Chapter Fourteen

1 0 0
                                    




HTTABB - 14

COMFORT





ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW


Me:

Day 1: Check!


Nagattach ako ng mga picture ni Hayden na nakahiga sa sofa habang hawak ang modern clock para malaman ni Gov yung time. Nagattach din ako ng isa pang picture na selfie namin dalawa at nakakunot yung noo ni Hayden at ako naman ay nakangiti. Ang weird ay pinasend ni Hayden sakanya yung picture na yon. Baka crush na ko nito.


Governor Alonzo:

Wow! Sabi ko na nga bang kaya mo yan e, Miss Sevilla!


Ngumiti ako.


Me:

Salamat po, Gov. Essie nalang po itawag nyo sakin! Close na naman po tayo e. Hahahaha!


Governor Alonzo:

Nako! Buti ka pa, mabait sakin. Eh yung apo ko ang sama palagi.


Napanguso ako don at tinignan ng masama ang kakapicture ko lang na Hayden.


Me:

Hayy! Ganyan po ata talaga yon! Snob...


Governor Alonzo:

Oo nga! Mana sa nanay niya!

Governor Alonzo:

You passed the vibe check, Essie!


Natawa naman ako don. Ang funny talaga ni Gov!


Nagpaulit-ulit yung picture taking ng anim pang araw.



ONE MONTH LATER...



Oo. Isang buwan na kami magkasama ni Hayden sa isang bahay. At sa isang buwan na iyon ay mas naging malapit kami ni Hayden. Oo, nagaaway padin kami pero hindi na yung nakakainis na away, nakakatuwa na. Kung kayo nagtataka, wag kayong magalala, ako din.


"Ano ba? Hindi ka kasi marunong!" Pinagalitan ko siya.


"Ano ba! Akin kaya to?" Sabi niya sabay bawi sa controller niya.


"Ang bobo mo maglaro, halimaw ka! Natalo tuloy tayo!"


Umiling si Hayden at sumuko na. Binigay niya na yung controller. Sa isang buwan na pagsasama namin ay natutunan ko na marupok siya pagdating sa kapatid, nanay at sa mga kaibigan niya.


"Makasalita, to!" Sabi niya na para bang naiinis pero nang nilingon ko ay nakangiti lang siya.


Nasa kwarto kami ngayon ni Hayden at naglalaro ng Mario Kart, oo, pinapapasok na niya ako dito. May parules rules pa hindi naman masusunod.


Maglalaro pa sana kami ng isa pang round nang nagring yung alarm ko. Tinignan ko iyon at nakita ang title. Punta kila Nanay. Lumiwanag ang mukha ko nang naalala kong ngayon nga pala kami bibili ng bahay nila. Nakuha ko na kasi sweldo ko, kaya binilhan ko muna sila ng bahay para hindi na sila titira sa kubo. Ang unfair naman tignan, andito ako tas ang ganda ng condo tas sila Nanay ay sa kubo lang nakatira? Ang sama ko namang tao. 


How To Tame a Bad BoyWhere stories live. Discover now