" Biglang sigaw ni Eugene galing kwarto kaya napapikit nalang ako, nagaabang ng sermon.


"Nako." Bumuntong-hininga si Nanay. "Bakit ba?"


Dinilaan ko ang pangibaba kong labi at kinagat iyon. "Eh kasi, may binubully po kasi siya kaya nagkasagutan po kami. Hindi ko naman po alam na apo siya ng governor, nay."


Napangiti naman si Nanay. "Tama naman yung ginawa mo." Tumago-tango siya. "Pagbutihin mo pa iyan, anak."


"Luh! Bakit okay lang pag siya!? Ba't pag ako palaging napapagalitan? Where's the equality!?" Sigaw nanaman ng mokong.


Pumunta agad si Nanay sa kwarto at binatukan yung kapatid ko. "Kasi siya may matinong rason! Ikaw, sige, anong rason mo sa pakikipagaway, ha?!"


"Aray!" Napahawak si Eugene sa ulo niya at sa tenga niya kung saan siya piningot ni Nanay.


Napailing nalang ako at natawa ng bahagya nang biglaang nagring yung selpon ko. Kinuha ko iyon galing sa bulsa at nang nakitang si Rosemarie iyon, katrabaho ko sa 7-Eleven, ay sinagot ko iyon.


"Hello?"


"Essie! Kailangan ko ng tulong!" Problemadong sabi nito.


"Bakit?"



"Kasi naaksidente yung anak ko! Tapos shift ko ngayon!" Halatang nangingiyak na siya dahil sa pagpiyok ng kanyang boses.



"Ha? Hala, sige. Umalis ka na. Papunta na ko dyan." Sabi ko at nagmadaling pumasok sa kwarto para magbihis.


"Talaga?" Napahinto siya. "Mare, salamat talaga!"


"Walang anuman, puntahan mo na si Jared." yung anak niya.


"Sige, sige!" At binaba niya ang tawag.


Umalis ako ng bahay nang may dalang backpack na may laman ng libro ko at payong dahil umuulan. Pagkadating ko sa 7-Eleven ay kaagad naman akong pumunta sa cashier at umupo doon. Nilatag ko yung mga libro ko, nagsimulang magbasa at maghighlight. Kapag may customer namang pumapasok ay iniiscan ko yung gamit.


Pagkalipas ng ilang oras ay nakita kong 12 AM na nang may dumating isang pamilyar na customer na mukhang problemado. Tinignan ko siya nang mariin.


Bat nasa 7-Eleven tong mayamang halimaw na 'to?


Napansin kong naramdaman niya ang masama kong titig sakanya kaya napalingon siya sakin. Biglang nawala yung pagkaproblemado niya sa mukha at humalakhak siya. "Essie Sevilla?"


"Ano?"


Humalakhak siya ng malakas, yung may halong paglalait. "Ang yabang yabang mo kahapon tapos..." Tumawa siya ng mas malakas, tawang-tawa lang? "Sa 7-Eleven ka lang pala nagtratrabaho!?"





_____________

To Be Continued.

How To Tame a Bad BoyWhere stories live. Discover now