HTTABB - 23
MOMMY'S HOME
ESSIE SEVILLA'S POINT OF VIEW
Pagkatapos namin magusap ng ilang mga minuto ni Lolo Hercules ay tunganga akong naglakad papunta sa bahay. Nung nalaman ko kung sino siya ay kinikilabutan ako kapag natatandaan ko yung maiksing paguusap namin. Kilala niya ko! Alam ko naman na wala yung pangalan ko sa mga articles... Paano niya nalaman? Oh my gosh, paano kung pinaimbestiga niya ko?! Bigla akong napalingon sa paligid ko. Paano kung may tauhan siyang nakasunod sakin?
Naputol ang pagiging praning ko nang nagring ang selpon ko. Kinuha ko iyon galing sa bulsa at sinagot nang nakitang si Hayden iyon.
"Hello?"
"Where are you?" Tanong niya.
"Papauwi na, why?"
Narinig kong bumuntong-hininga siya. "My dad, I heard he went there..." Sabi niya. "And that you two talked?"
Napatigil ako sa paglalakad. Ang bilis ng balita... "Yeah... Pero hindi ko alam na tatay mo siya."
"Yeah, okay. You don't have to explain." Sabi niya. "But please, be careful around him. He's dangerous."
I bit my lip. "Okay."
PAGKAUWI KO ay agad akong sinalubong ni Hayden at kinapa ang mukha ko. "Sinaktan ka ba niya? May sugat ka ba? Are you okay?"
Tinanggal ko ang mga kamay niya. "I'm okay."
He sighed in relief. "That's great news."
"Don't worry. He just asked me kung ako ba yung babae sa mga articles." Binaba ko ang bag ko at humilata sa sofa.
"What did you say?"
"Sabi ko, oo. Pero hindi naman... tayo." I hesitated. It's awkward to talk about that.
I looked at his face and sensed a hint of disappointment. "Oh, okay."
Tumabi sakin si Hayden at umayos naman ako ng higa, pero hindi padin ako kumportable kaya nilagay niya ang ulo ko sa binti niya, ginawang unan iyon. Agad naman akong natigilan. We we're already clingy with each other but why is it that there is this feeling in my stomach right now?
Malalim ang kinawala kong buntong-hininga at mukhang napansin niya iyon. "Are you not comfortable?"
I looked at him and shook my head. "I'm okay."
He nodded and licked his lips while looking at me. Naramdaman kong nailang siya kaya binalik niya ang tingin sa balcony. Habang nakatingin lang ako sakanya ay hindi ko napansing unti-unti na pala akong nakatulog.
YOU ARE READING
How To Tame a Bad Boy
RomanceHayden Maddox Alonzo, your typical privileged asshole. He smokes, drinks, sleeps with girls like it's nothing and fails his classes but never gets in trouble. Maria Essie Sevilla, a great sister and daughter. She excels in her studies and is favored...