Play-III

16K 340 23
                                    

"You'll want it, once you've taste it..."

***
Your Unwanted Escape

    NAPANSIN nina Annie si Gret na parang balisa pagkabalik nito ng kanilang department. Kanina kasi ay nagpaalam siyang magkakape lang pero sa hitsura niyang bumalik ay parang nasobrahan siya sa kape.

    "Nandiyan sa hallway sina Sir Freed!" anito. Halos sabay namang napatayo ang ibang kasamahan nina Annie at lumapit sa pintuan.

    "Bakit? Ano'ng nangyari?" tanong ni Camille habang sumisilip sila sa pintuan.

    "Nabuhusan si Sir Freed ng kape no'ng bagong recruit. Kaya ayan, pinupunasan niya 'yang coat niya pero as usual, hindi naman magagalit si Sir Freed eh," sagot naman ni Gret.

    "Ang pogi!" napatakip sa bibig si Camille sabay hiyaw nito na ikinagulat naman ni Annie habang abala sa kanyang trabaho.

    "'Pag ako, pinatulan ni Sir Freed, iaalay ko ang buong katawan ko sa kanya," dagdag pa nito. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Annie ang sobrang pagkahumaling ni Camille sa kanilang boss. Hindi mo naman kasi sila masisisi dahil halos lahat naman ng kababaihan ay nagkakagusto kay Freed. Even herself, she admits that she's always admired Freed but probably it won't lapse in a romantic way.

    Bigla namang umalis sa malapit sa pintuan sina Camille at nagsipagbalik sa kanilang puwesto na kunwari ay tutok na tutok sa trabaho, doon napagtanto ni Annie ang rason nang pumasok si Freed sa kanilang department.

    "Good Morning, Sir Freed!" sabay-sabay nilang saad, with the same tone maliban kay Annie na mukhang hindi oriented sa choreography ng pagbati nila.

    "Good Morning!" he greeted back everyone with his admirable smile.

    "I came here for these, I have scheduled final interview this afternoon, right...Miss Annie?" napakurap naman ng ilang beses si Annie nang makita niya ang mga papel na nilapag ni Freed sa kanyang desk.

    "Ah, yes sir..." she doesn't know why she couldn't get a grip of her normal voice when she looked up to him.

    "I see. I worked with Bianca before, the one who's in-charge with recruitment pero naka-leave siya ngayon 'di ba? I'd like to ask your assistance instead."

    Hindi kaagad nakasagot si Annie at napatingin sa kanyang monitor na tambak pa rin siya ng gagawin. Hindi naman niya alam na hindi pa natatapos ang kanyang tungkulin sa recruitment matapos ng initial interview.

    "Yes, Sir. Annie will be assisting you..." nang mapansin naman ni Jerome na hindi na sumasagot si Annie ay siya na ang sumagot para sa kanya. Akala naman ni Annie ay lulubayan na siya ng mag titig ni Freed nang sumagot si Jerome kaya naman pagtingin niya muli sa gawi ni Freed ay bigla siyang kinabahan.

    "Okay...Sir," she responded which made Freed's eyes looked away from her.

    "Alright, thank you Miss Annie. I should go, good luck to your work every one. Always remember to take a break," paalala naman ni Freed bago siya tuluyang lumabas ng silid.

    "Iiyak talaga ako kapag napalitan ang boss natin," napangusong saad ni Gret.

    "True! Saan ka pa ba makakahanap ng boss na kagaya ni Sir? Why is he so bait, nai-in love ang aking puso...Sir Freed!" yinakap naman ni Cammile ang kanyang stuff toy sabay pikit ng mata nito.

    "Sir Jerome, okay lang ba mag-a-assist ako mamayang hapon? Hindi ko pa tapos ang computation sa payroll," singit ni Annie na nag-a-alala para sa kanyang trabaho.

Freed's Playroom  [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon