PROLOGUE

1.7K 52 24
                                    

"Babaee!!" tawag sa'kin ng boyfriend ko.

"Babaeeee!" ayan na sumigaw na ulit sya kaya naman napilitan akong lumapit sa kanya, nandun sya sa sala. Pag kalapit ko sa kanya ay pinameywangan ko agad sya.

"Ano yon lalaki?" tanong ko rito ngumuso naman sya at itinuro yung CD player.

"O anong gagawin ko dyan? Papakain ko sayo?" sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Ayusin mo!" nakangusong utos nya sa'kin. Tsh napakachildish mo. Lumapit naman ako sa CD player at tiningnan kung may sira ba ito.

"Wala namang sira ahh." sabi ko sa kanya habang chine-check yung CD player. Pagkatingin ko sa kanya ay nakatingin na sya sa'kin ng masama. Aba tong lalaking to ahh.

"Wala ngang sira!" sigaw ko sa kanya at tumingin ulit sa CD player para na nya kasi akong pinapatay sa isip nya.

"Ayaw mag-play nung movie ehh." nakangusong sagot nya.

"Anong movie ba ang papanoorin mo at kailangang sa t.v mo papanoorin?" tanong ko sa kanya.

"SpongeBob." S-SpongeBob?! TF?!

"Seryoso?" tanong ko sa kanya nakanguso naman syang tumango.
"Baliw, hindi movie ang SpongeBob may mga episodes yon at sobrang dami non! Atsaka pwede mo naman yong panoorin sa cellphone mo! Pinapahirapan mo pa ko marami pa kong lilinisin oh." sabi ko sa kanya at itinuro ang kusina. Oo nakatira na kami sa iisang bubong pero wag kayong mag-alala dahil walang mangyayari samin dito, magluto nga ay hindi nya kaya galawin pa kaya ako? Atsaka may tiwala ako dyan, natigil na lang ang pagsasalita ko sa isip ko nang magsalita sya.

"Bilis na, gusto kong panoorin yan ehh." pagmamakaawa nya at nag-puppy eyes pa! Ampotchi neto alam naman nyang pagdating sa ka-cute-an nya ay hindi ako makatanggi.

"Oo na! Letse!" sigaw ko at inayos yung CD player nakita ko naman syang unti-unting ngumiti ng pagkalawak-lawak. Tss. Pagkatapos naming kumain at maligo nagyaya sya na pumunta daw kami ng mall date daw. Kaya naman kinikilig akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis,pagkatapos ay pumunta na kami sa garahe ng bahay at ako ang nag-drive papuntang mall oo pati sa pag-da-drive ay hindi rin nya kaya. Natatakot daw sya sa video games nya lang daw kaya yon.

Maya-maya pa ay nakarating na kami ng mall. Pero imbes na sa restaurant kami pumunta ay dumeretso kami sa bilihan ng mga LARUAN! Sabi na nga ba ehh sinama lang ako neto para pag-drive-in ehh. Tsk! Wala akong nagawa kundi ang sundan sya, Pagkapasok nga namin ng store ay pinagtitinginan kami ng mga tao sa ka-cute-an ba naman ng kasama ko sinong titingin di ba? Napagkamalan pa nga kaming mag-asawa na bumubili ng laruan para sa mga anak namin. Ang mga pinamili nya ay SpongeBob na stuff toy, We Bare Bears na stuff toys, mga nerf gun, at hindi mawawala ang colorful unicorn na stuff toys. Nagulat pa nga yung kahera ng marinig nyang bakla itong kasama ko. Well kahit ako nung una ay hindi makapaniwala na bakla to pero diba kapag mahal mo daw ang isang tao tatanggapin mo sya. I'm super proud that I have a Childish Gay Boyfriend pero minsan nakakabwisit na!

©All Rights Reserved.2020.

My Childish Gay BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon